Chapter 7

2368 Words
IMINULAT ni Phoebe ang kanyang mga mata. Naaninag niya ang puting kisame. Sobrang liwanag ng ilaw nito na mistulang nagpapapungay ng kanyang mga mata. Unti-unti siyang bumangon. Ngunit hindi niya magawa dahil nakararamdam pa siya ng kirot sa kanyang katawan kapag babangon siya. Bukod dito ay nararamdaman rin niyang masakit ang kanyang kaliwang paa kapag ginagalaw niya ito. Hinayaan na lamang niya ang sarili na mahiga muli at saka niya ipinikit ang kanyang mga mata. "Mabuti naman at gising ka na.” Kaagad siyang napalingon sa kanan niyang bahagi at doon niya nakita si Kenneth na nakangising nakatingin sa kanya habang nakaupo ito sa isang monobloc chair. "N-Nasaan ako? Anong nang—" Hindi niya itinuloy ang pagsasalita dahil bigla na lang niyang naalala ang lahat: kung paano niya tinulak si Neil upang hindi ito mabunggo ng pararating na sasakyan at kung paano siya nawalan ng malay matapos siyang mabunggo. Imbes na mag-alala siya sa kanyang sarili ay parang mas gusto pa niyang malaman kung ano na ang nangyari kay Neil matapos niya itong iligtas. "Kenneth, nasaan si Sir Neil?" tanong niya sa lalaking nagbabantay sa kanya. "Nasa bahay. Siguro nasa kuwarto niya, nagkukulong," kibit-balikat na sagot ni Kenneth. "Bakit?" "Hindi ko alam. Kayo ang magkasama noong araw na nabangga ka. Isang araw ka ng walang malay rito sa hospital. Mabuti na lang at nagising ka na. Sobrang nag-aalala sa iyo si Tita Salud kahapon pa matapos kang isugod ni Pareng Neil dito." Muli siyang napatingin kay Kenneth. Kitang-kita sa mukha niya ang gulat. Hindi siya makapaniwala sa sinambit ng binata sa kanya. "Si Neil ang nagdala sa akin dito?" Tumango ito. "Oo naman. Kayo ang magkasama kahapon, 'di ba?" pagpapaalala ulit ng binata. Tumayo ito sa pagkakaupo at lumapit sa kanya. "Ano ba ang nangyari sa inyo kahapon at bakit ka nabangga?" "Hinabol ko kasi si Neil matapos niyang—" Muli siyang napatigil sa pagsasalita. Hindi siya sigurado kung sasabihin niya kay Kenneth na nagkita si Neil at ang ex-girlfriend nito sa mall. "Matapos niyang... ano?" Sa huli, wala siyang nagawa kundi sabihin dito ang totoong nangyari. Hindi naman yata masama na sabihin niya ang totoo, ‘di ba? Besides, hindi naman big deal para sa kanya ito. "M-Matapos niyang makipag-usap sa ex-girlfriend niya roon sa mall kung saan kami nag-grocery kahapon,” pagpapatuloy ni Phoebe. May halong gulat na bumalot sa mukha ni Kenneth nang sabihin iyon ni Phoebe. "Nagkita sila?" Tumango siya. "Hindi ko alam kung iyon ba ang ex-girlfriend ni Sir Neil. Pamilyar lang ako sa mukha ng ex niya matapos kong makita 'yong picture ng babae roon sa kuwarto noong isang araw," pagsasaad pa ni Phoebe. "Bakit parang gulat na gulat ka yata diyan? Hindi ba naikuwento sa iyo ni Sir Neil na nagkita sila ng ex-girlfriend niya sa mall kahapon?" may halong kalituhan na tanong niya kay Kenneth. Umiling si Kenneth habang nakakunot-noo itong nakatingin sa kanya. "Hindi, eh. Nang mabalitaan kasi namin ni Tita Salud na sinugod ka sa hospital ni Pareng Neil kahapon ay kaagad kaming pumunta rito para tingnan ka. Ni isang salita ay wala siyang naibanggit sa amin kung ano ang buong nangyari sa inyo sa mall. Basta't sinabi na lang niya na iniligtas mo raw siya sa pagkakabangga ng sasakyan. Pagkatapos niyon, umuwi siya sa bahay at hindi na muling lumabas sa kanyang kuwarto. Hindi ko naman alam na nagkita at nagkausap sila ni Sofia noong araw na iyon." "Sofia?" napataas ang dalawang kilay ni Phoebe sa pangalang ibinanggit ni Kenneth. “Sofia pala ang pangalan ng ex-girlfriend ni Sir Neil?” Muling tumango si Kenneth bilang sagot. Ilang saglit pa ay biglang may pumasok sa loob ng kuwarto at sabay na napatingin ang dalawa sa matandang ginang na si Salud. Mabilis itong lumapit kay Phoebe at hinawakan siya nito sa kanyang kamay upang bigyan ng lakas ng loob. Nasisiyahan pa ito dahil sa wakas ay gising na ang dalaga. Sobra talaga siyang nag-aalala kahapon. "Okay ka na ba, hija?" nag-aalalang tanong ng matanda kay Phoebe. Tumango siya at walang salitang binitawan. "Mabuti naman. Sobra akong nag-alala sa iyo nang mabalitaan namin na nabangga ka raw. Nagpapasalamat din ako kasi iniligtas mo ang buhay ng anak ko." "W-Wala po iyon," tipid niyang sagot at saka siya ngumiti rito. "Nagugutom ka ba?" "H-Hindi naman po." "Siguro ipagbibili na lang din kita ng makakain mo para makakain ka, okay." Humarap si Salud sa katabi niyang si Kenneth at inutusan niya itong bumili ng makakain sa canteen ng hospital. Nang tuluyan ng makalabas ng silid si Kenneth, sinubukang tanungin ni Phoebe si Salud kung kamusta na ang anak nitong si Neil. "Ayun, hija, nagmumukmok sa kuwarto. Hinayaan ko muna dahil mukhang malaki ang problemang iniisip. Kakausapin ko siya mamaya na puntahan ka niya rito para bisitahin." "Huwag na po, Tita Salud. Nauunawaan ko rin po si Sir Neil." "Alam ko ang nangyari sa inyo ni Neil sa mall kahapon. Alam kong nagkita sila ni Sofia." Napalunok si Phoebe. "Hindi ko naman po inaasahan na magkikita sila roon, tita, eh. Hindi ko rin po alam ang pinag-usapan nilang dalawa dahil malayo po ako sa kanila noong araw na iyon." "Kung gusto mong malaman kung ano ang pinag-usapan nilang dalawa, marahil ang aking anak na lang ang magsasabi sa iyo ng bagay na iyan. Nasa sa kanya na rin kung sasabihin niya ito sa iyo. Masyadong napakakumplikado pa ang lahat, Phoebe.” Mahabang pause ang ginawad ni Salud bago siya nagpatuloy sa pagsasalita. "At sana matulungan mo si Neil sa mga magiging desisyon niya kapag nagkataon. Ayoko kasing masaktan siyang muli. Ayokong siyang mabulag muli sa pag-ibig ng dahil lang sa babaeng iyon." "Po?" Biglang sumalubong ang dalawang kilay niya sa sinabi ng matandang ginang. Hindi niya mawari kung ano ang ibig sabihin nito. May kinalaman ba ito sa ex-girlfriend ni Neil? Hindi niya alam. Wala siyang ideya. Imbes na sagutin siya nito ay binigyan lang siya ni Salud ng ngiti sa labi. Kutob niya ay may kakaibang nangyari sa anak nito matapos makipag-usap nito sa ex-girlfriend nitong si Sofia kahapon. Nai-intriga siya kung ano iyon, kung ano ang pinag-usapan ng dalawa. Kung ano ang naging dahilan kung bakit mabilis itong nag-walk out. Nakita pa nga niyang lumuluha si Neil nang tawagin niya ito. Lumaki siyang hindi chismosa sa totoo lang. Pero ngayon parang nagiging chismosa siya dahil sa pinagsasabi ni Salud sa kanya. Sobrang napakamisteryo ng lahat para kay Phoebe. "Please help him, hija. Can you do that for me?" Naramdaman pa niya kung paano pisil-pisilin ni Salud ang kanyang kamay habang nagmamakaawa itong nakatingin sa kanya. Matagal bago siya nakasagot sa favor ng matanda. Kung tutulungan niyang magdesisyon ang anak nito ay hindi rin siya nakasisigurado sa kanyang sarili kung ano ang maipapayo niya kay Neil. Dahil darating talaga sa punto na ang binata ang magdedesisyon sa huli, at hindi siya. Subalit tumango na lamang siya bilang response sa gusto ni Salud. "Yes po, Tita." Matapos nilang mag-usap ni Salud, parang nakaramdam siya ng kaba sa kanyang dibdib. Feeling niya ay hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit siya pumayag sa favor ni Salud sa kanya. May kung anong kakaiba sa kanyang guts na hindi niya maipaliwanag. May bumubulong sa kanya na dapat tinanggihan niya ang gusto ni Salud at meron din namang bumubulong sa kanya na tama ang naging desisyon niya na tulungan si Neil sa mga desisyon nito balang araw. Wala rin naman siyang choice kundi pumayag na lang dahil amo niya si Salud. At kung ano man ang susunod na mangyayari sa anak nitong si Neil nang dahil lang sa Sofia na iyon, siguro makakaya pa niyang ibahin ang magiging desisyon ng binata para hindi na ulit ito masaktan nang dahil lang sa ngalan ng pag-ibig. *** MAKALIPAS ang tatlong araw, na-discharged na si Phoebe sa pagkaka-confined sa hospital. Masaya naman siyang nakauwi sa bahay ni Salud at sinabihan pa siya nito na huwag munang magtrabaho dahil hindi pa raw siya makakalakad ng maayos. Nakabalot pa kasi sa cast ang kaliwang paa niya dahil may fracture siyang natamo sa pagkakabangga ng sasakyan. Mabuti naman at hindi gaanong malaki ang damage ng fracture. Sinimento lang ito at babalik na raw sa normal kapag lumipas na ng isa't kalahating buwan. Nakakahiya man para sa kanyang amo na hindi siya makakapagtrabaho ay wala na ring nagawa si Phoebe kundi sundin ang gusto ni Salud. Sobrang bait ng ginang sa kanya at lagi siya nitong kinukumusta sa tuwing umuuwi ito galing sa shop. Ngunit kahit na anong pilit na sabihin ni Salud sa kanya na magpagaling muna ay parang wala yata sa bokabularyo ng dalaga ang salitang iyon. Kailangan niyang kumilos, kailangan niyang magtrabaho. Naiisip kasi ni Phoebe na sa tuwing nakatambay lang siya sa kanyang kuwarto ay parang wala siyang kuwentang tao. Tama na rin siguro ang ilang oras na pagpapagaling sa kanyang paa dahil nakalalakad naman siya ng maayos gamit ang kanyang isang saklay. Nitong mga araw ay parang hindi siya masaya sa kanyang ginagawang trabaho. Sobrang tahimik kasi ng bahay sa tuwing umaalis na si Salud kasama ang driver nitong si Kenneth papunta sa shop. Hindi na rin kasi niya madalas na nakikita si Neil dahil paminsan-minsan na lang din itong lumalabas ng kuwarto. Sinusubukan naman ni Phoebe na pukawin ito sa silid ngunit wala siyang nakukuhang response galing sa binata. Phoebe also admitted to herself that she already missed his presence. Lahat ng katangian na meron si Neil ay parang natatakam siyang makita ulit ito. 'Yong pagkamaldito nito, 'yong pagkamasungit nito sa kanya lagi, at 'yong pang-aapi nito sa kanya sa tuwing nakararamdam na ang binata ng inis sa kanya. Lahat ng ginagawa ni Neil sa kanya ay parang namimiss niya. Nababaliw na yata siya sa kanyang sarili. Para kasing kulang ang lahat kapag hindi ko siya nakikita sa bahay, nasasabi na lamang ni Phoebe sa kanyang sarili. Ano ba kasi talaga ang pinag-usapan ng dalawang 'yon? tanong pa niya na ang tinutukoy ni Phoebe ay ang ex-girlfriend nitong si Sofia. Nababaliw na nga talaga siya. Kinakausap na niya ang sarili sa harapan ng salamin. "Makababa na nga!" nabo-bored niyang tugon at saka siya dahan-dahan na humakbang papunta sa pinto ng kanyang kuwarto, gamit-gamit ang kanyang saklay. Ngunit pagbukas niya lamang ng pinto ay sakto ring nagbukas ang katapat na pinto ng kanyang kuwarto. Iniluwa nito si Neil na hindi maipinta ang mukha dahil sa lungkot. Napatigil siya sa kanyang paghakbang at gulat na gulat siyang napatingin dito. Sobrang tagal na rin niyang hindi nakikita ito magmula ng mabunggo siya ng sasakyan. Ni hindi nga siya nito dinalaw sa hospital. "Sir Neil?" tawag pa niya. Hindi nawawala sa kanyang mukha ang pagkagulat. Ang akala ni Phoebe ay pagsasarhan siya ng pinto ni Neil. Ngunit nanibaguhan siya dahil dahan-dahan itong lumabas ng kuwarto at sinandal ang sariling katawan sa door margin sabay nag-crossed-arm. Palipat-lipat ang tingin nito sa kanyang saklay at sa kanyang paa na hindi pa rin natatanggal ang nakakabit na cast. "How are you?" Neil asked. Sobrang seryoso ng mukha nito. She rapidly shook her head like she wasn’t comfortable with the way he asked a question to her. Napansin kaagad ni Phoebe na parang hindi ito galit sa kanya. Naninibaguhan tuloy siya sa ikinikilos nito. Though, it seems very odd looking at his humorless face na sa unang tingin pa lang ni Phoebe ay alam niyang galit ito ngunit hindi naman pala. "O-Okay lang po ako, Sir Neil." Neil hissed. "Stop calling me 'Sir Neil'," he said afterwards. "Why do you always call me like that?" "Kasi amo po kita," sagot niya. "Baka ma-offend po kita kapag hindi kita ginalang." Napailing na lang si Neil. "Forget about what happened between us, okay. Ayoko ng pag-usapan iyon. Huwag mo na rin akong tawaging 'Sir Neil'. Sobrang formal lang kasing pakinggan. I don't like it." Napalunok na lamang si Phoebe sa sagot sa kanya ng binata. Mukhang may nangangamoy pagbabago rito, ah, she thought. "Ah Sir—ayy Neil nga pala—nagugutom na po ba kayo? Sakto po dahil ihahanda ko na po 'yong tanghalian niyo." Hahakbang na sana si Phoebe upang makapanhik na sa hagdanan pero mabilis naman siyang pinigilan ni Neil. "No need. Hindi ka pa masyadong okay sa lagay mong iyan. Just listen to what my mother said to you. You should take a rest." Napapanganga na si Phoebe sa mga pinagsasabi ni Neil. Hindi niya kasi nakasanayan na ganito ang pagtrato ng binata sa kanya. May lagnat ba 'tong mokong na 'to!? O sadyang may napulutang aral sa pagkukulong sa kuwarto nitong mga nakaraang araw? "Pero... Neil, ayoko pong nasa kuwarto ako palagi. Gusto ko rin pong magtrabaho kahit na hindi pa ako masyadong nakalalakad. Kaya ko naman po talaga ang sarili ko, eh. 'Yon nga lang hindi pa ako mabilis kumilos ngayon kaysa noon dahil nga rito sa paa ko." "No. Stay at your room," utos sa kanya ni Neil. Naglakad ito upang makababa na sa hagdanan pero natigilan siya sa paghakbang nang magsalita muli si Phoebe sa kanyang likuran. "Hindi po. Kaya ko po talaga ang sarili ko. Tingnan mo, nakalalakad na ako oh." Inalis pa niya ang hawak-hawak na saklay upang ipakita sa binata na kaya na nga niya talagang makapaglakad ng maayos. "Tingnan mo. Nakatatayo na nga ako ng maayos oh." Bumabalanse pa siya dahil hindi niya maitayu-tayo ang kanyang sarili dahil nga nakasemento pa ang kanyang kaliwang paa. Dahil dito, biglang na-out of balance si Phoebe. Mabuti na lang at mabilis pa sa takbo ng kabayo na nilapitan ni Neil ang dalaga para lang sambutin ito sa pagkaka-out of balance. Hindi naman siya nabigo dahil naramdaman na lamang niya na nakahawak na sa kanyang bisig ang dalawang kamay ng dalaga. Napatingin pa ito sa kanya at mistulang nagulat nang mapansin na sobrang lapit ng mukha nito sa kanya. Paulit-ulit tuloy na napapalunok si Phoebe habang nanatili sila ni Neil sa ganoong puwesto. All her life, Phoebe wanted to have closure on him. Gusto niyang maging maayos ang relasyon niya sa kanyang amo na si Neil. Gusto niyang maging kaibigan ito. Hinihintay niya ang araw kung kailan niya malalapitan ng husto ang guwapong binata. At mukhang ito na nga yata ang araw na hinihintay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD