Chapter 10

2005 Words
-- "Woah." Si Bench, manghang mangha sa susing hawak ni Allen. Nag iwas ako ng tingin sakanila. Ako? Anong iriregalo ko pag hindi tumalab ang mga dahilan ko? Bibili rin ako ng kotse kagaya ni Allen — Urrgh! Milyon milyon ang halaga nung kotse na 'yon! Hindi naman ako ganun kayaman gaya ni Allen. Bahay? Condo? None of the above! Dapat lang ang nagbibigay nun ay 'yung mga taong malapit sakanya. Ako? Hindi! Dapat mga simpleng bagay lang. Perfume? Accessories? Shoes? Pfft. Mayaman si Primo kaya malamang meron na siya lahat nun, baka nga mga high class pa. "What's yours kuya?" Kahit anong asaran naming tatlo, hindi pa rin nakakalimutan ni Allen ang irespeto si Bench. I would like to call them 'kuya' pero saka na siguro pag isa na talaga akong De Villa. At our first meeting I call them like that, but their reaction is priceless so ayon tinigil baka kasi, uh, corny para sa kanila. "Land…" He shrugged. "Someday he will be an Architect, pwede niya iyong gawing libangan." Tumikhim ako. Bakit ba ang dali nilang makaisip? Samantalang ako excuses nga lang wala pang naisip — well hindi ko naman gawain ang mag sinungaling. Hinintay ko talagang hilahin ng antok si Allen bago ako dumukwang palapit kay Bench na busy habang nanunoud ng movie. Magtatanong lang ako tungkol sa regalo niya. Kaagad niyang iniwas ang cellphone ng makita ang pagdukwang ko. "Ang arte mo." He make face. "Ang arte mo." He mocked and he turned off his phone. "May itatanong ka princesa?" Inirapan ko siya. "Bukod sa lupa may iba ka 'pa 'bang naisip na iregalo sana kay, uh, Primo?" Nilahad niya ang palad. "Bayad muna bago ko sabihin." Sinamaan ko siya ng tingin nang ningisihian niya ako. Mukhang pera nito. Ganyan 'yan, kung hindi nangsusungit, nangloloko. It was a long flight to manila. Lihim akong humikab ng bumaba na kami sa eroplano. Boung byahe ata silang natulog habang ako ay umiidlip lang ng pakonti konti. Sa iba nalang ako magtatanong tungkol sa regalo. Wala akong aasahan sa dalawa kong kapatid, yayabangan lang ako ng mga 'yon. Kaagad kong pinalitan ang simangot ko ng ngiti nang makitang palapit si Papa sa gawi ko. "Hija, I have a board meeting to attend with Noemi. Pwede ba kay Allen ka nalang suma-" "Sure, no problem." I cut him off. He smiled and kissed my template before he goes to his car. I slightly waved when he opens the window. He smiled before gesturing the driver to go. Okay na rin 'yon na hindi ako sasabay sakanila, meron kasi akong pupuntahan. I miss those place… so much. "Oh, hindi ka sumama sa kanila, Slet?" Si Bench sa likod. "Hindi 'to si Winslet, Bench, anino lang!" I mocked. He sneered while holding his luggage and mine. Kinuha ko sa saddle ang invitation na binigay ni Celine para kay Dale. Hindi kami close nun at isa pa hindi ko rin alam kung siya ngayon nakatira. "Ano 'yan?" Kunot-noong tanong niya ng nilahad ko ang invitation. "Invitation ni Celine para kay Dale, hindi ko kasi alam kung saan si… uh, Dale. Kaya pwede bang ikaw nalang ang magbigay?" Tanong ko sa isang napakalambing na boses. "Sinong inutusan 'nyan na ibagay 'yan kay Dale?" "Ako?" "Oh, edi ikaw ang magbigay! Winslet ang nakakantanda ang nagpapasa ng utos sa nakakabata hindi iyong ikaw ang nag-uutos sakin! Dapat ako, ganun 'yon!" Kaagad ko siyang sinamaan ng tingin. Aba, gusto nito ay trashtalkan ah. Ngumiwi siya. "Wow, pare! Ang hirap ng utos ko sa utos mo! Ito ibibigay mo lang ito sa kapatid natin, it's so simple! Pero 'yung utos mo? Sabi mo tatapusin ko lang 'yung thesis mo na malapit ng matapos pero pag tingin ko? Wala pa sa kalahati!" Sunod sunod kong sabi, kita ko ang pag-awang ng bibig niya. "Partida ako pa ang naghatid nun-" "Akin na!" Kaagad niyang hinablot ang invitation sa kamay ko. "Grabe ka naman maka-trashtalk parang gumagawa ng essay!" "Tss." Singhal ko at kinuha ang maleta kong hawak niya. "Parang si Mariola lang…" Kahit bulong 'yon ay dinig ko. Mariola… Narinig ko na 'yon dati! Yeah, Celine mentioned that name! "Who's Mariola?" His eyes widened. Kaagad siyang nangangapa ng maisasagot ngunit walang lumabas sa bibig niya. My brows furrowed. "Uh… uhm…" Mas lalo siyang nag hihisterikal nang tinaasan ko siya ng kilay. Ba't ganun? Ganyan din ang reaksiyon ni Celine nung tinanong ko siya. "May sinabi ba akong ganun?" "You're good on acting but now-" "Mariola is my ex-girlfriend." Biglaang sulpot ni Allen. "O-Oo si Mariola! E-Ex niya 'yon!" Kahit nagdadalawa ay tumango ako. I think… Mariola is their another secret huh. Sa ganung paraan kaming naghiwalay tatlo. Hiningi ko ang number ng driver ko noon sa bahay kay Allen, para walang hassle. Ilang minuto muna ako naghintay bago dumating ang BMW X1 sa harap ko. "Sorry po, Ma'am Winslet kung natagalan ako." Ani ni Kuya Joseph habang kinukuha ang maleta ko. "Ayos lang, uh, Kuya Jose-" "Kuya J nalang, ma'am." Aniya at ngumiti. Tumango ako at saka pumasok sa loob. May katandaan na rin itong si 'Kuya J'. Siguro hindi magkalayo ang edad nila ni lola though sa picture ko lang siya nakita. Siguro magkakaroon muna ako ng driver sa ngayon, hindi ko pa kase kabisado ang mga daan dito. "Sa laguna po tayo, Kuya J." He nodded before the engine started. Hindi ko mapigilang ikumpara ang noon at ngayon. Kung noon traffic, naku ngayon times two ang traffic. Nang nakapasok na kami sa laguna ay bigla akong nakaramdam ng init. Hindi ko alam kung sa aircon ba ito ng kotse o sa katawan kung nasanay na sa lamig. "Ma'am, 'yan na po ang pinakamalakas." Untag ng driver patungkol sa aircon. Napansin niya sigurong hindi ako mapakali dito. Tinanguan ko siya at pinaypayan nalang ang sarili. Para maibsan ng konti ay kinalas ko ang isang button nito. Pahamak talaga ang kanong handmaiden na 'yon! "Dito lang po, Kuya J." Utos ko, nang namataan na ang dating bahay namin. Dalawang taon lang akong nawala ngunit ibang iba na ang bahay na nasa harapan ko noon. Lahat ata ng damong tinanggal ko noon sa bakuran ay bumalot sa bubong namin. Dahan dahan akong bumaba sa kotse nang pinagbuksan ako ng pinto ni Kuya J. Kahit nasa malayo ay kita mo ang kalawang sa gate. Hinawakan ko iyon at ang dumi nun ay kaagad kumapit sa palad ko. "Winslet! Jusmeyo! Ikaw na 'ba 'yan?!" Kaagad kong nilingon ang nagmamay-ari ng boses na 'yon. Ang lapad ng ngiti niya ah. Akala mo siguro, nakalimutan ko na ang mga masasakit na salitang binibitawan mo noon sa tuwing na niningil ka samin? Lumipat ang tingin nilang tatlo sa kotse, kaagad silang nagbulongan nang makita ang brand nun sa likod. Napatikhim ako doon. "Wow, BMW mare! Bigtime!" Pakinig ko ang bulong nila. "Tignan mo ang damit! 'Yan ang pinangarap ni Mia mare! Dior! Chanel! YSL! Celine!" Mali mali ang pagkakabigkas nila sa mga brand na sinasabi nila. Magbubulongan na nga lang ang lalakas pa. Kaagad silang siniko ni Aling Siona. "Napadpad ka ata dito, Winslet?! Balita ko anak ka raw sa nagmamay-ari ng napaka-sikat na banko sa asya!" Magiliw niyang sabi. I sighed. Oo nga't gusto kong sabihin sa mga mukha nila na angat ako kesa sakanila, ngunit hindi naman 'yon akin para ipagyabang sa kanila. Saka na pag may napundar na ako. "Saan na si Tita at Sarra ngayon?" "Ay hindi englishera mare!" "Si Irene ka 'mo? Naku! Simula nung umalis ka rito at sinundo nung napakagandang kotse na halatang mamahalin, bukas nun ay hindi na sila umuuwi d'yan." Sabay turo niya sa bahay. "Ilang buwan ang nakaraan may pumuntang lalaki rito, tapos binayaran ang utang nila ng tiyahin mo sakin! Gaya mo halatang bigtime rin! Triniple ba naman ang tatlong buwan'g utang ng tiyahin mo sakin!" Mayamang lalaki? Hindi kaya… si Primo 'yon? Syempre baka nagkatuluyan sila ni Sarra! "Anong pangalan?" "Tinanong ko pero hindi ako sinagot 'eh! Siguro jowa iyon ng tiyahin mo, may katandaan na rin!" Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi si Primo at matandang lalaki. Boyfriend ni Tita? Clearly speculations lang 'yon pero baka possible rin sa bar nagtatrabaho sila… baka doon niya iyon nakilala. Kung totoo 'yon. Tita was now living a good life… kung mayaman ka expose ka sa social life, kung ganun dapat hindi na natagalan ang paghahanap ni Papa! But what if someone blocked my father's way of finding Tita, kaya niya hindi ito mahanap hanap?! At ang nagharang nun ay ang lalaki ni — Urrgh ang gulo na ng utak ko ngayon! "Pwede ba akong pumasok?" "Uh, h-hin…di na." Nauutal niyang sagot. My brows arched. Wag mong sabihin saking dapat may bayad?! "Bakit?" Kalmado kong tanong. "Binenta ko na 'yan!" My eyes immediately drifted on the house. Sa ganyang itsura may bumili n'yan? At sinong nakabili? "Pumunta nga dito 'yung nakabili kanina umalis lang saglit siguro bumili ng makakain." Sagot niya at palipat lipat pa rin ang tingin sa sasakyan. Bumaling ako sa driver. "Kuya J, dito ka lang." "Yes, ma'am." Akmang papasok na ako ng pinigilan ako ni Aling Siona. "Saan ka pupunta?" "Papasok, wag kang mag-alala babayaran kita at ang bumuli nito, sa pagpasok ko." Ani ko. Kita ang paglaglagan ng mga panga nila, napatikhim ako bago pumihit papasok. Hindi lock ang pinto kaya agad akong nakapasok, nang narinig ko ang pagtawag ng pangalan ko sa tatlo ay kaagad ko iyong ni-lock. Sisipsip lang ang mga 'yon sakin. Makalat nga sa labas ngunit sa loob ay malinis naman ngunit lahat ata ng furniture ay mayroong mga nakabalot na puting tela. When I saw the living room. Tears slowly slid on my cheeks. Dito ako nag-aaral ng mag-isa, nang mabuti, para sa ama ko. I never forgot those days that I spent burying my face on books just so I can graduate with a medal on the neck. Ang kusina kung saan madalas kami nagbabangayan ni Tita at nag-aasaran ni Sarra. Lumapit ako doon at pinasadahan ng isang daliri ang upuan ko noon. Kaagad ko iyong hinipan ng makita ang alikabok doon. Kung sino man bumili nito ay nagpapasalamat ako. Lahat ata ng kagamitan namin noon ay nasa tamang ayos at lugar kung saan talaga ito nakalagay. Lahat ng frames sa hagdanan ay nandoon pa, ngunit hindi ko na ito masyadong makita dahil sa alikabok. Bago lang ba ito binili nung nakabili? May tatlong kwarto sa taas at ang unang bubungad sa 'yo ay ang kwarto ko. Bukas ito ngayon. Dahan dahang akong pumasok doon. Kung ano ang ayos nito nung iniwan ko ay ganun pa din ang ayos nito ngayon! Hindi ko sinara ang pinto dahil ako lang naman ang mag-isa dito. Lumapit ako sa stand mirror at bahagyang pinunasan ito para makita ang mukha doon. Hindi ko mapigilang mapangiti. Kahit iba na ang estado ko sa buhay nakikita ko pa rin ang dating ako sa salaming ito. Whoever own this house now, I'm gonna buy this and I'll triple the price. My dreams started here. I learned first here about life. And this is my home. Kaya babawain ko 'to! I took off my YSL heels and faced the mirror. Slowly, I unbottoned the coat that I was wearing at hinayaan itong mahulog sa balikat ko. Siguro itong damit na ito ang siyang nagpapa-init sakin! May sinout naman akong panloob, isang cycling short shorts at white spaghetti strap. "Seriously, I don't know what her whereabouts, Henry." Kaagad nanlaki ang mata ko! May tao! Sosoutin ko na sana ang damit ko ngunit huli na ako dahil nakapasok na siya sa kwarto. Our eyes both widened when our eyes met each other! Tumili ako at kaagad hinablot ang kumot ko sa kama, hindi ko na inalintana ang alikabok nun! "You p*****t! Tumalikod ka!" Sigaw ko sa frustrasyon! Tumikhim muna siya bago tumalikod, inabot niya ang doorknob habang nakatalikod. I should have close the door! -- Ashiens
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD