KAHIT sa panaginip ay hindi ko inisip na makakaharap si Melody. Kaya naman labis ang pagkagulat ko ngayon na nandito siya sa apartment ko. Bigla ang malakas na pagkalabog ng aking dibdib. Siya ang babaeng pilit kong iniiwasang tingnan. Sa tuwing nakikita ko siya, nanunumbalik sa akin ang sakit ng paghihiwalay namin ni Max. Ipinapaalala niyang naka-move on na si Max habang ako ay patuloy pa ring naniniwalang walang magmamahal sa akin. Ano naman kaya ang pakay niya sa akin? Simula noong nakita ni Max si Mattheo, pulos na lang kaba at takot ang aking nararamdaman. Hindi na ako magtataka kung isang araw ay magkasakit na ako sa puso. “A-Angel, right?” pagtitiyak niya. Pinagmasdan ko ang babae sa aking harapan. And I can feel her hesitation, too. “Oo, b-bakit?” tanong ko kahit pa nga may idey

