PINILIT ni Kila na maging masigla habang naghahanda siya ng almusal kinaumagahan. Pilit niyang sinasabi sa sarili na tama ang gagawin niya. Tama ang nabuo niyang desisyon. Kahit na unti-unting namamatay ang kanyang puso, gagawin pa rin niya para sa kaligayahan ni Xander. Nang oras na para gisingin ito ay pumasok siya sa silid nila. Umupo siya sa gilid ng kama at pinagmasdan muna ang natutulog nitong anyo. Nais niyang memoryahin ang buong mukha nito. Marahan niyang niyugyog ang balikat nito. “Gising na, Xander.” He stirred, then opened his eyes. Sandali itong na-disorient. Napatitig ito sa mukha niya. Tumaas ang kamay nito at hinaplos ng palad nito ang pisngi niya. “Good morning,” bati nito. Her heart contracted violently. Naroon na naman ang matinding lungkot sa mga mata nito. Gagawi

