17

1280 Words

MAAGANG nagising si Kila nang araw na iyon. Maingat siyang bumangon sa kama upang hindi niya maabala ang tulog ni Xander na naghihilik pa sa higaan. Pagod ito sa trabaho nang nagdaang gabi kaya ayaw niyang maistorbo ito. Dahan-dahan siyang lumabas ng silid. Pagkatapos niyang magmumog at maghilamos ay naghanda na siya ng almusal. Maingat siya sa bawat galaw niya upang hindi siya makalikha ng ingay. Unang araw niya sa eskuwelahan at maaga rin ang pasok ni Xander. Kinakabahan at excited siya. Halos hindi nga siya makatulog nang nagdaang gabi. Naghahain na siya sa hapag nang marinig niya ang alarm ng cell phone ni Xander. Mabilis niyang tinapos ang paglalagay ng mga pagkain sa mesa. Pumasok siya sa silid at tinapik ang braso ni Xander. “Gising na,” aniya habang banayad itong tinatapik-tapik

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD