PINAKIRAMDAMAN muna ni Kila si Xander habang kumakain sila ng agahan kinaumagahan. Hindi na niya namalayan kung anong oras ito pumasok sa loob ng silid nila nang nagdaang gabi. Mukhang hindi maganda ang gising nito dahil kanina pa ito walang imik. Tila malalim ang iniisip nito. Tumikhim siya. “I’ll contact Gray’s manager. Magpapa-set ako ng meeting.” Natigilan ito sa akmang pagsubo nito. “Bakit?” pormal na tanong nito. Napabuga siya ng hangin. Alam naman nito ang dahilan kung bakit siya makikipagkita kay Gray. “Hihingi ako ng tawad. Gusto ko rin sanang makita uli sina Nanay Perla at Tatay Berting.” Sa palagay niya ay panahon na upang humarap siyang muli sa mga ito. Baka sa panahong iyon ay hindi na galit ang mga ito sa kanya. Kahit na alam niyang galit pa rin si Gray, hindi niya maiw

