NALULUHA si Kila habang tinatanggap ang kanyang diploma. Sa wakas ay natapos din niya ang pag-aaral. Pagbaba niya ng entablado ay kaagad niyang hinanap si Xander. Muntik na siyang mapatili nang may biglang yumakap sa kanya mula sa likuran. Kung hindi niya kaagad naamoy ang pamilyar na cologne ni Xander ay baka nga napatili siya. “Congratulations!” sabi nito malapit sa tainga niya. Hinarap niya ito at kaagad na pumulupot ang mga braso niya sa leeg nito. “Thank you!” Malaki ang utang-na-loob niya rito sa pagtatapos niya. Nang magkatrabaho na ito ay inako nito ang pagbabayad ng matrikula niya. Ito na rin ang nagbibigay ng allowance niya. Bukod pa iyon sa matiyaga nitong pagturo sa kanya sa mga assignment at project niya. “Thank you sa moral at financial support,” aniya habang mahigpit si

