Born from imagination. Driven by emotion. I write stories that uncover hidden hearts, heal silent wounds, and remind every reader that even the darkest pages can lead to hope.
Amara Castillo has always been different.
Gifted with extraordinary intelligence and a photographic memory, she can remember almost anything she sees or reads. Yet, instead of flaunting her abilities, she chooses to hide behind a plain appearance and live a quiet, unremarkable life.
Until one night at a business conference, she encounters a stranger stumbling through a hotel hallway.
He looks drunk and can barely stand.
Unable to leave him alone, Amara helps him back to his room, never expecting that one simple act of kindness will lead to a night she will never forget.
Nor does she know the stranger's true identity.
Adrian Montefalco.
A ruthless billionaire CEO.
The powerful man who owns the company she will soon work for.
The next morning, Amara leaves without knowing his name, convinced that their paths will never cross again.
But fate has other plans.
Three months later, Amara walks into her new workplace at Montefalco Holdings only to come face-to-face with the man from that unforgettable night.
Adrian recognizes her instantly.
Amara doesn't recognize him at all.
To her, he is nothing more than the cold, intimidating CEO who seems impossible to please.
But to Adrian, she is the woman who unexpectedly captured his attention.
As Amara's hidden intelligence begins to surface, Adrian discovers that there is far more to the seemingly ordinary woman than meets the eye.
And the more he learns about her, the harder it becomes to let her go.
What happens when the woman who thought their one unforgettable night was nothing more than a mistake becomes the one person the billionaire CEO refuses to lose?
Akala ni Camille Ignacio, wala nang mas sasakit pa malaman na niloloko siya ng lalaking pinakamamahal. Ngunit isang gabi, matapos niyang mahuli ang kanyang kasintahan na may katalik na ibang babae, tuluyang gumuho ang mundo niya
Dala ang matinding hinanakit, nagtungo siya sa bar upang lunurin ng alak ang sakit na kanyang nararamdaman. Doon niya nakilala ang isang estrangherong lalaki na naging sandalan niya sa pinakamadilim na gabi ng kanyang buhay
Sa gitna ng kalasingan at kahinaan, nauwi ang kanilang pagkikita sa isang gabing pareho nilang hindi inaasahan
Kinabukasan, nagising si Camille sa isang hotel room.
Nang makita niyang mahimbing pang natutulog ang lalaking nakasama niya ng nagdaang gabi, agad siyang nagbihis at umalis nang walang iniwang pangalan, mensahe, o anumang paraan upang mahanap siya nito
Akala niya iyon na ang huling beses nilang pagkikita.
Nagkamali siya dahil makalipas lamang ang isang linggo, muli silang nakita nang lalaki sa isang charity event
At doon niya nalaman ang isang bagay na hindi niya inaasahan.
Ang estrangherong nakasama niya ay si Damon Altamirano, pinsan ng kanyang dating kasintahan.
Ang lalaking akala niya ay isang estrangherong dumaan lamang sa pinakamasakit na gabi ng kanyang buhay ay bahagi pala ng pamilyang pilit niyang kinakalimutan.
Si John David Yao ay isang gwapo, mayaman, at makapangyarihang tagapagmana na lumaking naniniwalang kaya niyang makuha ang lahat gamit ang pera at impluwensiya. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Cassandra “Cassie” Rodriguez, isang simpleng hotel staff na ilang buwan niyang sinuyo ngunit paulit-ulit siyang tinanggihan.
Hindi tulad ng ibang babae, hindi interesado si Cassie sa kanyang pangalan, kayamanan, o kapangyarihan. Ngunit nang mangailangan ng malaking halaga para sa operasyon ng kanyang ina, napilitan siyang tanggapin ang alok ni David—sampung milyong piso kapalit ng isang linggo na pagsasama nito.
Para kay David, isa lamang itong kasunduan na kaya niyang kontrolin.
Ngunit habang lumilipas ang mga araw, unti-unting nagbabago ang lahat. Ang lalaking sanay makuha ang anumang gusto niya ay nagsimulang makaramdam ng isang bagay na hindi kayang bilhin ng pera at hindi kayang kontrolin ng kapangyarihan.
Paano kung ang babaeng una niyang itinuring na isang hamon ay siya palang magiging dahilan upang tuluyan siyang matutong magmahal?
Isang sulyap. Isang banggaan. Isang babaeng hindi niya kayang kontrolin.
Si Francisco Del-Fuero III ay isang makapangyarihang bilyonaryong CEO isang perfectionist, control freak, at lalaking kilalang walang puso pagdating sa pag-ibig. Para sa kanya, ang pagmamahal ay isang kahinaan, at ang mga babae ay pansamantalang bahagi lamang ng kanyang magulong mundo
Walang puwang ang emosyon sa buhay na binuo niya mula sa disiplina, kapangyarihan, at walang hanggang kayamanan.
Hanggang sa makilala niya si Larrisa Jane Ramirez.
Isang simpleng babae na prangka kung magsalita, matapang tumingin sa mata ng kahit sino, at walang pakialam kung gaano kayaman o kapangyarihan ang kaharap niya
Hindi siya nagpasilaw sa pangalan ni Francisco.
Hindi siya humanga sa impluwensya nito.
At higit sa lahat... hindi siya natakot.
"Ms. Ramirez, alam mo bang sanay akong sinusunod?"
"Then maybe it's time someone told you a big no, Mr. Del-Fuero."
Isang simpleng sagot na yumanig sa mundong matagal nang kontrolado ni Francisco.
Hindi siya sanay na tinatanggihan—lalo na sa sarili niyang kumpanya.
"Wala ka sa posisyon para suwayin ako, Ms. Ramirez."
"At hindi mo rin ako pagmamay-ari para utusan."
Nagtama ang kanilang mga mata—matalim, matapang, at puno ng tensiyong hindi nila maipaliwanag.
Sa sandaling iyon, napagtanto ni Francisco na ang babaeng nasa harapan niya ay hindi isa sa mga taong kaya niyang kontrolin
Habang pilit niyang inilalayo ang sarili kay Larrisa, lalo lamang siyang nahuhulog. Bawat argumento ay nagiging dahilan para mas makilala niya ito. Bawat bangayan ay unti-unting nagiging apoy na hindi niya kayang patayin.
Paano kung ang lalaking sanay na kontrolado ang lahat ay tuluyang mawalan ng kontrol... dahil sa isang babaeng hindi kailanman yumuko sa kanyang kapangyarihan?
At paano kung ang pag-ibig na matagal niyang itinuring na kahinaan... ang siya palang magiging pinakamalaking laban ng kanyang buhay?
Isang kontrata. Isang gabi. Isang sanggol na magpapabago sa lahat.
Si Edward Stewart ay tatlumpung taong gulang half British, half Filipino, at isa sa mga pinakabatang billionaire sa mundo. Bilang CEO ng Stewart Global Holdings, kinatatakutan siya sa negosyo dahil sa kanyang talino, disiplina, at walang kompromisong pamamalakad
Sa kabila ng kanyang kayamanan at tagumpay, iisa lamang ang hiling ng taong pinakamamahal niya ang kanyang Abuelo.
Bago ito sumapit sa ika-60 kaarawan, nais nitong makita si Edward na may sariling pamilya.
Isang asawa.
Isang anak.
At isang masayang tahanan.
Ngunit para kay Edward, ang pag-ibig ay hindi kailanman naging prayoridad.
Hindi siya naghahanap ng perpektong babae.
Hinahanap niya ang tamang babae.
Isang babaeng may malinis na reputasyon, walang komplikadong nakaraan, at hindi nagdadala ng pusong pagod nang magmahal.
May isa siyang panuntunan na hindi niya kailanman sinuway.
"Kung hindi siya ang pipiliin ng tadhana, hindi ko siya kukunin."
Ngunit isang gabing hindi niya inaasahan ang sumira sa lahat ng plano niya.
Isang pagkakamali.
Isang gabing hindi na nila mababawi.
At ilang linggo ang lumipas...
Lumabas ang katotohanang hindi nila kailanman inasahan.
Buntis ang kanyang empleyado.
Ngayon, kailangang harapin ni Edward ang isang responsibilidad na hindi niya pinlano, habang ang babaeng pinilit niyang iwasan ang siyang unti-unting nagiging dahilan ng bawat tibok ng kanyang puso
Sa isang mundong pinaghaharian ng kapangyarihan, pera, at mga lihim, sapat na ba ang responsibilidad upang mabuo ang isang pamilya
O ang sanggol na hindi nila pinlano ang magiging dahilan upang matagpuan nila ang pag-ibig na matagal na nilang iniiwasan?