27

2014 Words

NATUWA si Kila sa restaurant na pinagdalhan sa kanya ni Xander nang gabing iyon para i-celebrate ang seventh wedding anniversary nila. Tahimik doon at romantic ang ambiance. Napakahirap minsang paniwalaan na nakatagal sila nang ganoon bilang mag-asawa. Mahirap paniwalaan na nalagpasan nila ang lahat. Malaking bagay marahil ang pagiging mabuti nilang magkaibigan. Hanggang maaari ay hindi nila palilipasin ang buong araw na hindi sila nag-uusap. Regular ang kuwentuhan nila bago matulog. Sinasabi nila ang mga nangyari sa kanila buong araw at ang mga nararamdaman nila—kahit na ano pa iyon. May mga pagkakataon din siyempre na hindi sila nagkakasundo. Nag-aaway rin naman silang dalawa. Maldito naman talaga si Xander lalo na kung sinusumpong. May mga pagkakataon na nakakapagsungit na siya kapag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD