Chapter 8

2469 Words
HINDI maintindihan ni Phoebe kung bakit tila nag-iba ang ugali ni Neil nitong mga nakaraang araw. Magi-isang buwan na siyang nagtatrabaho sa poder ni Salud at ngayon lang siya nanibaguhan nang mapansin niya ang binata na kakaiba ang kinikilos nito. Normal pa ba 'tong nakikita ni Phoebe o hindi? She doesn’t even know. Kahit siya ay hindi niya alam ang rason kung bakit nag-iba ang ugali nito. May sakit siguro o baka naman may taning na ang buhay? naiisip na lamang ni Phoebe habang nagsasampay siya ng mga damit sa laundry area. Palihim na napapasilip din siya sa screen door upang tingnan ang binatang amo na malayang nagluluto mag-isa sa kusina. Suot-suot pa nito ang kulay pink na apron. Napangiwi si Phoebe sa nangyayari. Para sa kanya, sobrang weird ang nakikita niya. Hindi niya kasi nakasanayan na makita si Neil na nagluluto. Ni hindi pa nga niya natitikman ang niluto nito. Ano bang meron sa mokong na 'to at bakit sumipag yata!? Napapairap na lamang siya. Binilisan niya ang pagsampay ng mga damit bago siya pumasok ulit sa kusina. Paika-ika pa siya dahil nga sa nakasaklay siya ngayon. Hindi pa rin kasi maayos ang fracture niya sa kaliwang paa kaya hindi pa siya masyadong nakalalakad ng maayos. Nang makapasok siya sa kusina, napatingin si Neil sa kanya. "Gutom ka na?" tanong pa nito. "Hindi pa naman. Ano ba 'yang niluluto mo?" tanong ni Phoebe habang tinitingnan niya ang piniprito nitong manok sa kawali. "Fried chicken?" dagdag pa niya. Ngumiti si Neil sa kanya. Naitaas niya tuloy ang dalawang kilay nang mapansin iyon out of curiosity. Marunong din naman palang ngumiti ang mokong na 'to! She thought afterwards. "Hindi lang fried chicken. Special fried chicken," tugon ni Neil. "Hintayin mo na lang kapag tapos na." Walang siyang inilabas na salita. Nagkibit-balikat lang si Phoebe sa sinabi ni Neil. "Magsasaing na lang ako," aniya. Naisip na lang ni Phoebe iyon para naman may ginagawa siya habang nagluluto si Neil ng ulam. "No need. Tapos na akong magsaing," biglang sagot ni Neil kaya natigilan siya sa paghakbang upang kuhain ang kaldero ng rice cooker. Nawi-wirdohan na ako sa iyong mokong ka, ah! "Ano ang maitutulong ko?" "Umupo ka na lang sa sala. Tatawagan na lang kita kapag nakahanda na ang lunch natin." Patango-tangong umalis na lang si Phoebe sa kusina at sinunod ang sinabi ng binata sa kanya. Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin siya kung bakit kakaiba ang kinikilos ni Neil. Ibang-ibang kasi kaysa noong una. Sa totoo lang, nakararamdam na rin siya ng takot kasi napapadaan na lang sa isipan niya na baka hindi ito ang totoong Neil na kaharap niya ngayon. Baka impostor ito o kaya dopple ganger. Napaupo na lamang siya sa isang single na sofa at hinihintay ang pagtawag ng lalaki sa kanya. In fairness, kahit pritong manok lang 'yong niluluto ni Neil ay nababanguhan na siya sa amoy. How much more kung matitikman na niya ang niluluto nitong special fried chicken kuno. Okay, tingnan natin kung masarap ba, napapangiting wika niya sa kanyang sarili. Mga ilang saglit pa ay tinawag na siya nito. Mabilis naman siyang tumayo sa pagkakaupo at excited na pumunta sa dining area para tingnan ang finished product na niluto ng binata. Pagkapasok pa lang niya sa kusina ay naamoy na kaagad niya ang ulam na niluto ni Neil. Lumapit siya sa lamesa at tumambad sa kanya ang sandamakmak na fried chicken cubes na nakalagay sa malalim at malaking glass bowl. Meron pang nakahandang sawsawan. Hindi alam ni Phoebe kung ano ang mga 'yon pero alam niyang gawa iyon ni Neil. "Umupo ka na," utos pa sa kanya nito. Umupo naman siya at hinintay niya si Neil bago niya simulan ang pagtikim ng niluto nitong special fried chicken. Okay na okay ang pagluto nito sa manok. Golden brown ang kulay at hindi sunog. Naglalaway tuloy si Phoebe at natatakam na siyang tikman ang piniritong manok na iyon. "So 'yan 'yong sinasabi mong special fried chicken?" tanong pa niya na ikinatango naman ng binata bilang sagot. "Oo. Chicken pop ang tawag diyan. Boneless chicken ang ginamit ko riyan. At ginamitan ko pa ng special ingredient sa coating para maging malasa 'yong manok." "Ganun ba," sabi ni Phoebe. Bigla naman siyang napatingin sa dalawang sawsawan. "Eh, ano naman 'tong mga sawsawan na 'to?" "Caramel itong isa at mayonnaise cream naman itong isa," sagot pa nito habang tinuturo ang dalawang sawsawan. "Masarap ang chicken pop kapag sinawsaw mo sa kahit anong sawsawan diyan. Ako rin ang gumawa ng mga iyan," nakangiti pa nitong wika. "Puwedeng matikman?" "Sure." Kinuha ni Phoebe ang kanyang tinidor at tumusok ng isang chicken pop. Isinawsaw naman niya iyon sa caramel sauce at sabay subo. Sa unang kagat pa lang niya sa chicken pop na iyon, bigla siyang natigilan sa pagnguya. Hindi dahil sa hindi masarap ang lasa nito kundi natigilan siya dahil kakaiba ang lasa ng chicken pop na niluto nito. Hindi ito katulad ng mga fried chicken na nakakain niya. Ang sarap! nasabi na lamang sa kanyang sarili. Ngayon lang niya natikman ang ganitong klaseng fried chicken. Kakaiba 'yong ingredients ng coating na ginamit sa manok. Hindi ini-expect ni Phoebe na sobrang sarap ng chicken pop ng binata. "Masarap?" Tumango si Phoebe at tumusok pa siya ng isa sa kanyang tinidor. Sa pagkakataong iyon, isinawsaw naman niya ito sa mayonnaise cream. At hindi naman siya na-disappoint sa lasa dahil sobrang sarap pa rin nito kahit iba-iba ang sawsawan. "I told you. Masarap 'to." "Marunong ka palang magluto. Hindi ko alam," pagko-compliment ni Phoebe sa binata. "Hindi naman. Natutunan ko lang 'yan sa Youtube. Tsaka may binibentang ganito sa Cavite. Na-curious ako kung paano ito lutuin. Akala ko simpleng coating lang ang ginagawa sa manok. 'Yon pala, may special ingredients pala para roon." "Masasabi ko pa rin na masarap kang magluto 'no. First time ko kayang matikman ang niluto mo," nakangisi niyang tugon kay Neil habang nilalasap na niya ang fried chicken. Nagsisimula na silang kumain ngayon. "Hindi rin 'no. Mas masarap ka pa rin magluto." "Ha?" "My mother said that you are a good cook. Siyempre, hindi ako naniwala noon dahil hindi ko pa naman natitikman ang niluto mo. But I admit it to myself na masarap ka pala talagang magluto matapos kong tikman ang niluto mong sinigang na hipon." Napapangisi si Phoebe dahil sa compliment sa kanya ni Neil. "Wala kang tiwala sa akin 'no?" proud na proud pa niyang tanong rito. "Wala akong tiwala sa iyo," masungit na sagot naman sa kanya ni Neil. Bigla bumusangot ang mukha ni Phoebe nang dahil sa sinabi nito sa kanya. "But thank you for saving my life," dagdag pa nito habang nakatungo ang ulo. Abala ito sa paggalaw ng pagkain sa plato. "Ha?" "Bingi ka ba o sadyang nagbibingi-bingihan ka lang?" nabubuwiset na sabi ni Neil. "Eh, hindi ko naman talaga narinig kasi ang hina ng boses mo," pagrereklamo naman ni Phoebe. He just rolled his eyes because of irritation. Pinigilan naman niya ang sarili na huwag mainis sa babaeng kaharap. "I just want to say thank you for saving my life!" Nilakasan pa niya ang kanyang boses para marinig nito. “Oh! Ayan! Okay na!?” Hindi mawari ni Phoebe kung ano ang mararamdaman niya nang magpasalamat si Neil sa kanya. Nagpapasalamat ito dahil iniligtas daw niya ito sa pagkakabangga ng sasakyan. She doesn't even know that would happen. Pero mabuti na lang at hindi siya gaanong napuruhan. There's something she felt right now. Masaya ang puso niya nang mga oras na iyon kaya hindi niya napigilan ang sarili na mapangiti sa harap ng binata. Naa-appreciate niya ang pagpapasalamat nito. Napakagat na lamang siya ng labi at hindi na muling nagsalita. Nagpatuloy siya sa kanyang pagkain habang nananatiling nakangiti. Sinadya niya talagang tumungo ng ulo para hindi makita ni Neil ang sarili niyang nakangisi. Baka isipin pa nitong baliw siya. "And because you saved my life, ginawa ko itong lahat... para sa iyo. I owe you a gratitude nang dahil sa mala-heroic na ginawa mo." "Walang anuman... Neil," mahinang sambit niya at saka niya binalingan ito ng tingin habang hindi pa rin nawawala ang saya niya sa kanyang labi. Patango-tango naman ng ulo si Neil habang nakatingin din siya sa dalaga. Naisip niya na tama ang ginawa niya ngayon upang pasalamatan niya si Phoebe. At makikita naman sa mukha nito ang satisfaction dahil sa ginawa niya. Maya-maya pa ay muli silang nagpatuloy sa kanilang pagkain. Nasa kalagitnaan na sila nang biglang magsalita muli si Neil. "Could you do me a favor?" he said. "Oo naman. Ano iyon?" "Samahan mo ako bukas. We will go to Cavite." *** NANG gabing iyon, mabilis na tumungo si Phoebe sa silid ni Salud dahil pinapatawag siya nito. Walang siyang ideya kung ano ang pakay sa kanya ng matandang ginang. Siguro ay may iuutos lang ito. Kumatok muna siya sa nakasaradong pinto. Wala pa sa isang segundo na bumukas iyon at tumambad sa kanya si Salud. Maaliwalas ang mukha nito nang salubungin siya. Nakasuot na rin ito ng bestidang puti at nakalugay rin ang itim nitong buhok na nababalutan na ng mga puting hibla. Paika-ikang pumasok siya sa silid nito. "Kamusta na ang paa mo, hija?" tanong ni Salud sa kanya. Pinaupo siya nito sa malambot nitong kama. "Okay lang naman po. Medyo nakalalakad na po ako pero hindi ko pa rin po kayang bumalanse." "That's okay. Next week ay ipapatanggal na natin ang sementong nakabalot diyan sa paa mo. Ipapa-physical therapy na rin kita para makalakad ka na ng maayos." Medyo nakaramdam na naman siya ng hiya sa harapan ng matanda. "Naku! Tita Salud, nahihiya na po talaga ako sa ginagawa niyo po sa akin. Ang dami niyo na pong nagastos nang dahil lang sa binti kong 'to. Hindi na nga po ako makapagtrabaho ng maayos pero ang bait-bait niyo pa rin po sa akin." Binigyan lang siya ng ngiti ni Salud. "As I said, huwag kang mahiya. Hindi naman ako galit sa iyo. Nag-aalala lang ako sa iyo dahil diyan sa paa mo. Kaya huwag ka ng mag-alala sa gagastusin ko para lang makalakad ka uli. Tinuturing na kitang anak simula pa noong unang nagtrabaho ka sa akin bilang kasambahay ko. Gustong-gusto ko rin kasi na magkaroon ng babaeng anak. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko. Patay na ang asawa ko." Napatingin si Phoebe sa malaking portrait na nakadikit sa gitna ng dingding. Wedding picture iyon ng mag-asawang Salud at Hector. Sa hitsura ng mga ito sa litrato ay mahuhulaan kaagad ni Phoebe na sobrang tagal ng kinunan iyon. Payat pa si Salud sa litrato kasama ang matangkad na asawa nito na kamukha ni Neil. "Iyan po ang asawa niyo?" tanong ni Phoebe kay Salud. "Yes, hija. Si Hector—asawa ko." "Mukhang ang bata niyo pa po nang magpakasal kayo, Tita Salud." "Hindi naman. Nasa tamang edad na rin kami ni Hector nang mga panahon na iyan. He's twenty nine and I'm twenty five. Nang ikasal kami ni Hector ay isang buwan ko ng pinagbubuntis si Neil. Matapos ang kasal namin, sumakay na siya sa barko para magtrabaho at naiwan naman ako sa ina niya." "Sumakay sa barko?" "Isang seaman si Hector, hija. Napakabait ng asawa kong iyan. Sobrang sipag sa trabaho at sobrang mapagmahal na asawa. 'Yon nga lang, dahil sa sobrang kasipagan, hindi na nasundan pa si Neil dahil na rin sa trabaho niya. Isang beses lang kasi siyang nakabababa ng barko dahil minsan na rin siyang naging kapitan. Gusto niya sana akong isama pero tumutol ako dahil walang mag-aalaga kay Neil. "Namatay siya dahil sa sakit sa baga at tumor sa utak noong labing-pitong taong gulang si Neil. Sobrang sakit mawalan ng asawa lalo na kapag naiisip kong lalaki ang anak kong walang ama." "Sorry po, Tita Salud. Sana hindi na lang po ako nagtanong—" "No, no. Huwag kang mag-sorry. Naka-move on na rin naman ako, eh. Kaya okay na akong pag-usapan natin ang asawa ko. Besides, isang buwan ka ng nagtatrabaho sa akin. Mabuti na rin na malaman mo ang tungkol sa kanya." Tumayo si Salud sa kanyang pagkakaupo at hinubad ang suot-suot niyang kuwintas. Gold necklace iyon na may pendant na maliit na heart shape. Napansin naman ni Phoebe ang kuwintas na iyon. Nang mabalingan siya ni Salud, ngumiti ito bago nagsalita. "Itong kuwintas na ito ang nagsisilbing bagay na naiwan galing sa asawa ko. Lagi kong suot ito para naman kahit wala na siya, iniisip ko na lang na nasa tabi ko pa rin siya kahit saan man ako magpunta. Binigay niya sa akin ito noong unang bumaba siya sa barko. Nabili raw niya ito sa ibang bansa at sobrang mahal nito kaya ko iniingatan ngayon. Alam niya kasi na mahilig ako sa mga jewelries. Kaya nga ako nagtayo ng sarili kong business. At suportadong-suportado naman ako ni Hector," paglalahad pa ni Salud kay Phoebe habang pinagmamasdan nito ang kuwintas na hawak. Matapos niyang magsalita, inilagay naman ito ng matanda sa isang maliit na box na kulay pula, at saka ito ipinasok sa malaking jewelry box. Kinikilig na lang si Phoebe sa ikinukuwento ni Salud sa kanya. Napagtanto niya na sobrang maalaga pala ni Salud sa mga gamit lalo na sa mahahalagang bagay na bigay ng mga taong nagmamahal dito. Ang sweet lang kasing isipin na kahit wala na ang asawa nito, nakikita pa rin ni Phoebe na may pagmamahal pa ang ginang sa namayapa na nitong asawa. "Ang sweet naman po ng asawa niyo, Tita Salud." "Hindi lang sweet—sobrang sweet. Sa sobrang sweet, eh, kulang na lang langgamin kaming dalawa," pagbibiro pa nito na may halong tawa sa huli. Muli itong umupo sa tabi niya at hinawakan nito ang isang kamay niya. "Ikaw, hija. Naghahangad ka ba ng may lalaking magmamahal sa iyo habang buhay?" "Naku! Wala pa po sa isipan ko ang pagbo-boyfriend. May mga pangarap pa po kasi ako sa buhay at gusto ko pong matupad iyon balang araw." "Well, maganda ang mindset na iyan. Ano ba ang gusto mong marating sa buhay, Phoebe?" Napatingin si Phoebe sa mata ng ginang. Kitang-kita sa mga mata nito kung gaano ito kaseryoso sa kanya. "Gusto ko lang naman pong makabalik sa pag-aaral, at makapagtapos kahit high school lang." "Ganun ba?" Tumango siya. "Saktong-sakto. Pupunta nga pala kayo ni Neil sa Cavite bukas." "Yes po. Pinapasama niya po kasi ako, eh. Ano pong meron sa Cavite?" tanong ni Phoebe. "Magpapa-enroll lang ang anak ko para sa darating na semestre. Maybe you can also enroll yourself para makapag-aral ka ulit." Napalunok si Phoebe sa sinabi ni Salud. "Po?" "Yes, hija. Papaaralin kita. Hindi ba nasabi sa iyo ni Neil? Naku! 'Yong anak kong iyon, siya na nga 'tong nag-suggest na paaralin kita tapos hindi pa masabi-sabi sa iyo." Muling binalot ang kanyang mukha ng pagkagulat. "Po!?" Hindi siya makapaniwala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD