“PASENSIYA na po talaga kayo, Ma’am, kung inabala ko pa kayo. Hindi ko na po kasi alam ang gagawin ko kay Sir. Natatakot na po kaming mga staff niya.” “It’s okay, Grace,” kaswal na sabi ni Kila kay Grace. Tinawagan siya nito sa opisina niya dahil hindi na raw nito matagalan si Xander. Palagi na lang daw itong nakasinghal kahit na sa simpleng pagkakamali lang ng mga taong nakapaligid nito. Katakot-takot na sermon daw ang inabot nito dahil lang kulang ang asukal ng kape nito. Mangiyak-ngiyak nga ang sekretarya habang nagkukuwento sa kanya. Hindi raw nito alam kung gagawa na ito ng resignation letter kaya tinawagan siya nito. Nang matauhan naman ito ay hindi na ito matapos sa paghingi ng tawad. “Binigyan mo na ba siya ng matamis na pagkain?” tanong niya. “He usually calms down after eatin

