PAGKALIPAS ng ilang araw ay lumabas na ng ospital si Ancia. Napilitan siyang gumamit ng wheelchair kahit na ayaw niya. Medyo mahina pa ang katawan niya. Hindi na talaga maikakaila ang katandaan niya. Ilang araw siyang nakulong sa silid ng ospital. Kahit na sino ay manghihina ang katawan. Walang ibang nakita ang mga mata niya kundi ang mga dingding ng ospital at mga tao roon. Walang naamoy ang ilong niya kundi antiseptic. Ang unang-una niyang ginawa paglabas niya ay dumeretso sa puntod ng kanyang pinakamamahal na asawa. Sinamahan siya ng mga nakababatang apo niya. Masyadong abala ang mga panganay sa pagbabalik ng kaayusan ng lahat sa Villa Cattleya. Sandali siyang sinamahan ng mga apo niya sa mausoleum bago siya binigyan ng pribadong oras kasama ang lolo ng mga ito. “Maraming salamat, An

