Chapter 4

2784 Words
TAHIMIK na nakaupo lamang si Phoebe sa upuan habang kaharap niya si Salud at ang anak nito na si Neil. Nagkaroon ng misunderstanding si Phoebe kagabi. At ngayong umaga, parang gusto na niya yata na lamunin na siya ng lupa dahil sa kahihiyang nararamdaman niya ngayon. Patuloy pa ring tumatawa ng mahina si Salud. Hindi kasi ito maka-get over sa nangyari kagabi. Habang si Kenneth naman ay tahimik lang na kumakain sa tabi ni Phoebe. Hindi niya maiwasan na mapayuko ng ulo sa tuwing napapatingin siya sa kanyang kaharap na si Neil. Habang ang binata naman ay nananatiling nakasalubong ang kilay habang nakatingin kay Phoebe. "Tita Salud, pasensya na po talaga sa nangyari kagabi. Hindi ko po kasi talaga alam na," Binigyan muna ng pansin ni Phoebe ang binata bago niya dinugtungan ang kanyang pagsasalita, "na anak niyo po pala 'yong nahampas ko kagabi. Akala ko po kasi magnanakaw." Muli na namang tumawa si Salud nang dahil sa sinabi niya. Kapag naaalala niya kasi ang nangyari kagabi sa dalawa, parang mababaliw na siya sa kakatawa. Bigla na lang siyang nagising nang gabing iyon dahil sa sigaw ni Phoebe. Pagpasok niya sa kusina, doon niya naabutan ang dalawa na nagtititigan sa isa't isa. "That's okay, hija. Alam kong hindi mo iyon sinasadya," malawak ang ngiti na sabi nito sa dalaga. Hindi na lang muli nagsalita si Phoebe at sinimulan na niyang pakialaman ang kanyang pagkain. "I didn't know na may bagong maid ka na pala, 'ma?" mahinahong tanong ni Neil sa ina. Nasa tono pa rin nito ang inis dahil kay Phoebe. Hindi nawawala ang tingin nito sa dalaga. "Don't call her maid. Kasambahay natin siya." Napairap si Neil sa sinagot ng ina. "It's just the same," aniya. But his mother didn’t pay his attention. Iniba naman ni Salud ang usapan. "Three weeks ng nandito sa poder ko si Phoebe. Nakita namin siya ni Kenneth isang gabi na nakahandusay sa kalsada. Puno siya ng sugat. Nakakaawa naman kung pababayaan namin siyang nakahandusay roon. Kaya kinupkop ko na lang siya para maging kasambahay natin." "So mukhang magtatayo pa yata kayo ng orphanage para sa mga taong walang malay sa kalsada." Nasa tono ng binata ang hindi pagsang-ayon sa ginawa ng ina niya. "Hindi naman sa ganun. Gusto ko lang siyang tulungan. Actually, she's from Leyte. Gusto ko siyang tulungan na makabalik sa probinsya nila pero mas magandang ideya yata kung aalukin ko siya bilang kasambahay ko, knowing na kailangan din niya ng trabaho kaya siya napadpad dito sa Maynila." "Don't tell me that she will be going to be here while I'm on vacation?" naiiritang tanong ni Neil sa ina. "No way! Sa ginawa niya sa akin kagabi, paano tayong makakasigurado na hindi baliw ang babaeng 'to!?" dagdag pa niya at parang idiniin pa niya ang salitang 'baliw' nang tumingin siya kay Phoebe. Nakararamdam naman ng lungkot si Phoebe sa mga pinagsasabi ng binata sa kanya. Sa kabilang banda ng kanyang puso ay parang kumikirot ito, mukhang nasasaktan siya sa sinasabi nito. Sige na. Tatanggapin na lang niya sa sarili na hindi siya gusto nito bilang kasambahay nila. Sa ginawa ba naman niyang katangahan dito kagabi, ini-expect na ni Phoebe na magagalit talaga ito sa kanya. "Neil, don't say that. Sobrang bait ni Phoebe. Hindi siya baliw na iniisip mo. Kaya tumigil ka na," saway ni Salud sa anak. "And please, eat your food." Wala na ring nagawa si Neil kundi simulan ang paggalaw ng kanyang pagkain. Nasa dibdib pa rin nto ang inis para sa dalaga. Gustong humingi ng pasensya ni Phoebe kay Neil dahil sa ginawa niya rito kagabi. Pero inuunahan naman siya ng kaba at takot. Sa inaastang ugali kasi ni Neil sa harapan ng ina nito ngayon, napagtuunan niya na hindi ito maaamo sa isang salita lang. Kailangan niyang gumawa ng paraan para makahingi siya ng tawad sa binata. Kahit ano pa ang mangyari. *** MAG-ISANG tinatahak ni Neil ang playground ng subdivision. Ilang oras na siyang nandito ngunit wala yata siyang balak na bumalik sa bahay ng kanyang ina. Sa tuwing naroon kasi siya ay mas umuusbong pa ang galit niya sa babaeng kasambahay kapag nakikita niya ito. Kaya mas minabuti na lang niya na pumunta sa playground na noo'y nagsisilbing takbuhan niya sa tuwing nakakaramdam siya ng sama ng loob o disappointment sa sarili. Napaupo siya sa isang bakanteng duyan. Binuksan ang kanyang cell phone at tumambad doon ang wallpaper na ilang taon na rin niyang hindi napapalitan. Litrato ito ni Sofia na kasama siya. Halos magta-talong taon na matapos silang maghiwalay, at halos magta-tatlong taon na rin siyang nagpapakatanga sa babaeng una niyang minahal. Nang malaman ni Neil na buntis ito sa ibang lalaki, para siyang nilamon ng galit. Hindi niya akalain na magagawa ng nobya na lokohin siya ng ganun na lamang. Ginawa naman niya ang lahat para maging masaya ang relasyon nilang dalawa. Ngunit parang hindi yata sapat ang pagmamahal na inilaan niya para rito. Nakipaghiwalay siya sa nobya at hindi na kailanman umibig pang muli. Sobrang sakit palang masaktan, lalo na kapag first time umibig ang isang tao. Parang unti-unting pinupunit ang puso niya sa sakit at hapdi, at iyon ang pinakaayaw ni Neil na maulit muli sa buhay niya. Kaya nga niya pinili na huwag ng magmahal para hindi na ulit siya masaktan. Natuto na siya kumbaga. Pero kahit binago man ng panahon ang kanyang pagkatao magmula nang masaktan siya, heto’t parang tanga naman siya na patuloy pa ring iniibig ang babaeng unang nagpatibok ng puso niya. Inaamin ni Neil na may nararamdaman pa rin siyang pagmamahal para kay Sofia, kahit para siyang tanga na umaasa sa wala; na magkakaroon pa rin sila ng pagkakataon upang magkabalikan muli kahit na niloko siya nito. Oo, tanga nga siya! Sobrang mahal na mahal niya si Sofia, at hindi niya kayang diktahan ang puso na huwag ng mahalin ito, na kalimutan na ito. Dahil noon pa man ay sobrang nahulog na talaga ang puso niya sa babae. Nagawa nga niyang talikuran ang kanyang pag-aaral para lang dito. Ganun siya kabaliw sa dalaga noon. Ganun siya kabaliw para lang makasama ang babaeng minamahal. Hindi niya alam kung kailan mawawala ang pagmamahal niya rito; kung kailan matatapos ang pagpapakatanga niya. Siguro hahayaan na lang niya ito kahit wala na talaga siyang kasiguraduhan. Hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na isang araw ay mawawala na lang na parang bula itong nararamdaman niya para kay Sofia. ‘Yon ang gusto niyang mangyari. Iyon ang gusto niyang makamit ngunit hindi niya alam kung paano sisimulan. *** HINDI kumportable si Phoebe habang naglilinis siya ng bahay. Hindi siya makapag-focus sa tuwing nakikita niya si Neil. Tatlong araw na silang hindi nagkikibuan nito. At sa tuwing nagkakatinginan ang kanilang mga mata, iniirapan lang siya ng binata. Ramdam na ramdam talaga ni Phoebe na ayaw ng lalaki sa kanya. Kinamumuhian siya nito. Ilang beses na rin siyang sinungitan ni Neil kapag minsang nakakaharap niya ito. Minsan pa nga ay hindi na siya gaanong nakikisali sa hapag-kainan ng mga ito kahit pa pilitin siya ni Salud na sumabay na sa kanilang pagkain. Sinusubukan niya kasing iwasan si Neil dahil parang mamamatay siya sa masamang titig nito. Sinubukan na rin niyang lapitan ang binata upang humingi ng tawad pero bigo siyang mangyari iyon. Natatakot siya na baka singhalan siya nito. Ayaw na ayaw pa naman niya 'yong pinapagalitan siya. Ni isang sermon sa amo niya na si Salud ay hindi pa siya nakakatikim. Huwag naman sanang mangyari ito sa anak nitong si Neil. Kasalukuyang naglalaba si Phoebe sa laundry area ng bahay. Habang nagkukuskos siya ng mga damit, nakikita naman niya ang binata na mag-isang nakaupo sa isang upuan na gawa sa bakal hindi kalayuan sa kanyang puwesto. Nasa likod bahay ito na mayroong swimming pool. Busy ito kakapindot sa cell phone. Natigilan si Phoebe sa kanyang pagkukuskos at saka pinanuod ang binata. Napapabuntong-hininga siya. At saka sumilay sa kanyang labi ang ngiti. 'Di niya akalain na may ganito palang anak ang matandang ginang na kumupkop sa kanya. Guwapo, maputi, matangos ang ilong. Hindi naman ganun kakisigan ang katawan dahil may pagkapayat ang katawan nito. Pero masasabi ni Phoebe na nakakaakit din 'yong body build ng binata. Napadaan tuloy sa kanyang isipan na si Neil ang tipo ng lalaki na gustong maging boyfriend ng lahat ng mga babae. Minsan na rin siyang nangarap na magkaroon ng boyfriend na katulad ni Neil, huwag lang isama ang kasungitan nito. Biglang napailing si Phoebe. Ano ba 'yan!? Ano ba 'tong iniisip ko!? nasabi na lamang niya sa kanyang sarili. Nangangarap na naman ba siya? Muli niyang binalikan ang pagkukuskos ng mga puting damit. Mga ilang saglit pa ay muli na naman niyang ibinaling ang tingin sa puwesto ng binata. Pagtingin niya ay nakatayo na ito. Nilagay pa ng binata ang dala-dala nitong cell phone sa isang lamesa at saka ito naghubad ng pang-itaas na damit. Halos maluwa ang dalawang mata ni Phoebe sa kanyang nakita. Halos mapasinghap siya nang makita ang hubog ng katawan nito. Naku! Ang payat tingnan ng mokong na ‘to tapos may tinatago palang pandesal, aniya na ang tinutukoy niya ay ang maalon-alon na abs ni Neil. Nakita ni Phoebe na sumisid ang lalaki sa swimming pool. Napapairap siya sa kanyang sarili. Bakit dumating sa punto na parang pinagpapantasyahan niya yata ang mokong na iyon? Makabalik na nga sa paglalaba! Malapit na siyang matapos sa pagkuskos nang biglang narinig niya na tinatawag siya ni Neil. Napataas ang dalawang kilay ni Phoebe dahil ito ang unang beses na tinawag siya ng binata. Iniwan na muna niya ang kanyang labahan at dali-daling pinuntahan ito. "Bakit po, sir?" tanong ni Phoebe nang makalapit siya. Hindi siya gaanong makatingin rito ng maayos dahil napupunta ang mata niya sa basang katawan nito, lalo na roon sa pandesal na mukhang pinagnanasaan niya yata ngayon. Mahabaging embre! Gabayan niyo po sana ang mga mata ko na huwag mapatingin sa matitigas nitong pandesal. "Ipagtimpla mo nga ako ng juice. Nauuhaw ako, eh," utos nito. "Sige po, sir." "Samahan mo na lang din ng meryenda. Kahit ano basta meryenda," dagdag pa nito. Kaagad naman siyang tumungo sa kusina upang ipagtimpla ito ng isang basong juice. Napapangiti tuloy siya habang tinutunaw niya ang juice powder dahil iniisip niya na mukhang hindi na yata galit si Neil sa kanya. Mabuti na rin iyon para hindi na siya mahirapan na lumapit rito upang makahingi ng sorry sa nagawa niya noong nakaraang gabi. Gumawa na lang siya ng sandwhich para sa meryenda nito at mabilis na bumalik sa likod ng bahay upang ibigay niya ang inihanda niyang pagkain. "Sir Neil, juice niyo po at saka meryenda," nakangiting sabi niya kay Neil. Tumigil sa page-stretching ang binata at kinuha ang baso na may lamang juice para inumin ito. "Wala na po kayong ipagu-utos sa akin, Sir Neil?" tanong pa niya. Walang tinging umiling ang binata sa kanya. Hindi na rin nagtanong si Phoebe rito at dahan-dahan na siyang bumalik sa laundry area para ipagpatuloy ulit ang naputol na paglalaba. Nabitin yata ako dun, sabi ng kanyang isipan. *** SA sumunod na araw, busy na naman si Phoebe sa paglilinis ng bahay. As usual, lagi siyang naiiwan sa bahay kasama si Neil dahil busy naman sa jewelry shop ang ina nito na si Salud, kasa-kasama ang driver nito na si Kenneth. Pero naninibaguhan si Phoebe ngayon araw na ito dahil ilang oras ng hindi lumalabas si Neil sa kuwarto. Nakasanayan kasi niya na maaga itong nagigising dahil nagjo-jogging ito tuwing madaling araw. Pero iba ngayon. Kahit anino ng binata ay hindi man lang niya nakita na lumabas ng kuwarto. Siguro ay tulog pa ito dahil napuyat kagabi kasama ang mga kaibigan. Kagabi ay may bisita itong mga lalaki. Mga dating kaibigan ni Neil. Niyayaya ng mga ito ang binata na lumabas upang mag-hang out. Hindi naman tumanggi si Neil dahil bakasyon din naman at wala naman itong ginagawa sa bahay. Nariyan pang walang tigil ang ulan kagabi. Naabutan pa ni Phoebe na umuwi si Neil na gabing-gabi na at basang-basa ito ng ulan. Pero hindi naman ito lasing. Siguro nga ay napuyat ang binata kagabi kaya hindi ito maagang nagising ngayon. Hahayaan na lang siguro ni Phoebe na matulog ito at gigisingin na lamang niya kapag nakaluto na siya ng pagkain. Nagluto na lamang siya ng sinigang na hipon at adobong baboy. Matapos niyang magluto ay naisipan niyang puntahan si Neil sa kuwarto. Kumatok siya sa pinto nang makarating siya roon. "Sir Neil?" tawag niya. Walang sumasagot sa loob. Muli siyang kumatok. "Sir Neil, kakain na po. Nakahanda na po ang tanghalian." Ngunit bigo na naman siya. Wala talagang sumasagot. Sinubukan niyang pihitin ang door knob. Natigilan siya nang mapag-alamang hindi ito naka-lock. Bumalot sa kanyang isipan ang pagtataka. Siguro naman ay hindi masamang pumasok siya sa loob upang matingnan lang niya si Neil. Baka sakaling natutulog pa ito at hindi na lang niya gigisingin kung sakali. Dahan-dahang binuksan ni Phoebe ang pinto. Pagbukas niya ay tumambad sa kanya ang madilim na kuwarto ng binata. Natatakpan ng makakapal na kurtina ang bintana kaya medyo madilim ang kabuuan ng silid. Tahimik siyang pumasok doon at napansing wala ang binata sa kama. Napakunot ng noo si Phoebe. Nasaan na kaya 'yong sungit na 'yon? aniya sa sarili. Nagtitingin ulit siya sa kabuuan ng kuwarto. First time niyang pumasok dito dahil sabi ni Salud sa kanya ay hindi raw ipinapahintulot ng anak na may makapasok sa kuwarto nito. Ano naman ang tinatago ng lalaking 'yon sa kuwarto niya? Bakit ayaw niyang may pumapasok dito? Wala namang problema sa kuwarto ni Neil. Sa katunayan nga ay sobrang linis nito at hindi gaanong karami ang mga gamit na naroon. Naaamoy rin ni Phoebe ang pabangong gamit ng binata. Sobrang tapang ng amoy pero hindi niya iyon binigyan ng pansin. Ang mas napagtuunan niya ng pansin ay ang maliit na picture frame na nakapatong sa side table ng kama. Nakabukas rin ang maliit na lampshade nito at iyon ang nagsisilbing liwanag sa kabuuan ng kuwarto. Lumapit siya upang tingnan pang maigi ang picture frame. Kinuha niya ito at pinagmasdan. Litrato ito ng isang babae. Kayakap ito ni Neil at sobrang saya ng dalawa sa picture. At kung babasehan kung kailan kinunan ang picture na iyon, masasabi ni Phoebe na sobrang tagal na dahil ibang-iba ang hitsura ni Neil sa litrato kaysa ngayon. Doon lang niya napagtanto na guwapo na talaga ang binata noon pa man. Parang siyang baliw na nakangiti roon habang pinagmamasdan ang dating hitsura ni Neil. Pero mabilis na ibinaling niya ang tingin sa kasama nitong babae. Sino 'to? Girlfriend niya? tanong pa niya sa kanyang sarili. Parang may naramdaman siyang kirot sa kanyang puso ng maisip niya na baka marahil ay girlfriend ito ni Neil. Maganda naman ang babae. Mahaba ang buhok, matangkad, sexy, maputi. Masasabi ni Phoebe na ganitong tipo ng babae ang gusto ni Neil na maging girlfriend. Hindi katulad niya. Ano ba 'tong iniisip ko? Ba't ko kinukumpara ang sarili ko sa girlfriend ni Neil? Ibabalik na sana niya ang picture frame nang biglang may sumigaw sa kanyang likuran. Paglingon niya ay nakita niya ang nang-iinit na mukha ni Neil dahil sa galit. "Hey! What are you doing here!?" sigaw nito sa kanya. Hindi pa siya nakakapagsalita nang bigla siyang lapitan nito at hinawakan siya sa palapulsuhan. "Who told you to go here!?" sigaw pa nito kay Phoebe. Parang ikinataas iyon ng balahibo ng dalaga. “W-Wala po, sir. Pinuntahan lang po kita dito dahil kakain—" "Enough for the excuses! I knew it! Tama nga ang hinala ko na baliw ka! Magnanakaw ka!" Naramdaman na lamang ni Phoebe na matigas siyang kinaladkad ni Neil papalabas ng kuwarto. Nangungunyapit naman siya sa sakit dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa kanyang palapulsuhan. Nang makalapit sila sa pinto, muli siyang kinaladkad ng binata upang palabasin siya sa loob. Tinulak pa siya nito at muntikan na siyang matumba. Mabuti na lang at hindi siya na-out of balance. "Sir, sorry—" "Don't you ever go inside to my room! Know your limits! Katulong ka lang namin dito at wala kang karapatan na pumasok sa kuwarto ko!" galit na galit na singhal pa nito sa kanya sabay na malakas na isinara nito ang pinto ng kuwarto. Doon na tuluyang napaluha si Phoebe. Sa pagkakaladkad ba naman ni Neil sa kanya papalabas ng kuwarto na para bang madadapa na siya sa ginawa nito, at sa sakit na nararamdaman niya sa kanyang palapulsuhan dahil sa higpit ng pagkakahawak ng binata sa kanya, sino bang tao ang hindi mapapaluha? Malayang tumulo ang masaganang luha sa kanyang pisngi. Hindi niya alam na ganun pala magalit si Neil. Parang halimaw. Natatakot na tuloy siyang lumapit dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD