Story By Lady ellie.
author-avatar

Lady ellie.

ABOUTquote
I have a passion for reading, as it allows me to acquire new ideas and perspectives. Additionally, I find joy in writing, as it serves as a medium for expressing my thoughts and emotions. I am also enthusiastic about design, where I can merge creativity and concentration to produce meaningful and visually captivating work. I hold the belief that consistency, patience, and dedication are essential to self-improvement.
bc
THE FINAL TRIGGER
Updated at May 1, 2026, 22:24
Si Kael Vance, isang top-tier elite security agent, ay kilala sa pagiging malamig, eksakto, at walang palya sa misyon. Kasama niya sa unit ang tinuturing niyang kapatid—ang kanyang blood brother na si Renzo Valez, at ang tanging babaeng kayang sumabay sa kanila—si Irish Navarro, isang matalino at matapang na operative.Tatlo silang hindi mapaghihiwalay.Hanggang sa masira ang lahat.Sa isang high-risk mission, nagdesisyon si Kael na mag-solo upang iligtas ang team mula sa tiyak na kapahamakan. Ang misyon ay nagdala sa kanya sa Mexico—kung saan niya natapos ang target, ngunit kapalit nito ay ang kanyang katawan na sugatan… at ang kanyang tiwala na tuluyang nabasag.Doon niya nalaman ang katotohanan:May nagtaksil sa kanya. Isa sa sarili niyang grupo.Habang tinutulungan siya ni Iris na makatakas, hindi maitatanggi ang damdaming matagal nang tinatago nilang dalawa. Ngunit bago pa man sila tuluyang makalayo, isang pagsabog sa sinasakyan nilang bus ang naghiwalay sa kanila.Sa gitna ng apoy at kaguluhan, narinig ni Kael ang isang hindi kilalang boses—nag-aalok ng tulong kapalit ng isang bagay na hindi niya pa nauunawaan.Ito ang unang hakbang niya papunta sa lihim na organisasyon:THE AXIS. DALAWANG TAON ANG LUMIPAS.Bumalik si Kael sa Pilipinas—hindi na bilang bayani, kundi bilang isang aninong naghahanap ng paghihiganti.Ngunit ang lahat ay mas komplikado na.Si Renzo, ang kanyang “kapatid,” ay hindi na ang lalaking kilala niya. Mas makapangyarihan, mas malamig… at tila may itinatago.Si Irish naman ay buhay—ngunit malayo na ang loob, at tila may sariling laban na kinakaharap.At doon nagsimulang mabuo ang masakit na katotohanan:Pareho silang may koneksyon sa pagtataksil.Habang unti-unting lumalalim ang tensyon, nahahati ang puso ni Irish sa dalawang lalaki—ang lalaking minahal niya noon (Kael), at ang lalaking nanatili sa tabi niya (Renzo).Ngunit si Kael, habang sinusundan ang landas ng paghihiganti, ay hindi niya alam na siya mismo ay unti-unti nang kinokontrol ng The Axis—ang organisasyong nagligtas sa kanya… at may sariling plano para sa kanya.Sa bawat hakbang niya papalapit sa katotohanan, mas lalo siyang nalulubog sa isang larong hindi niya kayang takasan.At sa huli, kakailanganin niyang pumili—Pag-ibig… kapatiran… o paghihiganti.
like
bc
Owned by the Mafia Archer
Updated at May 1, 2026, 20:28
This story contains SPG content, featuring mature themes, intense romantic elements, and emotionally charged situations. Reader discretion is advised. Strictly for audiences aged 18 and above. Hindi kailanman ginusto ni Raven Montenegro ang maging tagapagmana ng kapangyarihan ng kanyang ama. Ngunit wala siyang ibang pagpipilian. Sa mundong kanilang ginagalawan, hindi mahalaga kung babae siya o hindi—ang mahalaga ay ang dugo at pangalang kanyang dala. Kaya kahit labag sa kanyang kalooban, tinanggap niya ang responsibilidad na mamuno sa grupong kinatatakutan ng marami. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Jace Cordero—isang sundalo na walang takot, matapang, at higit sa lahat… ang taong hindi niya dapat mahalin. Dahil si Jace ay kabilang sa mga taong mahigpit na kalaban ng kanilang grupo. At mas lalong gumulo ang lahat nang isang gabing pareho silang nalasing sa isang bar… at naibigay ni Raven ang kanyang sarili sa lalaking hindi niya dapat pinagkatiwalaan. Mula noon, hindi na lamang digmaan ng kapangyarihan ang kanilang haharapin. Kundi digmaan ng puso.
like
bc
MARRIED TO THE DEVIL I CHOSE
Updated at May 1, 2026, 07:59
This story contains SPG content, including mature themes, intense romantic elements, and emotionally charged situations. It is intended for readers 18 years old and above only. Sinasabi nilang ang kasal ay banal—isang sumpa ng pag-ibig sa harap ng Diyos.Ngunit sa gabing iyon, wala akong hinarap Sa altar.Kundi ang lalaking tinatawag ng mundo na demonyo.Nakatayo ako sa harap niya, suot ang puting trahe de boda na para bang panangga sa kadilimang bumabalot sa kanya. Ang mga mata niya—walang awa, walang pagsisisi—ngunit sa bawat titig, ramdam ko ang isang pangakong hindi na mababawi.Hindi niya ako niligtas.Hindi rin niya ako pinilit.Pinili ko siya.Pinili kong mahalin ang lalaking winasak ng kasalanan, hinubog ng dugo, at kinatakutan ng marami. Pinili kong itali ang buhay ko sa isang lalaking ang mga kamay ay marunong pumatay, ngunit marunong ding umangkin.“Kapag pumasok ka sa mundong ‘to,” mahinang babala niya noon, “wala nang atrasan.”Ngumiti ako—hindi dahil wala akong takot, kundi dahil handa akong masunog.Sa isang iglap, naging asawa ako ng lalaking kayang wasakin ang mundo para sa akin…at kayang wasakin ako, kung gugustuhin niya.Ito ang kwento ng aking pag-ibig—hindi malinis, hindi ligtas, at hindi kailanman banal.Ito ang kwento kung paano ko pinakasalan ang demonyong ako mismo ang pumili..
like
bc
SHE HAS A HEART OF STEEL
Updated at Apr 29, 2026, 21:50
Teenagers pa lang sina Winter at Andrew nang unang magtagpo ang kanilang mga landas—isang tagpong puno ng inosenteng saya, at paghanga na hindi pa nila lubos na nauunawaan. Pero sa isang iglap, nagbago ang lahat. Isang gabing hindi inaasahan— sila ay nakidnap. Sa gitna ng kaguluhan at pagtakas, isang malagim na aksidente ang naganap na tuluyang sumira sa kanilang mga buhay. Si Andrew—nakaligtas, ngunit kapalit nito ang kanyang alaala. Isang matinding amnesia ang bumura sa lahat… pati na kay Winter. Samantalang si Winter—halos hindi na nakilala ang anyo. Lubhang napuruhan ang kanyang katawan, lalo na ang kanyang puso— hanggang sa wala nang natirang pag-asa. O ‘yun ang akala ng lahat. Dahil sa impluwensya at kapangyarihan ng kanyang lolo, dinala siya sa ibang bansa. Isang lihim na eksperimento ang isinagawa— Isang pusong hindi na ganap na tao… kundi kalahating bakal at kalahating buhay. At himala— muling bumukas ang kanyang mga mata. Muling huminga. Muling nabuhay. Ngunit ang tanong— kaya pa ba niyang makaramdam? O isa na lamang siyang nilalang na nabubuhay… pero walang kakayahang umibig? Sa takot ng kanyang lolo na tuluyang mawala ang natitirang pagkatao ni Winter, gumawa ito ng isang desisyong hindi niya matatakasan— Ipinagkasundo siyang ipakasal. Sa apo ng matalik nitong kaibigan na Walang iba… kundi si Andrew. Ang lalaking hinangaan niya noon. Ang lalaking nakalimot sa kanya ngayon. Kilalang-kilala ni Winter ang binata— bawat ngiti, bawat titig, bawat alaala. Pero sa mga mata ni Andrew… isa lang siyang estranghera. at para sa kanya ay isa lang itong dating kakilala dahil -Wala na syang maramdaman na paghanga para dito
like
bc
Minahal lang kita
Updated at Apr 25, 2026, 22:43
MATURED CONTENT!!! Ang SAINT PAUL Academy ang eskwelahan kung saan unang naramdaman ni Shine ang pagtibok ng kanyang puso. Sa unang kita pa lang niya kay Gavin, agad niya itong minahal. Pero dahil bata pa sila noon, inisip na lang ni Shine na baka paghanga lang ito at lilipas din sa paglipas ng panahon. Ngunit, makalipas ang apat na taon ng lihim na pagtingin, nabunyag din kay Gavin ang nararamdaman ni Shine. Pebrero na at malapit na ang JS prom. Masaya ang lahat ng 3rd at 4th year... maliban kay Shine. "oh Shine, malapit na ang JS! Sasali ka ba?” tanong ni Miel. “Hindi ko pa alam, Miel. Alam mo namang wala kaming pera, baka hindi din ako payagan ni lolo at lola,” malungkot na sagot ni Shine. “Ah, sayang naman. Last year na ni Gavin dito, gagraduate na siya. Hindi mo pa rin nasasabi. Kung ako sa’yo, dahil ayaw mo namang ipaalam sa kanya at parang may nililigawan na siya, kalimutan mo na lang siya,” sagot ni Miel, hindi mo alam kung nang-aasar o naaawa. “Naku, Miel, hayaan mo na. Huwag mong sasabihin sa kanya kahit anong mangyari. Ayoko namang magustuhan niya ako dahil alam niyang may gusto ako sa kanya. Kung sila na, congrats na lang,” ani Shine sa malungkot na tinig. Si Miel naman, nagkibit-balikat na lang sabay talikod. “Tignan mo nga ‘tong lintik na ‘to, ang bastos. Tinatalikuran na lang ako at iniiwan dito,” bulong ni Shine sa sarili. Kinahapunan, nagkita si Miel at Gavin sa labas ng campus. “O, pare, musta? Pauwi ka na ba? Pwede bang sumabay sa’yo?” masayang bati ni Miel sabay akbay kay Gavin. Tumango lang si Gavin bilang sagot. “Pre, may partner ka na ba sa JS? Huling taon mo na, gagraduate ka na, congrats!” tuwang-tuwang sabi ni Miel. “Oo nga eh, ilang buwan na lang, graduate na. Sa JS naman, kailangan daw sumali lahat ng 4th year kasi libre na at last year ko na kasi hindi ako sumali noon,” sagot ni Gavin, sabay kamot sa ulo. “Oo nga, sagot daw naming mga 3rd year ngayon ang prom. Pero teka, pre, di mo pa sinasagot ang tanong ko. Sino partner mo sa JS?” kulit ni Miel. “Ah, yun ba? Wala pa nga eh,” sagot ni Gavin. “O, akala ko ba nililigawan mo si Myles?” tanong ni Miel. “Di ko tinuloy, pre. Alam mo na, abala lang ‘yung ganun. Napagkatuwaan lang naming magkakaibigan kasi nga nalaman namin na may gusto siya sa’kin,” pilyong sagot ni Gavin. Nagulat si Miel, hindi makapaniwala. Kilala kasi niya si Gavin bilang seryoso, mabait at tahimik na tao, bukod pa sa pagiging pogi nito. Kaya nga nagustuhan ng kaibigan niyang si Shine si Gavin mula pa 1st year. Matalik na kaibigan ni Miel si Shine, higit pa kay Gavin, dahil kaklase niya si Shine mula elementarya pa. Huminto lang ng isang taon si Shine sa pag-aaral nung namatay sa aksidente ang mga magulang niya. Maganda at matalino si Shine, laging nangunguna sa klase nung elementarya pa lang sila. Pero nung tumuntong siya ng high school, napansin ni Miel ang malaking pagbabago—hindi na siya aktibo sa klase kahit alam niya ang sagot, parang wala siyang gana sa buhay. Ang hindi lang nagbago ay ang pagiging loyal niya at pagiging mabuting kaibigan. Samantala, naging magkaibigan naman si Miel at Gavin dahil naging magkaklase sila noong unang taon nila sa high school. Kung tutuusin, magkakabatch sana sila pero dahil huminto si Shine ng isang taon at si Miel naman ay huminto rin dahil sa pagbubulakbol, naging magkaklase ulit sila. Kaya naging malapit ulit si Miel at Shine. Nag-isip si Miel kung dapat bang sabihin kay Gavin ang lihim ni Shine. Gusto niyang mapasaya si Shine bago pa man umalis ang matagal na niyang gusto. Pero nag-aalangan siya dahil baka masaktan o paasahin lang ni Gavin ang kaibigan niya, lalo na’t nalaman niyang pilyo pala ito. “Bahala na nga,” bulong ni Miel sa isip niya. “Gavin, may sasabihin ako sa’yo pero atin-atin lang ‘to,” wika niya. “Ano ‘yun, Miel?” tanong ni Gavin, nakakunot-noo at nakatitig kay Miel. “Ahmm, kilala mo ba si Shine Valencia? Di ba wala ka pang partner? Wala rin namang magagalit kung sakali, pwede ba siya na lang?” pakiusap ni Miel. “Huh? Bakit siya? Oo, kilala ko siya pero naiilang ako kasi bukod sa tahimik, parang laging seryoso. Parang hindi ko nga nakikitang ngumiti ‘yun. Baka mapahiya lang ako kung aalukin ko siya,” sagot ni Gavin sabay iling. “Sayang, ganda pa naman sana, kaso parang masungit,” dagdag pa niya. “Hindi ‘yun, pre! Mabait siya, kilala ko ‘yun mula elementary. Alam mo bang gusto ka na niya mula 1st year pa lang? Hanggang ngayon, ikaw pa rin ang gusto niya. Gusto ko lang siyang mapasaya bago ka umalis, alam mo na,” pangungumbinsi ni Miel. Hindi makapaniwala si Gavin sa narinig. Kaya pala minsan, nahuhuli niyang nakatingin sa kanya si Shine. Matapos ang usapan, naghiwalay na sila ni Miel, dala-dala pa rin ni Gavin ang mga sinabi ng kaibigan at iniisip kung ano ang dapat gawin sa mga susunod na araw. Ano kaya ang magiging desisyon niya para sa mga darating na araw? Tutuparin ba niya ang pakiusap o hahayaan na lang?
like
bc
where our hearts meet
Updated at Apr 18, 2026, 12:40
Inaasahan ng lahat na sisikat si Ara sa mundo ng musika. Bata pa lamang siya, kapansin-pansin na ang kanyang natatanging galing sa pagtugtog ng piano—bawat himig na kanyang nililikha ay punong-puno ng damdamin at buhay. Para sa marami, malinaw ang kanyang kinabukasan: isang pangalan na aakyat sa rurok ng tagumpay. Ngunit isang trahedya ang biglang sumira sa landas na iyon. Nang pumanaw ang kanyang pinakamamahal na asawa, tila kasabay rin nitong nalibing ang apoy sa kanyang puso. Ang dating sigla at dedikasyon niya sa musika ay unti-unting naglaho, hanggang sa tuluyan na niyang binitiwan ang piano—ang tanging bagay na minsan ay naging mundo niya. Hindi niya inakalang darating pa ang panahong muli siyang magkakaroon ng dahilan para ngumiti. Hanggang sa makilala niya si Eugene Sarmiento. Sa una, isa lamang itong barumbado at masungit na lalaki sa kanyang paningin. Ngunit habang lumalalim ang kanilang pagkakaibigan, natuklasan niya ang kabutihan nito—ang tahimik na malasakit, ang pag-unawang hindi niya hinanap ngunit kusang ibinigay. Hindi namalayan ni Ara na unti-unti nang napupuno ng saya at inspirasyon ang kanyang puso. At sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang matagal na panahon, muli niyang hinangad na hawakan ang mga piyesa ng piano. Muli niyang naramdaman ang musika. Muli niyang naramdaman ang sarili niya. At marahil… muli rin siyang natutong magmahal. Handa na si Ara. Handa na siyang buksan ang kanyang puso, at tuparin ang pangakong muli siyang tutugtog—sa pagkakataong ito, hindi na para sa nakaraan, kundi para sa bagong pag-asa na dala ni Eugene. Ngunit sa gabing iyon, kung kailan nakatakda niyang muling buhayin ang kanyang musika— Hindi dumating si Eugene. At matapos ang gabing iyon, bigla na lamang siyang naglaho… na parang bula. Iniwan si Ara na may wasak na pangako, at isang tanong na patuloy na bumabagabag sa kanyang puso— Ano ang nangyari kay Eugene Sarmiento?
like