Chapter 5

2583 Words
"NEIL, anak, we need to talk," sambit ni Salud sa kanyang anak nang makita niya itong nag-iisang nakaupo sa likuran ng kanilang bahay. "For what?" wala sa mood na sagot niya sa ina. Napatigil siya sa kakapindot ng kanyang cell phone at napalingon siya sa kanyang likuran. "About Phoebe." Muling uminit ang ulo ni Neil sa tinuran ng kanyang ina. "At ano naman ang meron sa kanya, 'ma?" aniya. "Just a waste of time." "Pinalaki kita ng maayos, Neil. But, please, huwag ka naman masyadong matigas pagdating kay Phoebe. Lagi kong sinasabi sa iyo na mabait ang babaeng 'yon. You don't have to scold her nang dahil lang sa nakita mo siya sa loob ng kuwarto mo." Napailing si Neil at tumayo sa kanyang pagkakaupo. Nababadtrip tuloy siya ngayon. May oras pa siyang magsumbong, ah. He hissed afterwards. Magwo-walk out na sana siya nang pigilan siya ni Salud sa paghakbang. "Huwag mo kong talikuran, anak. Ina mo pa rin ako." Humarap si Neil sa kanyang ina. "Alam ko naman po iyon. Pinalaki mo rin po ako ng maayos. But please, 'ma, stop forcing me to like that girl. I never wanted too. I don't like her. Bakit ba kasi ninyo kinuha iyan bilang kasambahay natin?" Hindi nakasagot si Salud sa tanong ng kanyang anak. Nagdadalawang-isip siya kung sasabihin niya rito ang katotohanan kung bakit nga niya talaga kinuhang kasambahay si Phoebe. Kung sasabihin man niya, baka ito pa ang maging dahilan upang lumaki ang gulo. Tama nga si Kenneth sa kanya, hindi kaagad magugustuhan ng anak si Phoebe. Bumuntong-hininga na lang si Salud sa sinabi ng anak at hinawakan niya ang magkabilang braso nito. Hahayaan na lamang niya siguro na ang panahon na lang ang magiging tulay upang madiskubre ng anak ang pakay niya kung bakit niya kinuha si Phoebe bilang kasambahay niya. Hindi talaga iyon magandang ideya pero hindi nawawalan ng pananalig si Salud na magiging maayos ang relasyon ng dalawa. "Nitong mga nakaraang araw, alam kong hindi ka okay. Puwede mo bang sabihin sa akin kung ano ang ikinagugulo ng isipan mo?" pag-iiba ng usapan ni Salud sa anak. Gusto niyang pakalmahin muna ito. Napaatras ang dila ni Neil. Nagsunod-sunod ang kanyang paglunok at hindi siya makatingin ng maayos sa ina. Hindi rin niya nagawang magsalita sa harapan nito. "Si Sofia pa rin ba ang dahilan kung bakit gulong-gulo ang isipan mo ngayon?" tugon ng kanyang ina. Hindi ulit nagsalita si Neil. Napapakagat siya ng labi upang pigilan ang luhang unti-unti ng namumuo sa gilid ng kanyang mga mata. Baka isang salita pa lang niya ay maluha na siya. Giniya ni Salud ang anak papunta sa upuan at doon malayang pinaupo niya ang binata para kausapin ito. "Hanggang ngayon pa rin ba ay may nararamdaman ka pa ring pagmamahal diyan kay Sofia?" muling tanong ng kanyang ina. "I-I don't know, 'ma. Sobrang napakakumplikado ng nararamdaman ko ngayon. Inaamin kong galit ako kay Sofia nang dahil sa ginawa niyang pangloloko sa akin. Ngunit hindi ko naman maiwasan na mahalin pa rin siya hanggang ngayon," may sakit sa dibdib na pag-amin ni Neil sa ina. "Tatlong taon na ang nakakalipas matapos kayong maghiwalay ni Sofia, pero hanggang ngayon ay siya pa rin ang tinitibok ng puso mo?” may halong gulat sa boses ni Salud. “Hindi ba puwedeng mag-move on ka na lang sa mga nangyari sa inyo, anak?" "I already tried, ‘ma. But I can't. Sobra talaga akong na-attached kay Sofia dahil siya ang unang babaeng minahal ko sa buong buhay ko. Sobrang corny ko pero ‘yon ang totoo. I can't let myself move on. Kahit niloko niya ako, pakiramdam ko ay parang napakalaking kawalan siya sa buhay ko. Sumusobra na yata ako sa nararamdaman ko, ‘ma. Ang tanga-tanga ko. Ang tanga-tanga ng puso ko. Gusto ko ng pakawalan ang sarili ko sa ganitong sitwasyon pero hindi ko po alam kung paano." Muling ipinatong ni Salud ang kanyang mga kamay sa magkabilang balikat ni Neil para mabigyan niya ito ng comfort. "Ito ba ang dahilan kung bakit nag-iba ka matapos kayong maghiwalay ni Sofia?" tanong ulit ni Salud. "Kasi naniniwala ako na kapag sobrang nasaktan ang isang tao sa pag-ibig, kaya rin nitong baguhin ang pagkatao ng taong nagmahal ng husto. And I think you applied it to yourself, lalo na nang aminin mo sa akin na mahal mo talaga siya. Hindi pa yata handa ang puso mo na pakawalan siya." Nahilamos ni Neil ang kanyang mukha gamit ang kanyang dalawang kamay. "Hindi naman ako nagbago, 'ma. I felt that I just want to be alone muna. Lahat ng interest na gustong-gusto ko ay parang bulang biglang naglaho. Hindi ko alam kung bakit," aniya. Binalingan niya ng tingin ang ina na nasa kanyang likuran. "But I'm still your son, 'ma. Hindi ako magbabago para sa iyo," sabi niya rito habang pinipilit niyang ngumiti. Binigyan din naman siya ni Salud ng isang malapad na ngiti sa labi. "Pero ayoko pa rin 'yong ginawa mong pagtrato kay Phoebe." Unti-unting nawala ang ngiti ni Neil at napalitan ito ng pait. "Ayan ka na naman, 'ma. Why you always change the topic to that girl? Bakit sobrang gaan ng loob mo sa kanya? Ano ba ang meron sa Phoebe na iyan?" "I told you already. Napakabait ni Phoebe. You don't have to be mad at her. Sinabi niya sa akin ang lahat na nangyari sa inyong dalawa. Sinigawan mo daw siya dahil nakita mo siyang nasa kuwarto mo." Parang may inis ang paghinga ni Neil sa sinasabi ng kanyang ina. Napairap na lamang siya rito. "I just did that kasi hindi siya makaintindi. Hindi ba niya alam na walang sino man ang makakapasok sa kuwarto ko. At may oras pa talaga siyang magsumbong sa inyo. How stupid!" "Your reason is not acceptable for me. Hindi rin siya nagsumbong sa akin dahil nakita kong namamaga ang mata niya kanina. I knew she was crying kaya kinausap ko siya kung ano ang nangyari. She tried to not confess what happened between the two of you. Pero napaamin ko siya," pagsasaad ni Salud. Nasapo niya ang kanyang noo bago siya umupo sa katabing upuan ng kanyang anak. "Napaka-immature mong mag-isip, anak. You don't have to shout at her nang dahil lang sa nakita mo siya sa loob ng kuwarto mo. Grow up. 'Wag kang palaging mainitin ang ulo." Hindi na lang nagsalita si Neil sa panenermon ng kanyang ina. At that moment, parang may naramdaman siyang guilt sa kanyang puso nang dahil sa ginawa niya kay Phoebe isang araw. He knew that was wrong...and rude. Ano pa nga ba ang ini-expect natin sa mga taong galit? Kaya minsan hindi dapat nagsasalita ang taong galit dahil kung ano-ano na lang ang lumalabas sa bibig nito. "Gusto ko lang sabihin sa iyo na sana bigyan mo ang sarili mo ng pagkakataon para makilala mo si Phoebe. Hindi puwede na lagi ka na lang ganyan sa kanya. Hindi ka puwedeng maging matigas sa kanya. Tao rin siya, nasasaktan. Katulad mo rin siya, nasasaktan. Alam mo naman siguro ang pakiramdam kapag nasasaktan ang isang tao, 'di ba." Guilt stroked him again. Tama nga naman ang kanyang ina. Nasaktan rin siya noon at ganun rin si Phoebe nang dahil nga sa ginawa niya. Pero ano nga ba ang magagawa niya para mawala na itong guilt na nararamdaman niya ngayon? "At ano naman ang kailangan kong gawin para mapagaan ang loob niya sa akin?" he asked. "Napakadali lang niyan," sabi ni Salud. "Apologize to her." "What!?" napasinghap si Neil sa tinugon ng kanyang ina. Tumango naman si Salud sa sinabi niya. Hindi niya kayang gawin iyon. Mahirap iyon para sa kanya. Lalo na't mataas rin ang kanyang pride. *** SABI nga ng kanyang ina, humingi daw siya ng tawad kay Phoebe matapos niya itong sigawan noong nakaraang araw. Pero paano naman niya gagawin iyon kung ang bibig naman niya ay parang nauunang umatras? Nababaliw na siya. Kanina pa humahanap ng timing si Neil na kausapin ang dalaga kinabukasan. Nang mahagilap niya itong naglilinis mag-isa sa sala, muli na naman siyang inatake ng guilt sa dibdib dahil nakita niya ang pamamaga ng mata nito. Talaga bang umiyak 'tong babaeng 'to nang dahil lang sa ginawa ko? Napakahina naman niya. Lalapitan na sana niya ito nang biglang may tumunog galing sa kusina. Napatigil sa kakawalis nang sahig si Phoebe at napatingin sa kanya. Biglang nagtama ang kanilang mga mata sa isa't isa. Mabilis na iniwas ni Neil ang kanyang tingin sa dalaga at saka siya nagsalita. "'Y-Yong microwave oven. Tumunog na." Hindi nagsalita si Phoebe. Hindi rin nakita ni Neil ang reaksyon nito dahil napapaiwas siya ng tingin. Alam niyang iniiwasan siya ng dalaga dahil kapansin-pansin naman sa ikinikilos nito. Mabilis na umalis si Phoebe sa puwesto nito at dali-daling pumunta sa kusina upang kuhain ang spaghetti na pinainit nito sa microwave oven. Hinayaan na lamang niya ang dalaga at muli siyang umakyat sa hagdan upang makapanhik sa kanyang kuwarto. Kinabukasan ay muli na namang naiwan sina Phoebe at Neil sa bahay. Nakita ulit ni Neil ang dalaga na busy sa paglilinis ng swimming pool. Pinagmamasdan lang niya si Phoebe habang nasa loob naman siya ng bahay. Ni isang pikit-mata ay hindi niya nagawa. Naroon pa rin sa dibdib niya ang guilt na kahapon pa niya nararamdaman. Walang siyang ideya kung ano ang unang magiging hakbang niya upang kausapin si Phoebe. Mas pinapairal kasi niya ang pride kaysa magpakumbaba siya rito. Sa pagkakataong ito, lakas-loob niyang nilapitan si Phoebe. Dala-dala pa niya ang kanyang transparent na tumbler na may kalahating tubig. "Phoebe," tawag pa niya sa dalaga nang makalapit siya. "Y-Yes, Sir Neil?" nagtatakang sagot ni Phoebe. Napahinto si Neil sa paglalakad nang makalapit siya sa dalaga. "Do you have to call me like that?" aniya. Kunot-noong tinigil ni Phoebe ang kanyang paglilinis ng swimming pool at nagtatakang tumingin sa among binata. "Po?" "Never mind," Neil said. Hindi niya mawari kung bakit iyon ang unang lumabas sa kanyang bibig. "Here," dagdag pa niya. Inilahad niya ang kanyang kamay na may hawak-hawak na tumbler kay Phoebe. "Ano po iyan?" tanong ni Phoebe sa kanya. "Tubig." "Bakit niyo po ako binibigyan ng tubig?" Nagkibit-balikat si Neil. "I don't know. Maybe you're thirsty. Kanina ka pa nagtatrabaho diyan, eh." Binalot ng pagtataka ang mukha ng dalaga dahil sa sinasabi ng binata sa kanya. "Hindi po ako nauuhaw, Sir Neil," sagot ni Phoebe sabay iling sa kausap. Muli siyang nagpatuloy sa trabaho at hindi na pinansin pa ang binata. Nakaramdam ng inis si Neil sa inakto ni Phoebe sa kanya. Parang natamaan yata ang ego niya kaya siya nabubuwisit dito. Ikaw na nga 'tong binibigyan ng tubig, ikaw pa 'tong nag-iinarte. Bahala ka! Magwo-walk out na sana siya ng bigla siyang natigilan sa paglalakad. Hindi puwede na pairalin niya ang kanyang pride. Kailangan niya na kontrolin ito dahil kung hindi ay mananatiling hindi maayos ang relasyon niya kay Phoebe bilang kasambahay ng kanyang ina. Muli niyang binalingan si Phoebe. Humakbang pa siya upang makalapit dito. Phoebe doesn't even know why this guy is in front of her. Matapos siyang sigawan nito noong nakaraang araw, may gana pa itong magbigay ng tubig sa kanya. Nagawa na nga niyang hindi pansinin ang binata upang hindi na siya sigawan nito. Tapos heto ngayon ang mokong sa kanyang harapan at kinakausap siya. Ano ba ang problema ng lalaking 'to? May sira ba 'to sa ulo? "Look," paunang salita ni Neil sa kanya. "I-I just want to say... s-sorry... f-for what happened on the other day. Medyo masakit lang ang ulo ko that time at hindi ko napigilan ang sarili ko na magalit sa iyo. I'm mad. I'm sorry," mahinang pagpapaumanhin ni Neil. Para itong six years old na bata sa harapan ng dalaga. Nakayuko pa siya dahil ayaw niyang makita ang mata ni Phoebe habang kaharap niya ito. Nahihiya yata ang mokong sa ginagawa niya. Naghari sa kanilang paligid ang katahimikan. Matapos magsalita ni Neil ay hindi niya kaagad narinig na magsalita si Phoebe sa kanya. Bagkus ay naramdaman na lang niya na idinaplis nito ang kamay sa kanyang noo, pisngi, hanggang sa kanyang leeg. "Sir Neil, may lagnat ka po ba?" tanong ni Phoebe. Sumalubong ang dalawang kilay ni Neil sa tanong ng kausap. "Huh?" "Ba't parang ang bait niyo po ngayon?" Phoebe asked. Baka naman eh sinapian 'to ng mabait na anghel kaya hindi masungit ngayon, nasabi pa niya sa kanyang isipan. Malakas na hinawi ni Neil ang kamay ni Phoebe na malayang nakadikit sa kanyang leeg. "Ano bang pinagsasabi mo?" may kaunting inis na tugon niya sa dalaga. "Oh ayan! Nagsusungit ka na naman po," pailing-iling na sagot ni Phoebe. Bumuntong-hininga pa siya bago nagsalita. "Hindi ko po talaga alam kung bakit palagi po kayong may mood swing. Talo niyo pa po ang babaeng may regla." Tiningnan ni Neil ng masama si Phoebe but she insisted to give him a peace sign para hindi ito tuluyang magalit sa kanya. Baka sigawan na naman siya nito ng wala sa oras. "Oh ano? Mapapatawad mo ba ako sa ginawa ko sa iyo?" tanong ni Neil sa kanya. Muntikan ng matawa si Phoebe sa sinambit ni Neil pero pinigilan niya ang kanyang sarili. Kung makapagsalita naman ito ay parang ang laki ng kasalanan na nagawa ng binata sa kanya. But to be honest, buong araw rin siyang nag-iiyak nang dahil sa pagsigaw ni Neil sa kanya noon. Pero nawala rin iyon dahil inisip niya na maliit na bagay lang iyon para kay Phoebe. Nothing to be worried about. Kasalanan din niya kasi. Alam naman niyang bawal pumasok doon sa kuwarto ni Neil, naisipan pa niyang gawin ang hindi dapat gawin. "Matanong ko lang po, Sir Neil," Phoebe said. "Bakit ka nga po pala humihingi ng sorry sa akin?" Nagkibit-balikat ito. "My mother said that I need to ask for an apology from you." Nagsisimula ng tumaas ang tono ng boses ni Neil. "Sabi pala ni Tita Salud? So napilitan ka lang pala? Hindi ka pala sincere sa paghihingi ng sorry mo sa akin," pag-aasar na wika ni Phoebe. Kitang-kita na kasi niya kung gaanong namumula ang mukha ni Neil dahil sa sobrang inis nito. Nasisiyahan siyang makita itong inaasar. "I just—" Pinigilan ni Neil ang kanyang sarili na huwag magalit sa dalaga kaya hindi na niya pinagpatuloy ang kanyang pagsasalita. Naikuyom tuloy niya ang kanyang kamao dahil nakararamdam na siya ng hiya sa harapan ni Phoebe. Feeling niya pinaglalaruan lang siya nito. "Ikaw na bahala kung hindi mo ako papatawarin. Basta ginawa ko na ang nararapat kong gawin." Tumalikod si Neil upang makapanhik na ulit sa loob ng bahay. Pero napahinto siya nang magsalita ulit si Phoebe sa kanya. "Ang seryoso niyo naman po! Oo na. Sige na. Pinapatawad na po kita. Bakit po ba kasi ang sungit-sungit mo, eh mukhang hindi naman kayo ganyan kasungit doon sa picture na nakita ko sa kuwarto niyo po?" Muling humarap si Neil nang dahil sa sinabi ni Phoebe sa kanya. "That is beyond on your concern. Puwede ba! Magtrabaho ka na lang. Pagkatapos mo diyan, magluto ka na ng tanghalian dahil nagugutom na ako," mala-boss na utos pa ni Neil saka ito nagpatuloy umalis papunta sa loob ng bahay. Phoebe mocked after he walked out. Hindi ba talaga puwede na maging mabait ka muna, mokong ka?! Kailangan ba talaga na mag-sungit ka araw-araw!? Napailing na lang si Phoebe at mabilis na ipinagpatuloy ang paglilinis niya ng swimming pool upang makapaghanda na siya ng pagkain para sa amo niyang may regla.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD