Falling in love with a BillionaireUpdated at Oct 24, 2025, 19:39
Isang sulyap. Isang banggaan. Isang babaeng hindi niya kayang kontrolin.
Francisco Del-Fuero III, isang bilyonaryong CEO, control freak, at certified heartless. Para sa kanya, love is a distraction, at ang mga babae ay pansamantalang aliw lang.
Walang espasyo ang damdamin sa mundong binuo niya mula sa disiplina, pera, at kapangyarihan.
Hanggang sa dumating si Larrisa Jane Ramirez isang babaeng simpleng manamit, prangka kung magsalita, at walang pakialam kung sinong may ari ng kumpanya o kung gaano ito kayaman.
Hindi siya nahulog sa alindog ni Francisco, hindi siya humanga sa power plays nito at yun mismo ang gumulo sa isip ng lalaking sanay laging may kontrol.
“Ms. Ramirez alam mo ba na sanay akong sinusunod?”
“Then maybe it’s time someone told you big NO, Mr. Del-Fuero.”
Isang sagot na parang hampas ng malamig na tubig sa mukha niya.
Hindi siya sanay tinatanggihan, lalo na sa sarili niyang teritoryo.
“Wala ka sa posisyon para suwayin ako, Ms. Ramirez.”
“At hindi mo rin ako pagmamay-ari para utusan.”
Nagtama ang kanilang mga mata matalim, matapang, mainit.
Sa saglit na iyon, alam ni Francisco na ang babaeng ito… ay hindi niya pwedeng hawakan lang kung kailan niya gusto.
Habang pilit niyang iniiwasan si Larrisa, lalo lang siyang nahuhulog.
Sa bawat argumento, sa bawat sarkastikong palitan nila ng tingin at salita, may init na unti-unting sumisingaw.
Isang damdaming hindi niya kontrolado, at higit sa lahat, hindi niya inaasahan.