--
"Go pick your dresses for the party." Chesca said before turning her back on us.
Pagkatapos ng mabigat na tensyon sa pagitan ni Papa at Tita Noemi, walang sumubok magbukas ng bagong topic. So our lunch didn't last long. Unang umalis si Papa dahil mayroon siyang urgent meeting, na siyang sadya niya kung bakit sila nandito.
Mahigit isang oras na kaming pa ikot ikot dito sa mall with the bodyguard on the back. I felt small on her dress right now. Para niya akong maid! She's wearing a halter strap dress that hugged her curves perfectly. Habang ako? Parang bata sa sout. Napasimangot ako doon.
If she's not wearing heels right now, I can say I'm inch taller than her. She's slender while her sister is petite
"Uh, wala ba dito ang favorite clothing line mo or something? Kanina pa kase tayo pa ikot ikot." Iritado kong tanong sakanya.
She innocently pouted her lips. She's a mini Noemi, the way she moved, elegance are shouting.
"Uhm, I'm just waiting for you-"
"What the hell. Your waiting on me and I'm waiting for you too. Pfft." Pabulong kong asik sa sarili.
She chuckled slightly.
"How about you? What's your fave clothing line?"
"I don't have one, but fave book store, meron."
"Hindi halata sa itsura mo ang pagiging book worm." Malumanay niyang sabi. "Let's go on your fave book store, then."
I sighed. "Wala 'yon dito, nasa pilipinas."
"I see."
Nagpatuloy kami sa paglakad. Hindi ko alam kung bakit sa twing shopping ay na bobored ako. Mas gugustuhin ko pang dalhin nila ako sa Parlor Spa at habang ako ay maghihintay sakanila, while reading books.
"How about, Celine?"
"How about me?"
I rolled my eyes. "Not you, that one." Then pointed out the store.
Her eyes drifted in the store. I can see the excitement in her eyes.
"Okay, let's go." Aniya at nauna pa itong pumasok sakin.
Laylay ang balikat kong sumunod sakanya. Sa tingin ko matatagalan talaga kami dito. Kaagad siyang sinalubong ng sales lady. Hinagod ko ang boung kabuobuoan ng store. Maraming mannequin, wearing some dresses. Meron rin silang designer bag na nakahilera.
Lumapit ako doon at bahagyang dumukwang para makita ang presyo nito.
Nalaglag ang panga ko. Seriously? Para lamang sa isang handbag, five thousand dollar? Muli kong tinitigan ang bag, well it's worth it, maganda at halatang matibay ang quality. Tss, I don't know why, I don't have a f*****g taste on fashion.
"You like that?"
Kaagad kong inayos ang tayo ko.
"Hindi naman, tinitignan ko lang."
Sinulyapan niya iyon at saka muling bumalik sakin.
"Over pricey ba sa'yo?"
I didn't answer her, but she take it as a yes.
Humalakhak siya. "You're De Villa's one and only heiress, so go buy it!" She said, cheering me up.
Napanguso ako. "I'm not." Wala sa sarili kong sambit habang nakatitig sa bag.
Hindi ko naman talaga 'yon gusto. Ayoko lang talaga makipag eye contact sakanya.
"You will, soon..."
Napaigtad ako ng akayin niya ako palapit sa isang bagong nakahilerang damit, parang siyang ang nag request ng mga ito.
"Go pick!" Utos niya sakin at ninguso ang mga ito.
My lips pursed while looking at the dresses. Muli kong binalik ang paningin kay Celine, she smiled sweetly at me. I took a deep breath and sighed. Her smiled urge me to do it, just like how Tita Noemi smile.
"Okay." Sagot ko at kinalas ang backpack ko.
She chuckled and hold my shoulder while we were facing the human size mirror. Hinubad niya ang cardigan ko at bumaling sa sales lady. She's so touchy.
"Pick the new one for her, okay?"
"Of course, Ms Beunavista." Nilahad nito ang kamay sakin "This way ma'am."
Mahigit tatlong oras din kami doon. Lahat ng gusto ko ay hindi niya sinasang-ayonan, ganun din ako sa mga napili niya, ngunit sa huli ay ang gusto ko ang nasunod.
Nang makita ko ang ID na binigay niya sa cashier lady ay napagtanto kong mas matanda ako ng isang taon sakanya. Hindi nga lang halata dahil sa body build niya at aura.
Sa twing sumusulyap ako sa mga damit na binili niya ay napapasimangot ako, pano ba kase, ang layong layo ng mga damit na binili ko, sa binili niya.
Pagkatapos namin doon ay pumunta kami sa isang pizza parlor. Nakakagutom din pala ang ganito. Well sa twing kami ni Sarra ang mag shopping hindi naman ako nagugutom, siguro dahil tinatatakasan ko siya.
