--
I spent my whole week reviewing, for the finals. Inaamin ko, it wasn't easy for me. Lalo na nung nalaman ni Tita Noemi na kasama ako sa Dean List, I felt pressured, at kasama na doon ang pagiging paranoid ko, na sa twing hindi ako nakapag-advance study, feeling ko ay babagsak ako sa mga quizes.
Nandito ako ngayon sa park at dahil january (which is ang season ay summer) nakakapag chill ako outdoor. I like the air here, it's refreshing. Well dahil sa nangyari nung unang araw… masasabi ko talagang kailangan ko ng sariwang hangin. Pfft.
Bubuksan ko na sana ang pagkaing tinake out ko but I was interrupted by a shout.
"You! f*****g jerk!"
Napalingon ako sa gawi nila. My lips pursed. Mukhang mag jowa ata na nag-aaway. They are both foreigner. We're schoolmate based on the ID sling.
"Shut the f**k up!" The man shouted back.
"Tell me! Why I saw you f*****g that b***h? Huh?!" Her voice was brittle.
Tumikhim ang lalaki sa tanong ng babae. Ang paraan ng pag tikhim niya ay nakakainsulto.
Bakit ba dito sila nag-aaway? Sinisira nila ang atmosphere dito. I rolled my eyes.
"Can't you see yourself?" His nose wrinkled. "You smell like a s**t. You're a f*****g ugly duckling, who swam on a f*****g dirty canal-"
Hindi niya natuloy ang sasabihin dahil Lumagapak sa mukha niya ang sampal ng babae. Napalunok ako ng makitang dahan dahan lumabas ang mga luha ng babae and I'm pretty sure na pinipigilan niya iyon kanina.
She may be a fat, but she's pretty!
Dahan dahan itong tumango saka tinalikuran ang lalaki. 'Yon lang? The man's attitude deserves a rant! I mean his kinda handsome pero kahit na, diba?
Hindi ko mapigilang mapatingin sa babaeng naglalakad palayo. I might don't know what she feels right now, well hindi pa kasi ako… nagmahal, pero alam ko kung gaano kasakit ang mga salitang binato ng lalaki sakanya.
I feel bad for her. Nagmahal siya ng maling tao.
Pagkatapos ko doon ay sinundo ako ni Allen. He's now banging his head, while driving because his favorite music played. Sumasabay pa ito sa pagkanta kahit sintunado naman.
"How are you doing?" Tanong niya ngunit nakatuon sa daan ang paningin.
Napanguso ako. Bumabagabag parin sakin ang nangyari kanina. Paano kaya kung tanungin ko siya? Minsan nagseseryoso rin naman ito pag wala si Bench. Pag naloloko siya, 'yon ay dahil naiimpluwensyahan siya ni Bench.
"Uh… I have a question."
"Yea, what is it?" Still banging his head.
"Uhm, have you encountered couple fighting infront of you?"
"Oo, maraming beses na. Sa bar."
"Then?"
"Then?" Tanong niya pabalik.
Napairap ako. "I mean, hindi ba nila iniinsulto ang isa't-isa?"
Napalingon siya sakin dahil red light.
"Nope, but they're cursing each other and ended up bati again." At nagkibit balikat.
I nodded. Humarap ako sa bintana ng nag green light na.
"Siguro, gwapo at maganda ang mga na encounter mo." I told him, still looking at the window.
"Why, did you encountered?"
"Yup, the man was insulting the woman. I think na turn off siya doon sa babae-"
He smirk. "There's no word 'turn off' for those people who are truly inlove, Slet."
Napalingon ako sa sinabi niya. Hindi ko na mabilang ang mga pagkurap ko. Ganito siguro ang walang experience.
"So ibig mong sabihin hindi 'yon love, kanina?"
"Definetly." He grinned.
It's an unforgettable line of him. Hindi ko inaasahan na maririnig ko iyon sa kapatid ko na walang ginawa kundi ang mambabae. Well... he's not that playboy like Bench.
"It's looks like, you're not makapaniwala." Aniya.
I exhaled heavily. "Hindi pa kase ako napunta sa ganyan-"
"What ganyan?"
I sneer. Kay lalaking tao, napakaconyo. I was about to open my mouth but he laughed.
"Did you mean, hindi ka pa na inlove?" Natatawang tanong niya.
Uminit ang pisnge ko. So what if I am?! Sinuntok ko ang tagiliran niya ng mahina. Inirapan ko siya at muling bumaling sa bintana. Ako na naman ang pagpipiyestahan nun ni Bench, pag nag report ito doon. Ilang minuto muna ang lumipas bago humupa ang tawa niya.
"Just prepare, Sis."
"Just prepare, Sis." I mocked at him. "Bakit naranasan mo na ba?"
