TOTOO na malaki ang ipinagbago ng buhay ko ngayon. Nakagraduate na si Ate Eden, may maayos akong trabaho, at higit sa lahat, may kinikilala nang ama si MattheoI admit that Max's presence in my son's life provides me with a sense of security. Hindi lang dahil sa sustento na ibinigay niya, kundi maging sa pagmamahal na ipinapakita niya sa aming anak. Hindi ako bulag para hindi makita kung gaano niyang pinapahalagahan si Mattheo. “Baka naman nai-inlove ka na ulit sa ex mo ha? Kaya pinagbigyan mo siyang makilala ang anak mo!” sita sa akin ni Jade. Hindi ko alam kung bakit nandito siya sa apartment ko matapos niyang hindi magparamdam ng ilang linggo. Basta na lang siya dumating dito na may dalang pagkain at alak. Noong isang araw pa nakabalik sila Nanay at Mattheo sa probinsya kung kaya kami l

