HINDI akalain ni Kila na maaaliw siya habang pinapanood si Xander na lukot ang mukha. Sinisikap nitong maging kaswal ang ekspresyon ng mukha nito ngunit nabigo ito. Hindi lang marahil ito sanay sa palengke kaya ang dalas nitong mapangiwi. Ang gusto nito ay sa grocery sila mamili, ngunit ipinilit niyang sa palengke na lang para mas mura. Ayaw niyang magwaldas pa ito ng pera nito. Kailangan nitong matutong maghigpit kahit paano sa pera. May refrigerator na ang inuupahan nilang apartment kaya namili sila ng karne at isda. Hindi maipinta ang mukha ni Xander habang nakikipagtawaran siya. Bukod sa hindi ito sanay sa amoy, tila nainis ito sa pagtawad niya sa presyo. “Bakit mo binayaran kaagad? Matatawaran ko pa nang sampung piso `yon, eh,” aniya nang makalayo sila sa nagtitinda ng bangus. “F

