HINDI nga nagbibiro si Sir Luke sa sinabi niyang iinom siya. Umorder siya ng dinner para sa akin at alak naman para sa kaniya. “Hindi ka po ba kakain?” tanong ko. “Hindi ako kumakain kapag iinom ako,” tipid na sagot niya. Tumango lang ako habang tahimik na kumakain. As usual ay tahimik lang si sir Luke na kaylalim ng iniisip. Nakakailang tuloy ang kumain sa presensya niya. “Naiinggit ako sa ex mo,” wala sa sariling bulong niya. Hindi ko tuloy alam kung ano ang isasagot. Alam ko naman kung bakit siya nakadarama ngayon ng inggit. Nakakalungkot lang na wala din akong magagawa sa sitwasyon niya. Nandito lang ako para damayan siya. “I followed your advice. But it didn’t work. She’s so immature,” inis na bulong niya na ang tinutukoy ay ang asawa. “Sir Luke, ‘di ba sabi ko naman sa ‘yo dapa

