NAGMAMADALING isinilid ni Kila ang mga damit sa bag niya. Labis siyang nag-aalala sa kalagayan ni Lola Ancia. Hindi na siya mapakali mula nang itawag sa kanya ni Xander ang hindi magandang pangyayari sa villa. Mahirap paniwalaan na nabulabog ang katahimikan ng Mahiwaga. The place had always been peaceful. Hindi niya akalain na may maglalakas ng loob na pasukin ang villa. Nahuli na raw ang mga masasamang-loob ngunit dahil sa biglang pagtaas ng presyon ay nasa ospital ngayon si Lola Ancia. Kanina pa siya nananalangin na sana ay okay lang ito. Nang mag-text si Xander na nasa ibaba na ito ay siniguro niyang wala na siyang nakalimutan. Pinatay niya ang lahat ng ilaw at nagmamadaling bumaba na. “May balita na ba tungkol kay Lola?” tanong kaagad niya pagpasok na pagpasok niya sa loob ng sasa

