Chapter 19
“Michael, may gusto ka ba kay Decyrie?” biglaang tanong ni Myrtil.
Nang dahil sa tanong niya ay muntik na lumabas sa ilong ko ang iniinom ko. Nakita ko naman na nasamid si Michael. Hindi niya kasi alam kung matatawa siya o lulunok.
Pinunasan ko ang ilong at ang bibig ko dahil pakiramdam ko ay tumalsik ang ilang patak ng juice na iniinom ko. Nangbibigla naman kasi ‘tong si Myrtil.
“Tinatanong kita, Michael. May gusto ka ba rito kay Decdec?” tanong na naman ni Myrtil kay Michael. Lalo tuloy nasamid si Michael. “Arte nito.”
Kinuha ni Michael ang baso ng tubig habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa lalamunan niya. Mabilisan niyang nilagok ang isang baso ng tubig. Kaagad naman ‘yong naubos.
Nandito kami sa isang restaurant at kumakain. Light meal lang ang in-order namin ni Myrtil habang ang kay Michael naman ay heavy meal. Gutom na gutom na raw kasi siya kanina pa at hindi siya mabubusog sa in-order naming dalawa ni Myrtil.
Sinabi ko na nga na magkarinderya na lang kami ngunit hindi pumayag si Myrtil. Ililibre naman daw niya ako dahil alam niyang ayaw kong gumastos. Medyo may alam naman na kasi si Myrtil sa relasyon ko sa mga magulang ko kaya alam niya ang rason ng pagtitipid ko.
“Pakiulit nga ng tanong mo, Myrtil,” saad ni Michael nang mahimasmasan na siya. Dahan-dahan niyang ginagalaw ang kutsara at tinidor na hawak niya.
“Tinatanong ko kung gusto mo na ba si Decdec,” pag-uulit ni Myrtil sa sinabi niya kanina. “Bilisan mong sumagot, Michael. Ayusin mo ‘yang isasagot mo, ah. Huwag mong ipahiya ‘yong angkan natin.” Hindi ko alam kung seryoso ba ‘tong si Myrtil sa mga pinagsasasabi niya.
Sumandal si Michael sa kaniyang upuan at sumulyap sa akin. Ibinaba niya ang paningin niya sa pagkain nang makitang nakatitig ako sa kaniya. “A-Ano... puwede bang i-take home ‘tong quiz na ‘to? Ang hirap sagutan, eh.” Hinampas siya ni Myrtil gamit ang tissue na nasa ibabaw ng lamesa. “Aray naman! Sasagutin ko naman nang maayos ‘yong tanong kaya easy ka lang,” natatawang aniya. Tumingin sa ‘kin si Michael. “Hindi naman mahirap magustuhan si Decyrie. Oh, hayan… honest answer ‘yon, ah. Pero… wala pa naman ako sa parte ng buhay ko na gusto ko na siya.”
Napataas ang sulok ng labi ko nang dahil sa naging sagot niya. Medyo na-impress ako nang dahil doon. Hindi ko kasi inaasahan na ‘yon ang isasagot niya. Ang akala ko ay babanat pa siya at sasabihin na gusto niya na ako.
Matalim na tiningnan ni Myrtil ang pinsan niya. “Panindigan mo ‘yang sagot mo, Michael. Baka magulat na lang ako na isang araw ay nanliligaw ka na rito kay Decdec. Sinasabi ko sa ‘yo, Michael… makakatikim ka sa ‘kin ng sabunot na hinding-hindi mo makakalimutan.” Nanakot pa talaga.
Tumawa nang mahina si Michael. “Off limits na rin naman si Decyrie,” mahina niyang sabi.
“Huh?” nalilitong tanong ni Myrtil.
Kahit ako ay napabaling kay Michael nang dahil sa naging sagot niya. Hindi ko maintindihan kung bakit niya sinabi ‘yon. Off limits? Bakit?
Umiling si Michael. “Wala! May sinasabi ba ako? Ang sabi ko, magpapatuloy na ako sa pag-ubos ng pagkain ko para makabalik na tayo sa university,” balewalang sagot niya.
Sobrang layo naman ng unang sinabi niya sa pangalawang sinabi niya. Kahit na ganoon ay hinayaan na lang namin ni Myrtil na ubusin ni Michael ang pagkain niya. Kinukunti-kunti na lang din namin ang mga juice namin para may mapagkaabalahan kaming dalawa.
Nang matapos ay nag-iwan na si Michael ng bayad sa ibabaw ng lamesa. Hindi niya hinayaang magbayad ang pinsan niya. May pera naman daw siya at lalaki naman daw talaga dapat ang nagbabayad ng expenses ng babae—girlfriend man niya o hindi.
May bigla akong naalala nang dahil sa gesture na ‘yon ni Michael. Matagal na panahon na rin magmula nang huling beses kaming nagkita. Bigla akong napaisip kung nasaan na si Reymel ngayon. Ano na kaya ang buhay niya? Kinuha niya kaya ang dream course niya?
“Tulala ka na naman diyan,” puna sa akin ni Myrtil. Nakasakay na kami ngayon sa kotse ni Michael. Ito rin ‘yong sinakyan namin papunta sa restaurant. Si Michael ang nasa driver’s seat at nasa backseat naman kaming dalawa ni Myrtil. “Anong iniisip mo? O sino ‘yong iniisip mo?” Myrtil is now getting familiar with me. Nakakabisado na niya ako. At ganoon din ako sa kaniya.
Tumingin ako sa labas ng bintana ng kotse. “Naisip ko lang si Reymel,” sagot ko. “Hindi na kasi kami nakapag-usap ulit after no’ng last na pagkikita namin sa gate ng PLMAR.”
“Reymel? As in ‘yong first ex-boyfriend mo?” tanong niya.
Nabanggit ko naman na si Reymel sa kaniya ngunit hindi ko pa naikuwento kung ano ang nangyari sa ‘ming dalawa at kung ano ang rason ng paghihiwalay namin. Hindi ko pa naikuwento sa kaniya dahil sa tingin ko ay hindi naman na mahalaga ‘yon. Matagal na kaming wala ni Reymel kaya dapat hindi na ungkatin pa ‘yon. Pero gusto ko na rin namang makawala sa past naming dalawa. Hangga’t nandito pa sa ‘kin ‘yong resentment ay hindi ako makakalaya sa alaala naming dalawa.
“Bakit mo naman siya iniisip?” usisa ni Myrtil.
Umiling ako habang nasa labas pa rin ng bintana ang paningin. “Wala naman. Bigla ko lang siyang naalala,” sagot ko.
“Hmm, weh?” may pagdududa na tanong niya. Bumaling naman ako sa kaniya dahil mukhang may iba siyang gustong ipahiwatig sa tanong niya. Tumawa siya. “Oh, bakit? Itinanong ko lang naman ‘yong ‘weh’, ah? Malay ko ba na hindi ka pa pala nakakapag-move on sa first love mo?”
Sinabunutan ko siya. “What the f*ck, Myrtil? Anong first love ang pinagsasasabi mo? Hindi ko naman minahal si Reymel, alam mo ‘yan. At alam din ni Reymel ‘yan. It was an infatuation. I was so young and reckless way back then. Well, I still am. But not that severe just like before,” depensa ko. “Nakapag-move on na ako sa nararamdaman ko para sa kaniya. Hindi ko na siya gusto at hinding-hindi ko na ulit siya magugustuhan kagaya ng pagkagusto ko sa kaniya noon.”
“Nakapag-move on ka na nga—sa nararamdaman mo para sa kaniya. Pero sa sakit, nakapag-move on ka na ba?” pag-iinteroga niya.
Hindi ko alam kung bakit ba ngayon pa talaga namin napiling pag-usapan ‘to. Kasalanan ko rin pala dahil ako ang nagbanggit ng tungkol kay Reymel. Pero sinagot ko lang naman ‘yong tanong niya.
Nagbaba ako ng tingin sa balikat niya at saglit na natahimik. Pinag-iisipan ko kung ano ang sasabihin ko dahil totoo ang “everything you say or do can use against you”. Kapag nagsasagutan kami ni Myrtil ay ipang-aasar niya sa ‘kin ang pagkakamali ko. Ganoon din ako sa kaniya. Kumbaga, naggagantihan kami.
Ngumisi ako. “I can’t say that I have fully moved on, but at least… I’m already getting there. Maybe I just need a little more time to successfully moved on from the pain that he had caused me.” Sumandal ako sa malambot na sandalan at pumikit. “He was my first, Myrtil… he was the first man—aside from my brother—whom I leaned to. Siya ‘yong una ko sa halos lahat ng bagay, kaya siguro ganito kahirap makalimot.”
Wala akong narinig galing sa kaniya ngunit maya-maya lang ay naramdaman ko na ang yakap niya. “Mukhang matindi talaga ang ginawa niya sa ‘yo dahil naramdaman ko ang bigat ng mga salita mo. Kung ano man ‘yong naging dahilan ng paghihiwalay niyong dalawa, learn to accept it even though it would break you. In that way, matatanggap mo sa sarili mo na wala na talaga, na sinaktan ka talaga niya, at na kailangan mo na talagang makalimutan ‘yong sakit. Acceptance is the best key, Decdec.”
Hinawakan ko ang braso niya na nakayakap sa ‘kin. Hindi na ako nagsalita. Gusto kong namnamin ang mga salitang binitawan ni Myrtil. Ina-absorb ko ang advice niya sa ‘kin. Napag-isip-isip ko na hindi naman masama kung susubukan ko ngang i-accept ang mga nangyari na. Tapos naman na ‘yon at hindi na mababago pa. Kahit ilang beses akong magalit at magwala, wala na akong magagawa dahil tapos na ‘yon. Ang magagawa ko na lang ay bigyan ng kalayaan ang sarili ko na matagal na panahon ding nalugmok at nakulong sa sakit na naidulot ni Reymel.
Maybe it’s now really the time to forgive and set myself free from the pains and sorrows that I’ve been through for how many years. But that doesn’t mean that I would forget what he did to me. It is now impossible for me to forget about it, but at least, I tried to remove the heavy thing within me.