Dumating ang araw ng graduation. Damn! I miss him, sana bumalik na siya para masampolan ko na.
"Asteria Irah Olavarria Celeste, with honors." Wika ng adviser namin. Nasa tabi ko si nanay at todo ngiti siya habang kami ay naglalakad para makipagkamay sa principal at para maisabit ni nanay ang medalya.
Nginitian ko ang principal, at humarap kami sa stage para sa mabilis na picture-taking. Ngumiti kami sa camera at bumaba ng entablado.
Humiwalay sa akin si nanay at dumiretso naman ako sa inuupuan ko.
Natapos ang seremonya at ang graduation. Nagkakaingayan ang lahat dahil sa wakas, natapos na namin ang senior high. Niyakap ako ni Cedrick.
"Graduate na sa wakas! Nairaos rin natin ang PR 1 at 2. Hindi na rin natin makikita si Ma'am Ocassion." Narinig ng mga iba naming kaklase ang sinabi ni Cedrick dahilan ng pagkatawa ng karamihan. Hindi naman maririnig ng mga teachers dahil wala sila rito.
Si Ma'am Ocassion kasi napakastrikto sa deadlines and consultation ng practical research. With eyebrows appearing like a villain in some movies, hindi mo talaga mapigilan na hindi maintimidate.
"Kulang kasi sa lambing si Ma'am, pero buti nalang, hindi na tayo magcocollege dito!" Dagdag pa ni Cedrick.
The gymnasium is crowded as hell. Because of the population of STEM graduate students, some faculty members are nowhere to be found. Maraming kumukuha ng litrato sa stage, litrato ng mga kaklase, kaibigan. Creating last days' memories for keeps.
Sumenyas sa akin si nanay na doon lang siya sa pwesto niya. Nang mabawasan ang mga tao dito sa gym, lumapit sa akin si nanay. Nagpicture kami sa stage. Kumuha kami ng mga litrato, for us to remember that another chapter of my life was already accomplished. We're onto the next parts of our own chapter.
"Graduate ka na nak!" Maligayang saad ni nanay. Nang makuntento sa mga litrato, nagpaalam na rin ako sa mga kakilala ko.
"Girl! Sabi pala ng adviser natin about sa application, mas mauuna daw mag-enroll 'yong mga nagtake ng scholarship exam. Text mo'ko kapag enrollment na." Pahabol na mga salita ni Cedrick.
Lumabas kami ni nanay ng gym. I gave my alma matter one last glance before I go. Bumuntong hininga ako at muling ngumiti.
"Anak, tara na. Hindi ko pa naayos ang mesa para sa handaan." Tawag sa akin ni nanay.
Malapit na kami sa gate nang makita ko ang pamilyar na bulto na naghihintay sa labas ng gate. With his casual clothes, and firm stance, there I found him. The one who caused my processed negative thoughts as I let my worries cloud every vein in my heart and brain.
Kumunot ang noo ko sa kaniya. Normal naman na bumilis ang puso ko pagkakita ko sa kaniya diba? He's not reached for days. Kahit boyfriend ko siya, walang patawad dito.
Umirap ako sa kaniya at hinila na si nanay para pumara ng tricycle. Hindi na pumasok sa utak ko ang pagiging immature ko. Ang importante nakauwi siya ng walang galos o pasa sa mukha. Saka ko na siya kakausapin kapag hindi na mainit ang ulo ko at hindi na ako nagtatampo.
Hindi nagtagal, nakapara na kami ng tricycle na masasakyan pauwi. Once we settled to our seats, nagsalita ang nanay.
"Oh anak, naroon ang nobyo mo bakit hindi mo nilapitan?" Tanong ni nanay nang makaupo kami sa tricycle.
Bumuntong hininga ako at sinabi ang rason ko. Hindi naman kasi siya matawagan, iyon lang ang sinabi ko kay nanay. Hindi ko sinabi na nakakainsecure sa pagiging babae ko dahil baka nambabae na siya sa kabila.
'Kakabasa mo kasi ng pocketbooks at panonood ng k-drama Ria,' Dahilan ng kabilang parte ng aking utak.
Hindi na masyado nagsalita ang nanay. "Bilang babae, dapat unawain mo rin ang nobyo mo. Malay mo naman may ginagawa. Alam mo namang parte siya ng army nak." Payo sa akin ni nanay nang bumaba kami ng tricycle.
Tumango nalang ako. Binuksan ko ang pintuan at bumulaga ang sorpresa sa loob ng bahay.
"Congratulations Ria!" Wika ng mga binatang Victoriano na nasa loob pala ng maliit naming bahay. Niyakap ako ni Kuya Eryx at tinapik ang likod ko.
"We're proud of you baby Ria!" Mababang saad ni kuya Eryx. Nginitian ko siya at naghayag ng simpleng pasasalamat.
Nilapitan rin ako ni Kuya Ajax, ang malisyoso niyang mukha ang bumungad sa akin pagkatalikod ko. "Wag ka na magtampo, hindi niya tuloy alam gagawin niya." Bulong niya sa akin nang mayakap ako.
Hindi ko naman nakita dito si Perses. Tinawag kami ni nanay mula sa bakuran. Lumabas kaming tatlo at napaawang ang aking mga labi sa nasaksihan.
From our messy little garden to a clean outdoor styled like what I have seen in the modern houses from other places. Malinis at napapaligiran ito ng mga patio lights gaya ng pinuntahan namin ni Perses nang kami ang nagdate.
Standing in front, was the man leading my heart to him. He looked at me lovingly, effective talaga ang pagsusuyo. Pisteng Perses, napaka-ugh!
Hindi naman kita dito sa bakuran dahil likod mismo ng bahay ito. Lumapit siya sa akin. Nginitian niya ako nang kaunti nalang ang distansya namin.
Tumaas ang kilay ko, "Ano 'tong pakulo mo...Kuya?" I emphasized my last word to at least show how bitter I am for not calling for how many days.
Dumaan ang inis sa kaniyang mga mata yet he still managed to put it aside and replace a blank emotion on his face.
"I..." Mahina niyang saad.
"Mamaya na 'yan mga anak. Marami pa kayong oras, kumain na muna tayo." Pagpuputol ni nanay sa moment naming dalawa ni Perses.
Napatawa ako sa isipan ko. Umiling ako sa kaniya at binigyan ng nakakalokong ngisi. Nauna na akong naglakad kung saan nakaupo ang marami.
I left him there, bahala siya kung ayaw niya kumain. Hindi naman ako mahirap suyuin eh, lambingin mo lang ako, bibigay na ako.
'Magaling Ria! Dapat landiin ka niyan pagkatapos kumain nang masampolan.' Sigaw ng demonyo kong utak.
I grew fond of him which makes me comfortable in anyway basta siya lang.
Matapos kumain, bumalik ako sa loob para magligpit ng pinaglutuan ni nanay. Gabi na rin kasi kaya kailangan nang umuwi ng mga nakisaya sa selebrasyon ng graduation ko.
"Uuwi na kami Asteria, congrats ulit. Pustahan, di yan uuwi nang di kayo nagkakaayos. Salamat sa masarap na pagkain Nay Lena!" Mula sa maligaya niyang boses ay humina nang banggitin ulit ang sitwasyon namin ni Perses.
Umiling ako sa kaniya at marahan na tumawa. "Hilain niyo na, sabihin niyo bukas na mag-usap. Pupunta naman kami ng mansyon kinabukasan eh." Saad ko sa kaniya pabalik.
Hindi naman sa wala akong mood na makipagusap, today has been a long day. We could talk tomorrow.
Nakaalis na ang lahat, naayos na namin ni nanay ang mga gamit at pinagkainan. Mas nauna siyang natulog habang ako ay tumambay muna sa labas, sa bakuran. Habang pinagmamasdan ko ang munting bakuran, napangiti ako.
They really did put effort for the little celebration, hindi rin halatang narito ang mga Victoriano dahil halos lahat ng tao na kapitbahay namin ay busy sa kani-kanilang selebrasyon.
Narinig kong may kumatok sa pintuan, sinulyapan ko ang aking selpon para tignan ang oras. Alas dies y media na. Sino namang kakatok ng ganitong oras?
Tumayo ako para silipin ang bintana malapit sa pinto, hindi masyadong kita pero may tao naman. Binuksan ko ito at sumalubong ang pagod niyang mga mata sa aking harapan.
"Asteria." Ang baritono niyang boses na sumalubong sa akin ang naging rason para umatras ako ng kaunti sa kaniya.
Nagsalubong ang kilay ko, "Gabi na Perses! Bakit nandito ka pa?" Pabulong na saad ko dahil tulog na ang mga tao dito.
"Let's talk..." Saad niya at isinandal ang katawan sa pintuan. Geez! Even against the moonlight, his striking figure made him look like a model, way better than those men in underwear commercials.
Namuo sa aking isipan na nakaboxer's lang siya, baka magmukha, no, magmumukha talaga siyang Griyegong diyos na sasambahin mo dahil partida, nakadamit palang, busog ka na.
With a body to die for, face, personality... everything. Moreno nga lang siya, but his eyes will always be in contrast with his skin. Hazel but when he looks it appears darkly menacing.
Tikhim ang nagpabalik sa akin sa reyalidad, "Asteria." Namula ang mga pisngi ko dahil sa naisip.
Tiningala ko naman siya at hinila papasok. Kabado dahil baka may makakita sa amin. Base sa pananamit niya, pakiramdam ko hindi man lang 'to umuwi ng bahay nila. Iyon pa rin kasi ang suot.
Umupo ako sa harapan niya, he settled himself right in front of me with only table separating us, making a distance.
"Ano namang pag-uusapan natin Kuya?" Tanong ko habang nakasandal sa upuan na gawa sa kahoy.
He breathed a sigh, "I'm sorry for not contacting for days." Saad niya.
Katahimikan ang bumalot sa amin. "There has been problems regarding my work. Mukhang mapapaaga ang pagbalik ko dahil kumilos na muli ang mga tinutunton naming rebelde." Naalerto ako sa sinabi niya.
Does that mean mababawasan ang mga araw na kasama ko siya? Isn't that risky once again? Kapag bumalik nanaman siya sa trabaho niya, I'll only rely on his phonecalls. Paano kung hindi ko makayanan? What if? The possibilities of events are uncertain.
Ni hindi ko nga kayang hindi siya nakakausap ng matagal eh, kapag nasa trabaho niya pa kaya? Okay lang sana kung sa opisina pero pinapatapon din naman siya sa field eh.
"H-hey..." Bulong niya sa akin, ang kaniyang mainit na kamay ang bumalot sa akin na nanginginig.
I didn't notice that he's already beside me. "B-babalik ka na ba? Sa trabaho mo?" Tanong ko sa kaniya. He looked at me intently as if weighing my emotions that would flow in my eyes.
"No, not yet..." He soflty said. "It's one of the reasons why I can't be reached because I don't want you worrying."
Bahagya ko siyang tinulak, "Hindi ka pa nga sumasagot ng tawag, alala na ako? Kapag nakaalis ka pa kaya?"
I saw him smirked as if amused by my reactions, mas lalo namang kumunot ang noo ko. "Hoy! Sa susunod naman kasi kahit text lang, huwag mo naman ako pakabahin."
He smiled fully. He nods, agreeing with what I said.
We ended the night with peaceful hearts. I slept but I set my thought aside about his work. Bahala na.
In the following days, weeks, and months, I spend my vacation with the whole Victoriano's. Nang magenrollment naman sa unibersidad, magkasama kami ni Cedrick.
"Girl, ang laki naman ng St. Maximillian!" Bulong niya sa akin nang makapasok kami sa gate. Ipinaalam ko na kila nanay at Perses na magb-byahe kami pa-Maynila.
Naalala ko pa ang mukha ni Perses. "Let me come with you atleast. Kahit maihatid ko kayo sa airport." Saad niya sa akin dahil nagkasalubong ang kilay niya.
"Huwag na! Kasama ko naman si Ced! I'll call you once we get there okay kuya?" Wika ko at binuhat ang bagahe ko.
Hindi pa rin siya mapakali. I unbuckled my seatbelt and leaned closer to him. "Pabaon." Hinalikan ko siya nang mabilis lang, smack kiss...but it didn't end there. He grabbed my nape and pulled me closer to him to prolong the kisses I made. My heart erratically sped up nang may kumatok sa bintana ni Perses.
Humiwalay ako sa kaniya at parehas kaming mapungay ang mga mata. "Alis na ako, see you." Mahinang saad ko saka binuksan ang pinto ng kaniyang sasakyan.
"Asteria! Hiwalay tayo ng building sa pag-eenrollan girl! Doon pa yata banda ang course mo." Sabay turo sa kabilang banda kung saan marami ang kababaihan.
"Accountancy diba? Liberal arts daw kasi banda dito." Tumango naman ako at ipinakita ang selpon senyas na text text nalang kung mawala ang isa sa amin.
Naglakad ako palayo sa kaniya. Tinanong ko ang isang babae na nasa harapan ko kung nakapila ba siya, tumango naman ito sa akin. Pumila naman ako sa likod nito, at hindi nagkaproblema nang ako ay tanungin.
"Miss, Library A3 ang ID picture taking. Classes are to be announced." Ngiti sa akin ng umasikaso sa documents ko. Ngumiti naman ako pabalik at nakahinga ng maluwag.
Akala ko namamalikmata ako nang makita ang babaeng sinamahan ko kay kuya Ajax n'on pero hindi. Her cream skin and figure is familiar. Napansin kong may kausap ito na lalaki habang nasa kabilang kamay nito ang hawak na mga documents.
Hindi ko nalang pinansin at dumiretso na sa library. Dahil nakapokus ako sa pagmamasid ng paligid, naramdaman kong may sumagi sa akin dahilan ng pagkahulog ko.
Narinig kong nagmura ito, "Watch where you're going!" Galit na saad nito sa akin. He held out his hand pero dahil sa kahihiyan hindi ko na tinanggap. Naghayag ako ng paumanhin bago umalis.
Hindi ko nasulyapan ang mukha nito basta ba makaalis ako doon.
'Mag-ingat ka naman kasi minsan Asteria!' Napabuntong-hininga at iling naman ako. Natapos ang araw ng enrollment at dumiretso na muna kami ng uwi ni Cedrick. Bukas naman ay maghahanap kami ng tirahan na malapit sa university.
Nandito kami sa isang transient rooms ni Cedrick, buti at may ipon pa ako, napakamahal naman kasi kapag nandito pala. Ang bilis pa ng oras, tumunog ang aking selpon at ang pangalan ni Perses ang bumungad.
I swiped right at bumungad sa akin ang mukha ni Perses. Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi pa pala ako nakakapag-ayos man lang. Nakahiga lang ako sa kama habang siya naman ay nakasandal rin sa kama niya. He's wearing a shirt habang ako hindi man lang nagsuklay.
"How's the trip?" Tanong niya. Mabuti at nakakain na kami kanina ni Cedrick ng pananghalian kanina. Mahal rin pala ang bilihin nila sa canteen.
"Okay lang naman."
"Hindi ka ba nahilo? When are you coming home?" Natawa naman ako sa kaniya dahil kararating palang namin at tatanungin niya na ako kung kalian uuwi.
"Sa makalawa siguro, maghahanap pa ako ng matitirhan dito eh."
"You can live in my condo." Suhestyon pa niya. Nanlaki naman ang mga mata ko sa kaniya, kahit nobyo ko na siya parang mali naman na tumira ako sa kaniya. I'm still young and have dreams, baka may mabuo.
'Mabuo? Taenang 'yan Ria! Di nga kayo umaabot sa s*x eh!' Namula ako nang tuluyan dahil sadyang malakas talaga ang amats ko kapag makamundo na ang sinasaad nito.
"H-hindi pwede, sayang naman ang ibibigay na allowance ng scholarship ko."
I saw him shifted in his seat. "You can save the money baby."
Umirap ako sa kaniya at sinabing pag-iisipan ang sinabi niya. Maaga akong natulog dahil titingin pa kami ng titirhan kinabukasan.
The rays of the sun became my alarm to disturb me from my sleep. Another day has come, my college journey is yet to come.