MATAGAL nang nakaalis si Melody sa harapan ko ngunit nanatili lang ako sa aking puwesto. Pakiramdam ko ay naubos ang lakas ko sa naging pag-uusap namin. Wala akong kakayahang kumilos. Gusto kong magalit kay Max. Ano ba ang gusto nilang mangyari? Makuha nila si Mattheo? Ipapakilala niya si Melody sa anak ko? Para ano? Sila ang kikilalaning magulang ng anak ko? Namalayan ko na lang na umiiyak na ako sa inis. Pero sa isang banda, alam kong may punto si Melody at iyon ang mas ikinaiinis ko. Natigil ako sa pag-iyak nang may tumawag sa akin buhat sa labas. Agad kong pinunas ang luha at tumayo para buksan ang pinto. Bumungad sa akin si Jade na naghihintay sa akin. “Hi!” nakangiting bati niya. “J-Jade? Pasok ka,” naiilang na aya ko sa kaniya. Baka mahalata pa niya na kagagaling ko lang sa pag-i

