22

2162 Words

“ANO BANG klaseng paglalaba ang ginagawa mo at ganito ang polo ng anak ko?” sita ng ina ni Xander kay Kila. Hindi na lang siya sumagot. Nasa bahay nila ito nang araw na iyon para yata sa isang surprise inspection. Nagkataon naman na hindi pa siya nakakapaglinis ng bahay dahil abala siya sa eskuwelahan. Tambak din ang labahan nila ni Xander. Ang polong hawak nito ay ang polong nadisgrasya niya dati. Nahawahan iyon ng ibang kulay mula sa isa sa mga damit niya. Hindi na nga ginagamit ni Xander iyon ngunit dahil hindi pa siya nakapaglalaba ay muli iyong lumabas. “Ang kalat ng bahay n’yo. Ano ba ang ginagawa mo at hindi ka man lang makapagligpit?” pagpapatuloy nito. “Mom, give Kila a break.” Bigla siyang napatingin sa pintuan nang marinig ang pamilyar na tinig ni Xander. Off nito nang araw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD