15

2263 Words

“HI,” MASIGLANG bati ni Kila kay Xander pag-uwi nito nang hapong iyon. Maaga itong umalis kanina upang maghanap ng trabaho. Naaawa na nga siya rito. Pakiramdam niya ay wala siyang silbi bukod sa paghahanda ng pagkain at susuotin nito. Nais sana niya itong tulungan. Hindi rin kasi siya sanay na nasa bahay lang at halos walang ginagawa. Mag-iisang linggo na silang nakatira sa apartment. Nalinis at naayos na niya iyong maigi. Ginawa niya ang lahat upang kahit paano ay maging kumportable si Xander sa bahay nila. Unti-unti naman itong nakakapag-adjust. Kahit na madalas ay init na init ito dahil hindi ito sanay nang walang aircon, hindi naman ito nagrereklamo. Kahit na mababakas sa mukha nito ang iritasyon minsan, hindi ito umaangal sa kanya. Kaagad naman nitong binubura ang iritasyon sa mukha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD