Tahimik si North habang nakasungaw ang mukha sa bintana. Pinili na naman niyang gabi umuwi. Sa bar ni Anna siya nagpalipas ng ilang oras. Sobrang bigat ng loob niya dahil sa nangyari kanina. Naririnig niya ang konsensiya niya dahil sa ginawa sa dalaga. Napapikit nang mariin ang binata, sumandal at itiningala ang ulo sa backseat. Kung alam lang nito kung paano siya nagpipigil kanina na lapitan si Selena. "Sir," Ipinagbukas si North ni Diether ng pinto. Hindi niya namalayan na naroon na sila sa Mansion. Nakasimangot siyang bumaba hanggang sa matigilan. Napakurap si Selena nang magtagpo ang mga mata nila ng among kababa lamang ng kotse. Naglalakad sila ni Greg pabalik ng Mansion. Nakita niya kung gaano ka-seryoso ang tingin na ibinato nito sa binatang pulis. "North!" bati ni Greg. Ig

