"Kumusta po ang pakiramdam ninyo?" Nasa dalaga pa rin ang labis na pag-aalala nang ilagay ang baso ng tubig sa tapat ng lamesa ni North. Sinilip ni Selena ang mukha ng amo. May hawak itong cold compress na nakalagay sa likod ng ulo. "A-akin na po," boluntaryong kinuha niya sa kamay ng binata ang compress. Ipinaubaya naman ito ni North. At pinakiramdaman na lang ang pagtungo ng dalaga sa kaniyang likuran. "M-mr. Castellana, bakit hindi ho kaya magpatingin kayo sa hospital? Para ma-check ng doktor 'yang sumasakit sa inyo," payo ni Selena habang may pag-iingat na idinadampi ang hawak sa ulo nito. "I'm alright. Don't worry, Miss Ortega." "Sigurado po ba kayo?" Ngumiti si North dahil sa pamimilit, at pangamba ng dalaga sa kaniya. Hindi na naituloy ni Selena ang paghinga nang abutin n