Papasok na sana kami ngunit huminto siya kaya napahinto rin ako.
"Can't you stay outside?!" Iritado niyang tanong sa dalawang bodyguard.
Gaya niya ay maiirita rin ako, kanina pa kaya sila sunod ng sunod. Nagkatitigan ang dalawa, pawang may dalang mga shopping bag ito.
"But-"
"Just stay here or I'll ask my Mom to find me a new bodyguard!"
Hindi iyon tanong kundi hamon. Parehong bumuntong hininga ang mga ito. Sumunod ako sa naunang Celine.
"Nakakairita." Sikmat niya at umupo.
"Buti nalang wala akong bodyguard." I said before sitting down.
She called the waiter for our order. Hinayaan ko siyang mamili total ay hindi ako pamilyar sa mga pagkain dito.
The side of his lips rose. "One day Tito will announce the whole world about you, and trust me mas mahigpit pa ang seguridad mo kesa sakin." Ngumisi ito.
I shook my head. "Hindi naman ako masyadong lumalabas."
"Me too, but what?" Naglahad siya ng kamay sa paligid. "Buti nalang talaga wala kang pathetic na kapatid."
Walang pathetic ngunit merong ngang mga bipolar. I rolled my eyes on my thougths. My brows furrowed, when I processed what she said.
"What do you mean?"
"Well, the one who hired those bodyguards is my sister, Chesca." Her voice was tight.
"Maybe she just worried-"
"Worried? Sana nga." Pagak siyang tumawa. "She thought I fancy Primo, kaya ayon binakudan ako."
My teeth gritted, ang daming bad records ng Primo na 'yon ah. I'm pretty sure ayaw ni Chesca kay Primo dahil alam niyang mapaglaro ito.
"Ayaw niya ba kay Primo?" Pinipilit kong wag lagyang ng makahulugan ang tanong ko.
I just want to know Primo's dark side, so that I can remove him in my system! More on, I want myself to get turned off on him.
"She fancy, Primo."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. What the heck! Primo is everywhere!
"One day, Primo visited on our home. Akala niya ay dinalaw ako ni Primo but the truth is, hinatid lang ni Primo ang projects na pinahatid ng kapatid niya.…"
Kita ko sakanyang mga mata ang lungkot na parang sariwa pa ito sakanya na parang kahapon pa ito nangyari. Kaagad siyang nag-iwas ng tingin nang mapansin ang titig ko.
"You should have explained-"
"I tried, but she didn't accept it, she even b***h slap me… and because of that, we started to drift away."
Oh tignan mo, Slet? Tignan mo ang naging epekto niya sa magkapatid! Kaya pala ganun kasaya ang boses niya ng tinanong ni Bench ang tungkol sa kasal nina Primo at Celine. Ganyan din kaya ang hatid ni Primo sa ibang mga babae?
"Kinaumagahan nun ay meron na akong mga bodyguard." Dagdag niya at nagkibit balikat.
"It scared the s**t out of me."
Over love. Pfft. Even in my dreams, I never see myself being possessive or so territorial. Bakit hindi nilang trust and faith ang pairalin, diba? Okay, okay, nagsalita ang may experience!
Biglang dumating ang waiter dala ang order namin. Biglang napaigtad si Celine dahilan para masagi niya ang juice na nililipat ng waiter sa mesa.
"Dammit, look what you did?!" Asik ko at kaagad naglahad ng tissue kay Celine.
"I'm sorry, I didn't mean it, ma'am. I was serving the juice carefully but she-"
"It's okay, Winslet." Agap ni Celine. "It's okay, you can now back to your work." Aniya sa namumutlang waiter.
"Pasalamat ka…" Bulong ko habang masama ang tingin sa waiter na ngayon ay nakatalikod na samin.
Dahil nasa dulo kami ng restaurant kung saan walang masyadong mga tao, kaya walang nakapansin sa pagkakamali nung waiter. Nilahad ko ang cardigan sa kanya ngunit tinitigan niya lang iyon.
"Malinis 'to-"
Dahan dahan siyang nag-angat ng tingin sakin at kaagad sumilay sa kanyang labi ang pilit na ngiti.
"No, it's not like that." She exhaled heavily. "Ireserve mo na lamang ang tulong mo ngayon, sa araw na kailangan ko na talaga ng tulong."
Oh, that's a deep word! Kahit nalilito sa sinabi niya ay tumango ako.
"Try this one, it's delicious." She said while pointing the white spaghetti.
"Okay…"
We talked more about my family. Her mother and Tita Noemi are sister. Malaki raw ang naitulong nito sakanila dahil ito raw ang nagpapaaral sa kanilang dalawa ni Chesca, nung mga panahon na walang wala sila.
"Talaga?" Tanong ko ulit sa nakakatawang kwento niya kay Bench.
"It was so unforgettable!" We both laughed. "Boung araw ata siya hindi tumigil sa kakaiyak dahil hinalikan siya ng baklang niyang kaklase."
Ngayon ka, Bench! May panlanban na ako sa 'yo! Hindi ko mapigilang ma imagine kung ano ang magiging reaksiyon niya pag inasar ko siya dito.
"Sakanilang tatlo, si Dale at Mariola lang ang malapit sakin." Her voice turned into serious, more like she's reminiscing a past.
I sipped on my drink.
"Mariola? Another pinsan niyo?" Kunot-noong tanong ko.
Her brows raised.
"H-hindi m-mo alam?" She's now stuttering.
Kaagad akong umiling. "Hindi."
"Uh, it's not m-my story to t-tell! So ask your brothers n-nalang. Uhm, yeah!" Nanginginig siya habang may binubunot sa bag niya. "It's my invitation for you and Dale…" Then she handed me an invitation card that has a fruity scent, umalingawngaw ang bango nun.
She's avoiding the topic about Mariola.
Saglit kong tinitigan ang dalawang invitation na nasa kamay parin niya. The color of the invitation was dark violet at isang sulyap ko pa lang nun ay alam ko na kung ano ang theme: gothic. Kinuha ko iyon kita ko ang pangalan namin ni Dale sa harap.
"Uh, hindi kami close ni… Dale 'eh." Bahagyang pumiyok ang boses ko sa dulo.
Binuksan ko ang invitation card at kaagad sumalubong sakin ang "Buenavista and Hernandez Nuptial". Napaawang ang bibig ko doon. She's getting married? She want chains on her hand?
"Y-you're getting-"
"Yea, I'm getting married!" She said it, as if it's not a big deal.
She's just 18 years old… she supposedly enjoy her teenage days. Maraming tanong ang namuomuo saking isipan. Baka magsisi ka nyan? What's the rush? Gusto kong tanongin iyon but I don't want her to get offend.
"Congratulations, then. About Dale… I'm not sure if I can send…"
Ngumiwi siya. "Just try it! Malay mo maging bridge ang invitation ko para you know..." at pinagdikit niya ang kanyang dalawang daliri. "Sa pilipinas 'yan ipagdidiwang, kaya I'm sure na uuwi kayo! Binigyan ko na rin sila tita at tito ng ganyan."
I just stared at her. Sa tingin ko masaya siya sa papasukan niyang tadhana. I should stop this, dapat hindi ko sila minamaliit, maybe their love for each other is pure. Hindi lang talaga ako makapaniwala, walang babae ang gustong magpakasal sa edad na-18 (mostly kase gusto pang i-explore ang sarili) pwera nalang kung mayroong fix marriage na nagaganap…
She snapped her fingers in my face.
"Hey, are you listening to me?"
Napakurap ako. "Yeah."
Just one question! I'll try my best to ask her in a pleasant way.
"Can I ask you something?"
She nodded innocently. I smiled a bit.
"What's the rush?" My voice was small.
"Kung ganun anong rason kung bakit pa pinapatagal?"
Napapikit ako ng mariin. The b***h is here. I cleared my throat, in case magkasagutan kami. Nasa likuran ko siya ngunit hindi ko siya nilingon, hindi dahil takot ako, kundi ayokong mag-effort na tignan siya. I know it's a rude move pero… inumpisahan niya eh.
"Ate…" Si Celine, palipat lipat ang tingin niya samin.
Chesca smirked. "Let's go, we will meet the designer right now." Dinig ko ang tagundong ng heels niya, lumapit siya kay Celine.
Her brows arched, I just gave her a blank face. We both stared at each other, walang gustong bumitaw.
"Uh, Winslet… ipapahatid nalang kita sa mga bodyguard."
Dinig ko ang sabi ni Celine, but I don't bother to take a glance on her. When I arch my brows, bumitaw si Chesca sa titigan namin.
"Let's go." Aniya at hinila ang braso ni Celine, na hindi ako tinataponan ng tingin.
Nilingon ko sila. Celine waved at me, I just gave her a smile and a small wave. Sinundan ko sila ng tingin, kumunot ang noo ko ng huminto sila sa eskinita ng shop, mula dito ay tanaw ko parin sila. Kita ko kung paano yumuko si Celine sa kung ano man ang sinabi ni Chesca.
Tumayo ako para makita ulit sila, ngunit unti unti silang natatabonan ng mga tao. Hindi ko mapigilang mapasulyap sa invitation card.
There is something wrong.
--
Ashiens