He lazily shook his head. "Oh young girl, don't mock at me. When you get there? I swear, Winslet, it hurts like a f*****g hell." Hinawakan niya ang sariling dibdib at madramang umiyak.
"Mas masasaktan pa ako pag hindi ko makuha ang aim ko." Ani ko.
His lips rosed. Alam niya ang tungkol doon. I know he doubt me on that, but still support me though. Muli siyang tumawa, I glared at him.
"Chill out. Hindi lang ako makapaniwala, I thought you and Henry have something."
My brows furrowed. Magkilala sila?
"Kilala mo si Henry?"
"Yea, dahil napasama siya sa background check ni Dad sa inyo."
I see. Akala ko kilala niya. Syempre pagkilala niya si Henry, makikilala rin niya si Sarra. No, I can't afford to see my brother bitten by Sarra's venom.
"Walang something samin. His intentions are brotherly."
"I doubt that."
I pout. "Don't be so judgmental-"
"You should say that to yourself. Well, I saw him and Primo in the bar, arguing, two years ago. The day we met."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Yeah, siya 'yung lalaki na nakilala ko sa convience store and 'yun din ang araw na nalaman niyang may kapatid siya sa labas. Wait... 'yon din ang araw na pumunta si Primo sa bahay namin! Kung ano man ang pinag-awayan nila, tiyak akong pinagtanggol lang ako ni Henry!
"See? He defended me on that Primo jerk!" Asik ko.
"Whatever, mas pinagkakatiwalaan ko si Primo, rather than your bestfriend."
I just ignored what he said, when suddenly a question flashed through my mind.
"Magkakilala kayo ni Primo?" Pinipilit kong maging kaswal.
Nilingon niya ako, his eyes narrowed. Kaagad akong nag-iwas ng tingin. Parang hinuhuli ako ng isang 'to. No need to worry, Slet, wala naman siyang mahuhuli! Muli ko siyang nilingon at tinaasan ng kilay.
"His sister is my bestfriend..." Maikli niyang sagot.
That's why… syempre matalik na magkaibigan 'yong ama ni Primo at si Papa. Who knows baka gawin silang tulay ni Tita Noemi para masecure talaga ang friendship ng company. Ako? Malabo 'yon. Hindi pa nga ako pinakikilala sa lahat ng tao, so I don't need to worry about my future.
Sa ganun paraan natapos ang araw ko.
Kapag weekends ay dumadalaw kami kay Manang Helda at doon ko sinusulit ang boung araw ko sa pag-aaral. Hindi na masyadong nakakasama samin si Bench dahil graduating na siya, kaya ayon kaming dalawa lang ni Allen.
The next month ay dumating ang araw na pinakahihintay ko, ang finals. Syempre pagkatapos nun ay makakapag pahinga na ako sa pagsusunog ng kilay!
"Three, two, one, now pass your paper sheet." Anang Professor namin namin.
Tumayo na ang mga kaklase ko at nagsipasa ng papel nila. I took a deep breath and sighed, before I stood up. Maingat kong inilagay sa mesa ang papel ko bago lumabas. Para akong nabunutan ng tinik nang makalabas doon ngunit agad din iyon nawala ng makita ang message ni Bench.
Bench:
Mom and Dad are now here!!!! We are waiting for you!!!! I'll give you the whole address after this message.
"Dammit!" Mura ko at kaagad pumunta sa parking lot.
Hindi naman masyadong malayo ang binigay na address ni Bench. Inayos ko muna ang sarili bago lumabas. I'm just wearing a white tank top, matching it with high waisted jeans and a cardigan.
"Hi goodmorning, are you Winslet?" Tanong ng usherette sakin, tumango ako. "This way, ma'am."
Then she lead the way. Sa twing bumibisita sila rito, sa elite na restaurant ang bagsak nila. Nang binuksan ng babae ang pinto, tawanan ang sumalubong sakin. Nahinto lamang iyon ng makita ako.
In a long table, nakaupo ang pamilya ko. Nasa dulo si Papa at sa left side niya ay si Bench na tumatawa parin at katabi nito ay si Allen na halatang bored na, sa kung ano man ang pinagtatawanan nila. Sa katapat na upuan ay si Tita at dalawang babae… na hindi ko kilala. Kaagad lumapit si Tita Noemi nang makita ako, she kissed my cheeks.
She was wearing a red illusion dress. Tuloy ay nagsisi ako sa sout ko kung gaano ito ka simple, halatang hindi naghanda!
"Have a sit, hija." Aniya at siya mismo ang naghatid sakin sa gitna nina Bench At Allen.
Agad akong ngumiti ng magtagpo ang mga mata namin ni Papa. He smiled back. The waiter are now serving the main course.
"Mom, continue your story later." Si Bench.
Tita Noemi chuckled. "Sure, son."
Hindi ko mapigilang mapasulyap kay Allen. Nakatitig lamang ito sa pagkain niya ngayon. I never heard Tita call him that.
"Nga pala, hija." Si Tita, kinuha ang atensyon ko kay Allen. "This is my two niece. Celine and Chesca."
I smiled a bit. Kita ko ang pag ngiwi ng babaeng nag ngangalang Chesca. Aba, maarte! Tinaasan niya ako ng kilay ngunit kaagad iyong napawi ng siniko siya ng katabi niya sa ilalim ng mesa, ngunit nakita ko 'yon. Napabaling ako doon.
"Nice to meet you, Winslet." She smiled widely at me.
"Nice to meet you too." Bati ko pabalik at tinuon ang boung atensyon sa pagkain.
"How have you been, hija?" Si Papa.
"I'm doing fine." I gave him a smile for assurance.
He nodded. "How about school?"
"H-habang tumatagal po ay pahirap ng pahirap."
"She's too hard for herself, Dad! Walang araw na hindi libro ang hawak niya! She spent her all money on buying books."
Kaagad kong inapakan ang paa niya sa ilalim ng lamesa. Pabida talaga 'tong kumag na 'to. I chuckled awkwardly. Kita ko ang pagsingkit ng mga mata ni Tita.
"Really, Winslet? Baka you spent the money I gave to you that are meant for shopping, on the books?"
Kaagad akong umiling.
"H-hindi po. Itinabi ko po muna 'yon, I don't have time for shopping kase…"
"Good! Then maybe you can join, Chesca and Celine?"
What? Hindi pa nga ako nakakagpahinga eh!
Kita ko ang pag-abang ni Tita sa sagot ko. Bakit hindi nalang ikaw ang sumama, Tita? Syempre hindi ko 'yon tinanong! Dinig ko ang mga mabibigat na buntong hininga ni Allen.
"Mom, kakatapos lang ng finals niya-"
Kaagad kong pinutol si Allen. Baka kase barahin na naman siya ni Tita, gaya ng ginawa niya noon.
"Sure, I can join them." Sagot ko na siyang nagpahagikhik ni Tita.
I glanced at Allen. I caught him rolling his eyes. Hey dude, I just save your ass!
"Noemi, I don't think-"
"Alfred, she accepted my invitation at saka hindi naman sila magtatagal."
Sana nga. Tahimik akong bumuntong hininga. Sa tingin ko, shopping addict ang mga 'to, kaya hindi na ako magtataka kung aabutin kami ng gabi mamaya. Gaya ni Sarra, naabutan lang naman namin ang pagsara ng mall.
Huli ko ang lihim na pag-iling ni Papa. I wonder, bati na kaya sila ni Tita Noemi? May mga panahon rin kase'ng si Papa lang ang dumadalaw samin o di kaya'y si Tita Noemi.
Our lunch goes well, may pinag-uusapan sila about business, ngunit kaming tatlo ni Allen at iyong babaeng na nagngangalang Celine ay hindi makasabay sakanila. Pero hindi ko akalain na mapupunta ang usapan nila kay Primo!
"I thought Celine are bound to marry Primo?"
I gasped at kaagad uminom ng tubig. My eyes immediately drifted on Celine the girl. I saw how her eyes turned serious in the food.
Chesca laughed. I can hear a victory on her laughed.
"Ano ka 'ba, Bench, malayo ang agwat nila." Chesca's voice was fruity.
"Three years? Hindi naman 'ah?"
"Kahit na. How about Bench, Tita?"
Bench chuckled. "How about me?"
"Uh, I mean you're De Villa's heir so… you know marry Devine…"
Hindi tumakas saking mga mata ang pagsulyap ni Bench kay Allen. Ako man ay napasulyap din kay Allen, tumiim ang bagang nito habang nakatitig sa kanyang plato.
Uh, mukhang wala akong ka muwang muwang dito.
"Well, for me, I like Devine for him." Untag ni Tita.
"Oh, 'yon naman pala eh! Walang problema."
Ang kaninang nanahimik na ama ko ay nagsalita.
"De Villa don't do fix marriage, hija. I'll let my children choose the one they love, or so the path they wanted." His voice was silvery.
Hindi ko mapigilang mapamangha sakanya. He knows how to handle his children well.
"Sana ganyan lahat ang mga mind set ng mga magulang, Tito."
Nabigla ako sa pag singit ni Celine. Okay, I'm out of place here.
My father sipped on his wine before he chuckled. Itinuon niya ang kanyang siko sa lamesa at pinagsalikop ang mga daliri, then he put his chin on there.
"Syempre, hija, ayokong magaya sila sakin." Mariin niyang wika at tinawag ang waiter na parang wala lang sakanya ang mga reaksyon namin.
My jaw literally dropped. Kaagad ko iyong tinikom ng makita ang pag igting ng bagang ni Tita Noemi. Hindi, hindi pa sila bati.
--
Ashiens