Kabanata 60

1113 Words

"Ma'am?" Alertong tumayo si Selena nang lapitan siya ng sekretaryang kalalabas lamang ng opisina ni North. "Matatagalan pa po si Mr. Castellana sa meeting. Kung gusto ninyo raw po ay iwan ninyo na lang ang dala n'yo." "Or you can leave him a message. I'll just relay it to him." Bumaba ang mga balikat niya dahil sa dismaya. May ilang minuto na siyang naghihintay dito. "Thank you, Mr. Castellana." Napatingin sila nang naglabasan ang ilang lalakeng nakasuot ng suit. Mula sa puwesto ay kita niyang nakikipagkamay ang binatang amo. "Excuse me, Miss Ortega." Nagmamadaling lumapit ang sekretarya sa puwesto ng mga ito. Iginigaya ang mga ka-meeting nito palakad sa hallway. Hanggang sa lumingon si North sa puwesto niya. Agad siyang ngumiti, at bahagya itinaas ang bitbit na kahon ng cupcake.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD