Kagat-kagat ang ibabang bahagi ng labi ni Selena nang balikan ng tingin ang hawak na baso ng alak. "Do you want this?" Gulat pa siyang napatingin kay North. Nakatitig pala ito sa kaniya habang may naglalarong ngiti sa labi. "Hi-hindi po ako umiinom." "E, bakit ka nakatingin? Natutukso kang tikman?" patuloy na anas nito. "Hindi," sagot niya agad. "Good. For me, baby ka pa rin. That warm milk suits you." Naging mas seryoso ang paraan ng pagtingin ni Selena sa binatang matiim siyang pinagmamasdan. Habang magkahinang ang kanilang mga mata ay nakadama siya ng kaba. "Ma-matutulog na ako," sa pagkataranta ay napatayo siya, at nawaglit sa nawiwindang na isip niyang hawak niya ang baso. Bumagsak iyon sa lapag, nagtalsikan ang mainit na gatas kasama ang basag na parte nito. "Sorry po," Ak

