TINANGHALI ng gising si Kila kinaumagahan. Nagpapasalamat siyang wala siyang pasok nang araw na iyon. Wala na sa higaan si Xander. Ang alam niya ay wala rin itong pasok at mamayang hapon pa ang shift nito sa coffee shop. Nang makarinig siya ng mga tinig ay nagtatakang lumabas siya ng silid. Nanlaki ang kanyang mga mata nang madatnan sa munti nilang sala si Lola Ancia. Kaagad siyang lumapit dito at nagmano. “Lola!” bulalas niya. “Narito po pala kayo.” Nginitian siya ng matanda. “Gusto ko sana kayong sorpresahin na mag-asawa. Kasama ko si Dudes. Ibinababa lang niya ang mga pasalubong namin sa inyo.” Dinulutan ni Xander ng kape ang matanda. “Pasensiya na, `La, instant coffee lang ang meron sa `min,” anito. “Okay lang, apo,” anito habang hindi nawawala ang ngiti sa mga labi nito. “Huwag k

