24

1517 Words

HALOS lumuwa ang mga mata ni Kila nang makita ang laman ng ATM ni Xander. Nang bahagyang makahuma siya ay hinugot niya sa wallet niya ang isa pang ATM card at isinaksak sa machine. Muling nanlaki ang mga mata niya nang makita ang mga numerong nakasulat sa screen. Umalis siya sa harap ng machine at hindi muna nag-withdraw. Inilabas niya ang cell phone niya at dali-daling tinawagan si Xander. “O, may problema?” bungad nito sa tawag niya. “Hindi naman problema. Ang akala ko ba, suweldo mo lang ang laman ng card mo?” tanong niya. “Oo, suweldo ko lang. Nabayaran mo na ang koryente’t tubig?” Kaninang umaga ay ibinigay nito sa kanya ang ATM card nito upang makapag-withdraw siya ng pambayad ng koryente nila at tubig. “Puwede na rin nating bayaran ang renta ng bahay,” sabi niya. “Ha? Hindi pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD