--
"Aray!" reklamo ko sabay hagis sakanya sa sofa. "Heartbroken ba 'to?" Baling ko kay Allen.
Ngumisi siya. "Who knows." At humalakhak.
Napairap ako sa sagot niya. Umupo ako sa katapat na inupuang sofa ni Allen, habol ko pa rin ang hininga ko. Itong si Allen kase pinatulong pa ako sa pagbuhat kay Bench!
"You have beer or something in your fridge?"
The hell. Tapos dito naman sila magkakalat sa condo ko? No way! Kaagad kong hinagis sa mukha niya ang throw pillow.
"The last time I check, puno lang naman ng mga suka niyo ang sofa ko-"
I was cutt off by his sneered.
"Sa mga babae 'yon ni Kuya-"
Parang tumaas ang altepresyon ko sa sinabi niya. God! Hindi motel ang condo ko! Kaagad kong hinagilap ang remote at tsaka hinagis sa mukha niya.
"You bring your girls in my condo? Damn!"
"The f**k, Slet! Bakit ako ang pinagbubuntungan mo? Si Kuya! Dahil babae niya 'yon." Mas lalo akong nainis sa paraan ng pag ngiwi niya.
Nanlaki ang mata niya ng kinuha ko ang maliit na flower vase, naku! Calm down, Slet. Padabog kong binalik ang flower vase tsaka umupo at sinamaan siya ng tingin. Napahawak siya sa dibidib niya na para bang umaakto na lumuwag na ang kanyang hininga.
"Didn't know that you're sadista."
I smirk. Pakinig ko ang pag halakhak ni Bench. Hindi ko na siya nilingon baka magkatotoo pa ang ginawa ko kanina.
"Don't worry, Winslet, if you have a boy toy or something feel free to bring him in my condo." Panunuya ni Bench.
"She doesn't have one, Kuya." Dagdag ni Allen.
Inirapan ko sila at pumasok na lamang sa kusina upang uminom ng kape. Pagdidiskitahan lang ako ng dalawang 'yon. I'll get myself sober up, though hindi naman talaga ako lasing, tipsy lang.
Pagkatapos ng noche buena kanina sa bahay ni Manang ay napagdesisyonan kong umuwi, but didn't know na sasama pala ang dalawang kumag sakin.
My phong ring. Tinapos ko muna ang ginawa tsaka sinagot ang tawag. I cleared my throat when I saw my father's name on screen.
"Hello?" Sagot ko tsaka umupo sa high stool chair para doon ipirmi ang sarili.
"How's the holiday?" He asked in croaky tone.
"It's fun po, are you okay?" I was annoyed by his voice.
"Yes, I am. How about Bench and Allen? Sabi ni Manang kasama mo raw sila ngayon."
Hindi ko mapigilang mapairap.
"Yeah, do you want talk to them?" Tanong ko at umaambang tatayo.
"Maybe later, tatawagan ko na lang sila." Dinig ko ang mga malalim niyang buntong hininga. "I'm sorry kung hindi natin sabay napagdiwang ang holiday ngayon."
Napanguso ko. "Okay lang, nag enjoy naman po sina Allen at Bench dito. How's Tita?"
I was in the middle of sipping my coffee when Allen entered the room. Kaagad ko siyang inirapan at tinalikuran. Dinig ko ang bawat kilos niya.
"I'm still finding her."
My brows furrowed.
"Bakit, saan po nagpunta si Tita? Nag-away na naman po ba kayo?" Sunod sunod na tanong ko.
Everytime they have misunderstanding or something, I felt guilty. Hindi ko alam kong bakit ganun ang nararamdaman ko. Parang feeling ko ako yung may kasalanan kung bakit sila nag-aaway. I'm paranoid!
"Uh, you know, Irene..."
My brows furrowed.
He is finding Tita Irene? Wait na misinterpret niya ang tanong ko at ang akala niya ay si Tita ang tinutukoy ko. My question is meant for Tita Noemi.
"Pinapahanap mo ngayon si Tita?" Pinipilit kong maging kaswal ang tono ng boses ko.
Wala akong maisip na dahilan para hanapin niya si Tita. Then he is doing it secretly! Ni hindi niya man lang sinabi sakin. Ito ba ang dahilan ng away nila ni Tita Noemi?
"Yeah, I want to surprise you. Dalawang taon na rin kayong walang koneksyon."
"Ito po ba ang dahilan ng mga bangayan niyo ni Tita?"
Dinig ko ang paghinto ng mga kilos ni Allen sa tanong ko. Batid kong nakikinig siya ngayon.
He smirk. "Noemi is just paranoid-"
"Alam niyo naman sigurong mainit ang ulo ni Tita Noemi kay Tita. Sana sinabi niyo muna sakin."
"I can take care of things like this. Ayaw kitang maistorbo sa pag-aaral mo." Mayroong autoridad sa kanyang boses ngayon. Pa minsan minsan ko lang ito naririnig sakanya. "I have to go, I had an urgent meeting to attend."
"O-okay, take care, bye."
Then he hang up. Dahil sa ginawa niya ngayon masasabi kong iniiwasan niya na magtanong ako kung bakit. Well… I took a deep breath and sighed. Sa halip na mag-isip ng mali ay dapat magpasalamat ako kay Papa! I miss Tita too.
"Again?" Biglaang tanong ni Allen, he grinned.
Nilingon ko siya at tinanguan. Yan ang parating tinatanong niya sakin na para bang mahirap sakanya na tanongin sakin ang tamang tanong. Nagkibit balikat lamang siya at ngumuso.
"Not surprised" Aniya at lumabas dala ang tray na mayroong mga chips.
Sa dalawang taong naming pagsasama, I can say Allen is the man whose good at hiding his problems or feelings. Kung ano ang problema niya sa bahay, mananatiling sa bahay lang.
Kaya nga siguro sa kanilang tatlo sakanya ako unang napalapit.
Lumabas ako ng kusina bitbit ang coffee na ginawa ko. Akala ko ay nanood si Allen ng netflix, pero wala siya sa sala, tanging si Bench lang na ang kamay ay pagod na nahuhulog sa sahig. I put his hand on his stomach before I go upstairs.
Tatlong room meron ang condo ko tapos mag-isa lang ako dito, hindi gaya sa condo ng mga kapatid ko na apat hanggang anim ang laman. I preferred small but comfy room, pero ito lang ang pinakamaliit na condo sa building na ito.
Akala ko nung una ay sa iisang bahay kami titira pero hindi pala. I asked Papa about this at ang sagot niya ay para raw maging independent kami at matutong tumayo sa sariling mga paa. Gusto niya kami ang pumali ng sariling daan na tatahakin namin, para raw sa huli ay wala kaming pagsisihan.
Pagkatapos kong mag half-bath ay agad akong pumunta sa vanity table upang doon gawin ang skin care routine ko. Nung una ay wala akong kamuwang muwang dito, dahil nung nasa pilipinas pa lamang ako powder and lip balm ay okay na sakin, not until Tita Noemi came, siya ang nagbigay at nagturo sakin kung paano gamitin ang mga ito.
Nung una akala ko ay mahirap pakisamahan si Tita Noemi, I mean ayos lang naman sakin ang tarayan niya ako at maging malupet siya sakin dahil nauunawan ko siya doon, but then I was wrong, malayong malayo ang expectation ko sa pakikitungo niya sakin. She's sweet, caring and a little bit strict (that's normal). For me she's a perfect mother that you wish you have.
Napunta ang gawi ko sa litrato naming tatlo ni Tita at Sarra. Sandali ko iyong tinitigan at saka kinuha, it's our picture when I graduated in highschool. Nakaakbay silang dalawa sakin at parehong nakapisil sa magkabilang pisnge ko. Hindi ko mapigilang haplusin ang mukha ni Tita sa litrato.
Siguro pinaglihian siya ng aking ina, people says I got my aura from Tita... you know cold, ngunit ang magkaiba lang samin ay aming mga mata. Her eyes are hooded while mine is upturned, but the way we smiled, yeah I can't deny magkapareho nga, though I've seen my mother's picture once ngunit bata pa siya doon, I guess ten or twelve, so I can't totally say kung aling feature ko talaga ang nakuha sakanya.
I asked Tita for other picture pero sabi niya 'yon lang ang meron siya dahil hindi naman daw ito bumibisita sa kanilang dating bahay probably w*****g. At hindi na raw sila magkasama nung nag highschool kase nagkahiwalay ang mga magulang nila, umuwi lang raw ang aking ina nung nalaman buntis na ito. Marami siyang explanation at hindi ko natatandaan lahat ng mga ito.
It's been two years since I left philippines, at wala na kaming koneksyon sa isa't isa. I tried to reach her out once but I failed, kung hindi lang talaga ako busy sa pag-aaral, I won't stop until I reach her out again!
"Don't be the woman I was, Slet."
Ito ang huling paalala niya sakin bago ako umalis sa bahay namin. Nung una ay hindi ko ito makuha, ngunit kalaunan sa biyahe papuntang australia, doon ko lang ito nakuha.
I will not, Tita! I promise ilalabas kita sa maling mundo na pinasok mo dahil sakin.
I sighed deeply.
Staying abroad with my brother, made me realize na sa pamilyang ito ay walang kompetasyon na nagaganap. Na hindi ko kailangang kunin ang atensyon ni Papa, dahil ang pagmamahal niya saming apat ay pantay pantay. Na mali lahat ang mga sinasabi ni Tita but still… I pursued the course that Tita wants me to take for some other reason.
Kahit kasama ko sila araw araw ramdam ko pa rin na mayroong nakapagitna samin. A wall that it's hard to destroy. I attempt to wreck it, but I didn't continue it. I'll just wait for one of them to open it up to me.
Unang araw ko pa lamang sa bahay nila ay ramdam ko ang ibang trato ni Tita Noemi kay Dale at Allen. At first I just ignored it, pero doon lamang tumama ang hinala ko nang kami lang dalawa ni Bench ang ipinadala ni Tita Noemi dito. If my father didn't insist to send Allen with us, maybe hindi namin kasama dito si Allen, and as for Dale, hindi ko alam kung ano ang meron sakanya dahil malamig ang pakikitungo niya sa lahat ng taong nakapaligid sakanya.
Bench is the eldest among us. Unang kita mo pa lamang sakanya ay masasabi mo na itong maloko. He has this eyes that made him look like an innocent demon.
Allen is the second and he is the combination of Bench and Dale. Minsan seryoso, minsan rin maloko.
Dale is the third born, among the three of them, he got the perfect jaw that makes him more dangerous and serious.
"Oh shit." Mura ko ng makalimutang nasa sala pala ang remote ng AC. "Baba na naman ako."
I tie my hair in a messy bun bago bumangon sa kama. I'm still wearing a face mask, overnight kase 'to.
Kumunot ang noo ko ng makitang nakabukas ang balcony at nakailaw ang laptop na wala namang tao. Urrgh, Allen!
Padabog akong lumapit doon. Nakakairita talaga pag nakakakita ako ng mga kalat. Napakaburara talaga ang sarap niyo untugin ni Sarra! Pag bumibisita ako sa mga condo nila malinis naman, walang kalat, minsan nga sinermonan pa ako dahil hindi ko raw hinuhugasan ng maayos ang pinggan na ginamit ko. Tapos dito… naku! Mga walangya!
Umikot ako para i-off ang laptop habang inaayos ang face mask dahil hindi na ito dumikit ng kaonti. Naiwan ang kamay ko sa mukha ng makita kong sino ang nasa laptop!
I just want to disappear! Nakaawang ang bibig ko ngayon habang nakatitig sa mukha niya.
Primo looks carefree and angelic right now. Bahagyang magulo ang kanyang buhok but that still suits on him. His wearing a black sando kaya masasabi ko talagang, he's kinda rougher right now than before.
Parang nanunuyo ang lalamunan ko ng makita ulit ang pagtaas nang gilid ng labi niya. I immediately closed the laptop, parang gusto ko na lang ito itapon kung saan, basta ba't hindi ko na ito ulit makita!
I bit my lower lip, when I saw my reflection on the tv screen. Ang gulo ng buhok ko ngayon! Tapos may face mask pa ako! What a bad timing! Dammit.
"Slet, you're still awake?"
I glared at him Hindi sana kami magkikita ngayon kung hindi dahil sayo, Allen! Imbis nasumbatan siya doon ay dumiretso ako sa kwarto at kinalimutan ang sadya ko. Hindi na siguro ako lalamigin total ay napakainit ng pisnge ko ngayon.
So what kong ganito ang ayos ko ngayon? Normal lang ito kase nasa bahay lang din naman ako! And what the hell I get suddenly conscious?
--
Ashiens