“XANDER!” naiinis na tawag ni Kila. Naiinis na napatingin siya sa lababo na puno ng pinggan na hugasin. Natutop niya ang kanyang noo nang hindi sumagot ang tinawag niya. “Xander!” muli niyang tawag sa mas malakas na tinig. Malamang na narinig na siya ng kapitbahay nila. “What?” naiinis na sagot nito habang palabas ng silid nila. Tangan-tangan pa rin nito ang cell phone nito na lalong ikinainit ng ulo niya. “Toka mo ang mga hugasin ngayon. Bakit nakatambak pa rin ang mga ito dito?” sita niya. “Nagpapahinga lang naman ako sandali,” katwiran nito. “Huhugasan ko rin ang mga `yan mayamaya.” Pinaningkitan niya ito ng mga mata. “Puro kasi text ang inaatupag mo! Puro ka cell phone! Kung sino-sinong malalandi lang naman ang ka-text mo!” Ito naman ang may gustong umako ng ilang responsibilida

