Inosenteng napatingin si Selena kay North matapos bitawan ang papuri na iyon sa kaniya. Natigilan naman ang binata, at napagtanto ang kaniyang nasabi, pero huli na para bawiin iyon kaya nagkaswal-kaswalan na lamang siya. "May mali ba sa sinabi ko?" Kibit-balikat niyang aniya sa dalaga. Itinuon niya ang mga mata kunyari kung saan. Kailangan niyang kontrolin ang dila na laging nadudulas sa pagsasabi ng totoo. Nilinis ni Selena ang lalamunan, parang bang nangati iyon nang saglit. Nagyuko rin siya ng ulo, pakiramdam niya ay namumula ngayon ang kaniyang mukha dahil sa hindi inaasahang pagpuri nito sa kaniya. "Hi-hindi ho ba dapat nasa maids room ako?" aniya niya nang magtaas ng tingin. "Maids room?" nagtatakang ulit ni North habang naglalakad palapit sa kaniya. "O-opo. Kasi, doon naman ta

