Chapter 9

2344 Words
-- "What took you so long?" "Ah talaga, hindi mo ako tutulungan sa bitbit ko?" Tanong ko pabalik sa nagsusungit na Bench. Tinanggihan ko ang dalawang bodyguard na inutusan ni Celine, dahil alam kong matatagalan pa ako. Syempre dumaan muna ako sa bookstore. Padabog na kinuha ni Bench ang dalawang paper bag sa kamay ko. Kaagad akong napangiwi "Napipilitan?" He rolled his eyes again. Ang oa talaga. Nauna siyang maglakad sakin ngunit kaagad napahinto ng napansing hindi ko siya hinabol. Nagpapasuyo lang ang isang 'to. "Ang tagal mo! Alam mo bang hindi ako papasukin ng secretary ni Dad pag hindi raw kita kasama. At alam mo kung bakit kailangan kong makausap si Dad-" "Oo dahil hihingi ka naman ng pera." "Alam mo naman pala eh. Sana nagmadali-" Hindi ko na tinapos ang sasabihin niya dahil kaagad akong naunang maglakad. Hindi ko talaga alam kung saan napupunta ang pera niya, naku siya pa naman ang magmamana sa business ni Papa. Kaagad kaming sinalubong ng mga kasambahay. Dahil umuwi sina Papa ay dito kami sa mansyon ngayon matutulog. "Paki-ingatan please." Utos ko sa kasambahay ng inilahad ko ang paperbag na laman ay libro. Lahat ng nagsisilbihan dito samin ay pinoy, yun ang kagustuhan ng aking lola (ina ni Papa) dahil mas pinagkakatiwalaan niya raw ang mga kapwa pilipino niya. Hindi pa man ako nakaapak sa grand staircase ay kaagad akong hinila ni Bench, kaagad ko siyang nakilala dahil sa pabango niya. "Bat ba atat na atat ka?" Tanong ko at nagpatianod sa hila niya. Tumigil siya sa paghila sakin ng nasa harap na kami pintuan ng library. He sneered and crossed his arms. "Did you forget? You are the reason why my allowance was deducted!" Paninisi niya. I smirked. "Hindi ko naman kase alam na you're a worst driver pala!" Those were the days I force him to teach me how to drive, syempre hindi ko naman alam na meron na pala itong records sa mga hospital. "I told you, but you were so hard headed-" "Akala ko kase nagsisinungaling ka 'nun! Malay ko bang tinamad ka, kaya ayon gumawa ka ng kwento." "Hell no, I'm not a story maker." Maarte niyang sabi. I lazily shook my head at pumasok na lamang ako sa loob. Hindi ko alam Bench kung ano ang magiging future ng kompanya sa 'yo. Nung nalaman ni Papa ay binawasan ang allowance niya todo pa nga ang reklamo niya nun. Dahil may kasalanan rin naman ako kaya ayon binibigyan ko siya sa allowance ko. Minsan nga lang. When I entered the room, the lights are dimmed. There I saw my father sitting in the recliner with a book in his hand. He was now on his pajamas. Kaagad niya iyong isinara ng makita ako. He smiled and gestured the other sofa. Sa likod ko ay dinig ko ang mga yapak ni Bench. I smiled a bit on my father bago umupo. "Good evening." Bati ko. He was about to greet me too, when Bench interrupted. "Dad, what about my proposal?" Bench asked. Dad sighed. "I'll discuss it with you right after my conversation with Winslet." Kita ko ang paglaglag ng panga ni Bench. I tried myself not to laugh on his reaction. Maghihintay na naman siya ng panibagong oras. Napunta ang tingin niya sakin, sinamaan niya ako ng tingin nang makita ang pagpigil sa aking tawa. I arched my brow and stick my tongue out, at bumaling kay Papa. "Dad…" Masuyo niyang sambit. "Well, if you want a higher amount, I think you can wait." "Of course." Sagot niya at tinalikuran kami habang laglag ang balikat. Papa chuckled, we both chuckled. Binaba niya ang librong hawak kanina, mukhang ibibigay talaga niya ang lahat ng atensyon sakin ngayon. "Hindi kita natanong ng maayos kanina. How have you been?" Panimula niya. Napaupo ako ng maayos. "Gaya kanina, ayos lang." He nodded and sipped some tea. Kung sa bawat galaw ni Tita ay napaka-elegante, sakanya naman ay napaka-malakas. It is shouting an authority and power. "About Irene." He trailed off. "Kaya ko siya pinahanap sa dahilan na gusto kang makilala ng iyong abuela…" Para may kung anong humaplos sa puso ko sa sinabi niya. Gusto akong makilala ng lola ko… 'Yun ang unang lihim kong hiling sa unang taon ko rito sa australia, ngunit nung nalaman kong inatake ito dahil nalaman ang tungkol sakin kinalimutan ko ang hiling na 'yon. Inaamin ko, it make me offended, baka kase ayaw sa mga katulad ko kaya inatake. Ganyan naman siguro ang mga elder ng pamilya, ayaw ng may dumi o sabit sa kanilang apelyido. "Gusto ni mama na nandoon si Irene sa tabi mo habang pinapakilala ka sakanya, maybe she just want to thank her for taking of you." At nagkibit balikat siya. I can't wait on that day to come! Parang gusto ko nalang na ako mismo ang humanap kay Tita Irene ngayon upang mapadali! "Your face is stating an excitement." "Hindi po ako makapaghintay eh." I grinned. "Well as you can see…" He trailed off and searched something on his side. Napako ang tingin ko doon nang makita ang parehong disenyo at kulay ng invitation sa kasal ni Celine, pareho iyon sa binigay niya sakin kanina. Sa likod ng invitation ni Celine ay mayroon ding nakaipit itim na envelop, ngunit iba ang kulay nito at disenyo. "Uh, Celine's wedding." Sambit ko ng inilagay niya ito sa coffee table. "Yes, at ang gusto ng iyong abuela ay ipakilala ka sakanya pag tapos na ang kasal ni Celine…" Naku, dalawang taon nga eh natiis ko! 'Yan pa kaya! "It's okay pa, I can wait!" I exclaimed. "Ngunit mayroon pa tayong pending event bago ang kasal ni Celine." At nilagay niya iyon sa katabing invitation ni Celine. "Primo's birthday." Napatitig ako sakanya bago tumitig ulit doon sa invitation. Birthday niya… at syempre nandoon kami! Pwede bang hindi nalang ako dumalo? Pwede bang sa bahay nalang ako at magpahinga? Pwede bang… urrgh! Wag nalang kaya siyang mag birthday! Natigil ang titig ko doon sa pagtikhim ni Papa. "You should be there, Winslet." Tunog pagbabanta iyon na para bang hindi ako dadalo. I chuckled awkwardly. "Of course." Ngunit sa isipan ko ay naghahanda na ako ng mga excuses. I've been living together with my two jerk brothers, kaya saulo ko na kung ano ang mga tricks nila para gumana ang pagsisinungaling. "If you have time this week, pack your things. Baka sabay tayong uuwi sa pilipinas." Tango lang ang ganti ko doon. "Then were done…" Tumango muna ako bago tumayo. "Goodnight po…" Paalam ko at tinalikuran na siya. Kaagad ko siyang nilingon ng may nakalimutan akong itanong. Nabigla ako ng makitang hindi niya pa tinatanggal ang mata sakin simula nung tinalikuran ko siya. "Uh, how about Tita Irene po? May lead na po 'ba sakanya?" Malalim siyang bumuntong hininga, na para bang bigo siya sa paghahanap ni Tita. "Pinuntahan ko ang dating bahay niyo but... It was now abandoned. I'll tell you kung meron na." Napatango ako. Saan ka ba kase nagsosout ngayon si Tita? How about Sarra? Baka may alam siya tungkol kay Tita o baka naman magkasama parin sila. Nagtatrabaho pa kaya sila doon… sa bar? Tatalikod na sana ako ng nagsalita si Papa. "Have a goodnight, hija, sweet dreams." Parang may kung anong humaplos sa puso ko doon. "Sweet dreams din po." Ngumiti siya at tumango, umalis na ako doon. Hindi ko mapigilang mapangiti. My father isn't that type of person that are showy (I mean yung moody? Pa minsan minsan lang). Hindi mo mararamdaman ang kalinga niya sa pamamagitan ng mga salita, kundi sa mga kilos niya mismo. Pagkatapos nun ay dumiretso ako saking kwarto. Magkasing laki lang ang ang kwarto ko dito sa kwarto ko doon sa condo. Ang pinagkaibahan lang ay mas maluwag ito kumpara sa kwarto ko doon, syempre wala dito ang tatlong shelf ko na pinuno lang naman ng mga libro. Isang vanity table, isang recliner, queen size bed at walk in closet. Kaagad kong hinanap ang pinamili kong mga libro, kanina ay nakakita ako doon sa bookstore na isang tungkol sa law kaya binili ko para kay Allen. Nagpalit muna ako bago pumahik sa kwarto ni Allen. I'm now on my black nightgown. Nang nasa harap na ako ng pinto ay kumatok muna ako bago pumasok. Dahil pa minsan minsan lang namin kami natutulog dito sa mansyong ito, gaya ng kwarto ko ay maluwag din ang kwarto niya. Walang tao ngunit dinig ko ang pagpatak ng tubig galing sa shower. Baka naliligo. Kaagad akong lumundag sa kama niya, just checking kung ano ang pinagkaiba ng king size at queen size bed, bukod sa laki. "Wala naman…" Bulong ko sa sarili. Pupunta na sana ako sa study table para doon ilagay ang libro (dahil inaantok na ako at gusto ko ng matulog) ng muli kong makita ang laptop niya. Hinding hindi na ako lalapit sa 'yo! Iniwan ko nalang ang libro sa kama niya. Mahahalata niya naman siguro na galing iyon sakin, syempre hindi naman nagbibigay ng libro si Bench. The next day, I went to my school to check the results of my finals and yeah, I passed it with a one mistake. I didn't expect it! Higit pa sa lima ang inaasahan kong magiging mali ko. Nandito ako ngayon sa coffee shop na malapit sa paaralan ko. I was busy browsing on my phone, trying to find a gift that suits for Celine's personality, incase magkaroon siya ng bridal shower. Dalawang oras na ako nandito at malapit ng ma-empty ang cellphone ko, pero wala parin akong nahanap! Pfft. Tatanungin ko nalang siguro si Allen kung ano ang bagay. Dumaan muna ako sa condo, bago umuwi sa bahay para ihanda ang mga damit na dadalhin ko sa pilipinas. Sinali ko na rin ang mga librong paborito ko, pampatanggal bagot kung sakali. "Ako na po r'yan, ma'am." Bungad ng katulong sakin nang nakauwi na ako sa bahay. Tipid akong ngumiti sa kanya tsaka binigay ang maletang pasan pasan ko kanina. Nangangawit ang kamay ko dahil sa bigat nun. "Hinihintay na po kayo ni Madame Noemi sa hapunan, ma'am." Dagdag niya. "Sige po, salamat." At dumiretso na ako sa dining area. Kumunot ang noo ko ng maabutan sina Tita Noemi at Bench lang ang nandoon habang nag-uusap ng masinsinan, sa likod nila ay ang mga katulong na pinagsisilbihan sila. Saan si Papa? Si Allen? Napainom ng tubig si Tita ng namataan ako. Sa paraan ng pag inom niya ay para siyang nagulat sa presensya ko. "Hija, join us." Aniya ng nakabawi. Tumango ako at umupo sa kung saan ang upuan ko. "Uh, just occupy Allen's chair total ay wala naman siya dito." Napatigil ako sa sinabi niya ngunit kaagad sumunod kalaunan. Kaagad ngumisi si Bench ng makita ako. Nung unang araw sinusungitan ako tapos ngayon ngumingisi na. Minsan din ay may dalaw ang isang 'to. Lihim ko siyang pinandilatan. Tahimik kaming kumakain ngayon at tanging kubyertos lang ang maingay. Siguro masyadong pribado ang pinag-uusapan nila kanina para ituloy nila ngayong nandito na ako. Hindi ko na rin tinanong kung saan sina Papa at Allen. "Winslet, I've costumized your room in our house sa pilipinas..." Si Tita habang nasa steak ang tingin at nang matapos niya iyong hatiin, nag-angat siya ng tingin sakin. "Did you have a theme for your room, para maiuutos ko doon?" "Kahit ano nalang po." Sagot ko. Wala akong maisip eh. Her brows furrowed. "A-are you sure?" "I suggest pastel, Slet." Mabuti pa ang kapatid ko marunong sa mga ganyan, syempre maarte eh. Ito lang ang singit niya na hindi ako nainis. Tinaasan ako ng kilay ni Tita, naghihintay sa sang-ayon ko sa sinabi ni Bench. "I'll go with that, Tita." Tumango siya at nagpatuloy sa pag-kain. Hindi na iyon nasundan kaya sa ganung paraan natapos ang gabi ko. Dumating na ang araw na uuwi na kami sa pilipinas. In this past few days I tried to contact Henry through social media's, itatanong ko lang kung alam niya ba kung saan si Sarra at ikakamusta na rin ang kumag na 'yon. The next day was our flight to Manila. Dahil mayroong sariling eroplano sina Papa at Tita, hindi masyadong hassle ang flight namin ngayon. I was wearing a nude princess coat and YSL heels. Ito ang ayaw ko pag nandoon ako sa mansyon, merong handmaiden at siya lahat ang nasusunod sa sosoutin ko. Buti nga hindi masyadong makapal ang make up. Napanguso ako habang sinusuri ang boung kabuobuoan ko sa kotse ni Allen. Nakahanda na ang eroplano sina, tita, papa at Bench na lang ang hinihintay namin. Nagpasama kasi si Allen dito dahil meron daw siyang aabangan, kaya kami nauna. "You look good on pigtails." Allen teased and slightly pinched the pigtails. I just rolled my eyes on him. Lumipad ang tingin ko sa isang maliit na kahetang hawak niya. Kaagad niya iyong tinaas ng makita nakatingin ako doon. Baka regalo niya kay Celine? "For Celine?" I asked. Umiling siya. "For Primo." Napatango ako.Oo nga pala't mag-iisip pa ako ng idadahilan! Masakit ang tiyan ko? Masakit ang ngipin ko? Meron ako? May lagnat ako? Kahit saan dyan basta pasado! Ba't ko ba kasi nakalimutan! Ngumisi siya. "How about you? What's your gift to him?" "Ako?" I laughed while pointing myself. "Hindi kami close." "Hindi rin kami close, but I have a gift-" "Ikaw 'yon, magkaiba tayo!" Nang-iinis lang ang kumag na 'to. "Anong regalo mo?" "Car." Napatango ako. "Mercedes S-Class MBUX." Dagdag niya. My eyes widened. Diba 2021 pa ang labas nun? Scammer! He shook his head lazily when he saw my reaction, kinuha niya ang susi sa kaheta at winagayway mismo sa mukha ko. Iritado ko iyong hinawi. "Lol, 2021 pa ang labas nun!" "Well… that's what you call the power of De Villa…" At mayabang itong nagkibit balikat. I glared at him. Required ba talaga pag mayaman ang bibigyan mo dapat ay mamahaling bagay din ang ibibigay mo. Diba, it's the thought that counts? Whatever. Hindi naman ako pupunta! -- Ashiens
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD