Graduation practice namin sa mga sumunod na araw. Naiuwi na namin ni Perses si nanay. She was advised to rest a few days bago bumalik sa trabaho nito.
"I'll let her rest first, hija. We can manage from here since we have househelps aside from her." Saad ng heneral sa akin noong ako ay bumisita sa mansyon nila.
Umalis kami ng ospital ng umaga. Hinatid naman kami ni Perses at sinabing nabayaran na ng heneral ang bill ni nanay sa ospital.
Pagkatapos namin maihatid si nanay sa bahay, nagpaalam ako na pupunta muna sa mga Victoriano para magpasalamat. They're very generous and kind.
Sa kasalukuyan, si Perses ay nagmamaneho ng sasakyan. "Saan ang punta mo pagkatapos mo akong maihatid sa school?" Tanong ko sa kaniya.
He just glanced at me and turned his gaze on the road back again. "I'll go check the work that has been assigned to me." Wika nito pabalik. Tumango naman ako, I don't know what work was he referring to but I hope he'll always be safe.
Napansin niya ang kunot sa mukha ko, animo'y lito sa sinabi niya at 'di alam kung anong trabaho ang itinutukoy. He chuckled and held my hand as he adjusted the gear shift to slow down the ride.
"Don't worry Ria, it's the unnoticed business of my father." Ani niya. It's good that he's not doing the military thing. Hindi ko alam kung ano nanaman ang magiging reaksyon ko kapag sumabak na muli siya.
He mentioned last time that he was on leave for six months. They're just waiting for the additional equipment that they would use against the remaining rebels.
"Bakit hindi niyo nalang ba diniretso ang misyon niyo?" Tanong ko sa kaniya.
He looked at me with a creased forehead. His eyes were furrowed making it look like he wasn't fond of my question.
"We conducted a plan and a lot of armed men were also injured. Some men and my seniors were also left there so baby, our mission is not discontinued." Mahabang litanya niya sa akin.
Nakarating na kami ng school, hindi niya ako ihahatid sa loob dahil alam kong issue nanaman ang mga kabatch ko dito. Lumingon ako sa kaniya at hinalikan sa pisngi.
He looked at me with unnamed emotions in his eyes. He captured my face using his large hands. Parang orasan ang kaniyang mga mata. The intensity on his eyes screams so much adoration and like a ticking clock, you can't help but let your beat synchronize with every passing ticking sound of it. With every minute that passes by, his eyes will always be mine.
Slow as our blacks turn white, the soft mattress feeling against mine is getting hotter as it seems as he deepened it making me lean on him. He swiped my lips begging for an entrance. Hindi ko alam ang ginagawa ko pero ginagaya ko nalang ang ginawa niya.
I heard him groan as he entered his only sheltered place of mine. I felt his warm and calloused hands on my neck as I moan with his grunts. Nose bumping with mine as my cheeks blushed while his tongue worships my whole lips.
When he heard me moaned again, he stopped. Pinakawalan niya ako habang malapit ako sa kaniya. Lumayo ako nang kaunti, naramdaman ko ang bilis ng t***k ng puso ko animo'y kinakabahan. It's always like this.
No reasons intended to know but to always erratically recognize a single soul.
"Bye." Saad ko sa kaniya habang nakayuko. Bumaba na ako ng sasakyan.
"I'll see you later." Wika rin nito pabalik at tumango nalang ako.
Nang makarating ng room, sinalubong ako ni Gregor ng nakangiti. "Kumusta exam?"
Pansin kong hindi pumasok si Cedrick, hindi naman kasi iyon laging nagpapahuli. Tsaka hindi ko rin sigurado kung matutuloy ba ako kung papasa.
Ngumiti rin ako sa kaniya pabalik. "Hmm, sakto lang naman pero hindi ko alam kung papasa ba ako." Nakanguso kong saad sa huli.
Tumawa siya at siniko ako, "Sus! Ikaw pa! Sure balls na 'yan!" Sinabayan ko naman ang trip niya.
Kahit naman sabihin nating nagreview ako, hindi pa rin ako makakampante hangga't hindi ko nakikita ang results. It would be too much disappointment for my part not to pass.
Gan'on naman talaga eh, nag-aasam tayo ng mataas but we get disappointed when we don't receive what we expected in return. So to be in peace, never expect, let the results finds its way to me kung para sa akin talaga.
Siguro sa ibang araw kung hindi nga ako nakuha, a little part of me may be hurt but I'll accept it right away.
"Si Kuya Ajax mo nasa labas." Saad sa akin ni Gregor. Tumingin ako sa labas at nakitang naroon si kuya Ajax.
Nagtungo ako sa pintuan ng room namin. Nakita ko siyang kasama ang isa sa mga kaibigan niya. Si Elliseo, kilala rin ito sa college pero hindi ko alam kung kadepartment ba ni kuya.
Nakita kong binatukan ni Kuya Ajax iyon kaibigan niya, "Ulol! Masyado kang pahalata kay Miss Alonzo!" Sabay tawa.
Siniko naman ni Elliseo si Ajax, "Tangina mo! Makakaisa ka sa'kin mamaya! Di pa siya nagdidismiss ng klase niya kaya tumahimik ka diyan!"
Nagtama ang tingin namin ni Elliseo, nanlaki ang mga mata niya saka ngumisi kay Kuya Ajax. "Bebe mo nasa harap." Saka muli itong sumulyap sa kabilang room.
"Gago ka hindi pa nakakauwi si Estella, huwag kang ano diyan!"
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni kuya Ajax, Estella? May jowa na rin si kuya? Tuluyan na akong lumapit sa kanila. Lumambitin ako sa leeg ni Kuya Ajax.
"Aray, puta!"
"Kuya! May jowa ka na pala hindi mo sinasabi!" Piningot ko ang tainga niya. Humarap siya sa akin at ngumisi nang nakakaloko.
Pinisil niya nang sobra ang aking mga pisngi. Ayaw ko talagang may pumipisil sa mga pisngi ko bwisit!
"Kuya, tae ang sakit!" Ani ko sa kaniya at pinakawalan niya na ang pisngi ko pagkatapos panggigilan.
"Ikaw! Hindi mo sinasabi na meron na pala kayong ano ni kuya!" Parang bata niyang saad.
Hinampas ko ang braso niya dahil ang lakas ng boses niya. "Tae mo kuya, ang lakas ng boses mo!" Pagalit kong sigaw sa kaniya.
Tumawa siya at hindi ko man nakitaan ng kung anong inis sa kaniyang mukha kundi puno ng pang-aasar. "Bro, tignan mo iyon, galit na kuting oh!"
"Tang'na niyo kayo nalang mag-usap diyan 'huwag niyo na akong idamay please lang. Dirediretsong aral nanaman tayo sa mga susunod na araw kasi exam. Makita ko lang si Miss Alonzo sapat na araw ko." Medyo sarkastikong saad ni Elliseo ngunit ngumiti nang binaggit si Ma'am.
"Hilig mo talaga ng matanda, parang 'tong kuting na ito." Sabay iling ni Kuya Ajax. Sinapak ko muli siya dahil sa sinabi niya saka nagsimulang umalis sa pwesto nila.
"Parang hindi ka rin mahilig sa matanda ah, ilang taon Ajax? Lima ba? Kaedad ng kuya mo." Pang-aasar ni Elliseo na hindi nakatingin sa amin kundi kay Ma'am Alonzo.
Napatawa ako sa isip nang marinig iyon. Hindi halata kay kuya na may tinatago ito.
"Matanda pala ah!" Pang-aasar ko sakaniya. Nginisian ko siya na nagpapahiwatig na hindi ligtas ang kaniyang sikreto sa akin.
He muttered a curse as he looks down on the floor. Hindi ko naman na pinansin. I just know he likes the name so much.
"Ria!" Rinig kong sigaw sa pangalan ko ng kung sino. Nakalayo na ako kila kuya Ajax nang may humila sa aking braso at tinabi ako sa gilid.
Aamba sana ako ng sapak nang makitang si Cedrick iyon. "Girl huwag kang maingay! Kanina pa may humahabol sa akin pisteng babae!" Reklamo niya sa akin.
Hindi ko naman alam ang sinasabi niya. Nilapit niya ang katawan niya sa akin animo'y nagtatago. Kinabahan naman ako sa kilos niyang iyon.
"H-hoy! Cedrick tang'na aba close tayo close?" Inis na bulong ko sa kaniya.
Pwede naman kasing hindi yumakap! Mukha tuloy kaming may ginagawa sa gilid dahil hindi naman marami ang lumalabas sa room nila ngayong maraming free time.
"Akala ko ba close na tayo simula noong pumunta tayo ng Ayala?" Nakanguso niyang saad sa akin.
"Ginawa mo pa nga akong sandalan mo sa bus eh! Hindi pa ba iyon sapat para may mapatunayan ako?" Hinawakan niya ang dibdib niya nang humiwalay sa akin habang napalitan naman ng pagkalungkot at dismaya ang kaniyang mukha.
Mukhang tanga! Hindi niya talaga bagay maging artista! "Hoy, hinaan mo naman 'yang boses mo. Pangpalengke lang talaga 'yang aktingan mo Ced." Asar ko sa kaniya.
Umalis ako sa harapan niya para pumunta sa canteen nang may humila sa dulo ng aking buhok. "Makikita mo Ria! Ang bagsik ng isang Cedrick! Rawr!"
He showed the rawr sign, napaatras naman ako dahil ang lapit ng mukha niya.
"Kadiri! Lumayo ka nga!" Pagtataray ko sa kaniya at umalis na. Habang papalayo ako, rinig ko ang kaniyang tawa na parang nauubusan ng hininga at laging may hinto.
Pumunta ako ng canteen para bumili ng chuckie. Mula rito kita ang mga kolehiyong nakatambay sa mga upuan ng canteen.
Ito ang ayaw ko eh, ang tagal tagal nila diyan eh sa wala naman silang pagkain at wala na ring mauupuan.
Napabuntong hininga nalang ako at lumabas ng canteen dahil walang upuan.
Papalabas ako ng canteen nang may mabangga akong babae na tingin ko ay kasing-edad ko.
Coffee with so much milk her skin matches the creamy white milk. Like a model lost on a runway, there, she goes finding her way. Ang kaniyang buhok ay parang sa akin, hindi kulot at kasing-unat ng parang sa salon. She's also taller than me.
Pinulot niya ang nahulog niyang dala. Tinulungan ko naman ito para mapadali ang kilos niya. Nag-angat siya ng tingin sa akin at nakita ko ang mga mata niya.
Just like what I have read in Greek mythologies, her delicate face matches the character I once read, Luna, the goddess of the moon.
"Pasensya ka na at nabangga kita." Saad ko nang nakatingin siya sa akin.
Lumiwanag naman ang mga mata niya at ngumiti sa akin. "Oh! It's okay! Actually, it's also my first time here. I thank God for the accidental bump!" Maligalig niyang wika.
"If you don't mind, pwede bang itour mo ako sa college department?" Nakangiting saad niya.
Kumunot naman ang noo ko at nalito sa turan niya. Base sa suot niyang kulang sa tela na mga damit, pinagtitinginan rin siya ng ilang mga kalalakihan malapit sa canteen, hinila ko siya palayo r'on.
"Saan ba ang pakay mo miss?" Tanong ko sa kaniya. In my mind, I am already assuming that the girl in front of me has a high social status in life.
Parang sa mga Victoriano.
Nagsimula na kaming maglakad, she linked her arms with me at napamura nalang sa isipan ko dahil hindi ko naman kilala ang babae.
Feeling close kaya siya? Isinawalang bahala ko nalang ang paglingkis ng braso niya sa akin. Although I feel awkward, bibitaw naman na siguro ito kapag nakita na ang pakay nito.
"Kay Rigel, you know him? He works to us!" Pagkukuwento niya sa akin.
Nakasalubong ko si Gregor at kita ang pagtatanong sa mga mata niya kung sino ang kasama ko. Pinanlakihan ko nalang siya ng mata nang tumingin ito sa katawan ng kasama ko.
"I heard he's taking engineering, that's what my father said." Wika niya nang papasok na kami ng building.
Engineering and Architecture students who are staying outside their rooms are glancing at us, especially the girl that I am with. She did not mind the stares habang ako hindi komportable.
Only one person that made it comfortable for me though, sabayan pa ng aking puso.
Umakyat kami ng hagdanan habang siya ay talak ng talak. She almost told the whole story of her life. Even though I want her to stop, nakinig na lang ako.
Ang tinutukoy niyang Rigel ay nasa pangatlong taon na raw ng kolehiyo. "You know what? Nag-escape lang ako sa practice namin for graduation because it's way too boring and I miss my prince-charming!"
Nakarating na kami sa pangatlong palapag ng building kung saan ang room ng mga nasa senior years. Naglakad kami sa mahabang pasilyo at lagi niyang tinitignan ang mga bintana nito.
Based on her story, I think she just arrived from Manila. Sabi pa niya balak pa raw nito mag-aral dito kaso hindi siya pinayagan ng daddy niya.
It would also be a surprise to her father once she comes home. I also think she's obsessing her prince-charming.
Nakita ko si Kuya Ajax at ang barkada nito hindi kalayuan sa amin. Hula ko break nila ng dalawang oras bago ang susunod sa subject nila.
Pumasok na ang mga barkada ni kuya Ajax habang siya naman ang nahuhuli nang sumigaw ang katabi ko.
"Rigel!" Bumitaw ito sa akin at naglakad siya nang mabilis patungo kila Kuya Ajax.
Hindi man ako nakapagpaalam sa kaniya. Hindi ko rin alam kung hihintayin ko ba siya o iiwan nalang dito.
Nakita ko nalang na bumagal ang mga hakbang ng babae na papalapit kay kuya Ajax.
Kuya Ajax looked at her, shocked and unmoved. Bumaling ang tingin niya na nasa likod ng babae, not far away from me, there I am standing.
Lumingon din ang babae at kumaway sa akin. "Thank you for the assistance!" Matinis ang boses niyang wika.
Kumaway ako pabalik at bumaba na. Nakita ko ang pamilyar na sasakyan na nakaparada sa field ng unibersidad.
Mula rito sa ikalawang palapag, kita ko ang pagbaba ng lalaki na nakatatak ang sarili sa akin. A woman also his age went out from the car.
I feel my forehead creasing as they walk to the director's office.
Hindi naman dapat ako magduda diba? Maybe just a co-worker or an acquaintance?
Umiwas nalang ako ng tingin at dumiretso sa senior high building. HIndi naman nakalingkis ang braso nito kay Perses, and I trust him since he kissed me anyway.
Even with troubled feelings and heart, I set the thought aside because I trust him. Nangako naman siya kay nanay. I shouldn't feel bothered.
Nabasa ko pa man din sa mga pocket books na older men don't like immature girlfriends. So I must not act like one.