“HALIKA nga rito, anak,” sabi ni Nanay Perla. Naluluhang pumaloob si Kila sa nakabukang mga bisig nito. Dinala siya roon ni Gray pagkatapos nilang mag-usap nang masinsinan sa unit. Ayaw sana niyang umalis dahil nais niyang hintayin ang pag-uwi ni Xander ngunit nagpumilit si Gray. Gusto raw siyang makausap ni Nanay Perla sa lalong madaling panahon. Mahigpit silang nagyakap ng babaeng itinuring na niyang ina. “Bakit mo naman hinayaan na magalit kami sa `yo nang ganito katagal, anak? Bakit hindi ka nagsabi ng totoo? Bakit kinailangan mong magsinungaling?” “Alam ko po kasing hindi kayo papayag kapag sinabi ko po sa inyo ang totoong pinasok ko,” naluluhang sabi niya. Halos hindi siya makapagsalita dahil sa paninikip ng dibdib niya. Dagsa-dagsang emosyon ang rumagasa sa kanya. Masayang-masay

