Story By Nikki Karenina
author-avatar

Nikki Karenina

ABOUTquote
Wishing to the stars and hoping they will listen. Half-Mortal | Half-Fae | Full-blooded Hufflepuff | Full-time Fangirl Facebook page: https://www.facebook.com/NikkiKareninaPhr FB Reader\'s Group: https://www.facebook.com/groups/NikkiKareninaSweetcorns/ Twitter account: https://twitter.com/Nikki_Karenina Goodreads account: https://www.goodreads.com/author/show/5338625.Nikki_Karenina Instagram: @nikkikarenina
bc
Twisted Tales Book 4: Duty To My Heart
Updated at Sep 3, 2019, 20:53
[First love never dies...] For once, gusto nang gumawa ni Pepper ng isang bagay na hindi na kakailanganin ng permiso ng kanyang mga magulang. Kaya on impulse, nagdesisyon siyang i-boycott ang kanyang sariling engagement party. Pero minalas siya, dahil sa dinami-rami ng sasakyang puwede niyang pagtaguan, sa sasakyan pa siya ni Calyx napasakay. Ito ang isa sa mga taong ayaw niyang makasama. Pepper hated Calyx to the core. Pero kailangan niyang pagtiisan ito. Ang usapan nila ay ibababa siya nito sa isang safe na lugar, pero sa panggigilalas niya ay isinama siya ni Calyx sa pupuntahan nito. Ang akala ni Pepper ay hindi niya matatagalan ang presensiya ng lalaki, pero nakilala niya nang husto ang kakaibang Calyx nang sumama siya rito. She did not expect she would fall in love with him. Again...
like
bc
Twisted Tales Book 3: Sweet Crazy Love
Updated at Sep 3, 2019, 20:44
[When your past came back to haunt you...] Wala nang mahihiling pa si Lemon-masaya na siya sa lahat ng nangyayari sa buhay niya. Hanggang sa ipakilala sa kanya ng kaibigan niyang si Pepper ang lalaking pakakasalan nito: si Joey Montinola. Si Joey ang lalaking ayaw na niyang makita. Ngunit hindi na siya makakaiwas dahil siya ang napili ni Pepper na mag-organize ng engagement party nito. Kahit hindi niya gusto ang ideya ng pagpapakasal ng dalawa, ginawa pa rin niya ang kanyang trabaho. She thought everything was going to be perfect, but something went wrong. Tumakas si Pepper; and worse, sumama ito sa kuya niya. Sinabi ni Joey sa kanya na kailangan niyang malusutan ang problemang iyon. At hindi niya inasahan ang sumunod na ginawa nito. Joey suddenly kissed her. The moment Lemon felt his lips on hers, she knew he had captured her heart. Again.
like
bc
Twisted Tales Book 2: Better Than Revenge
Updated at Sep 3, 2019, 20:35
[When frenemies fall in love with each other...] Aso't pusa ang turingan nina Ginger at Yoej sa isa't isa. Hindi lumilipas ang araw na hindi sila nag-aasaran nito. Akala ni Ginger ay hindi na mababago ang batian nila sa isa't isa hanggang sa humingi ng tulong sa kanya si Yoej. Gusto nitong magpatulong para makuha ang atensiyon ng best friend niyang si Sugar. Napagdesisyunan niyang tulungan ito ngunit hindi ang tulong na inaasahan nito. Sinabi ni Ginger kay Yoej ang lahat ng kabaligtaran ng gusto ni Sugar. Inaasahan na niyang magagalit ito sa kanya at madaragdagan uli ang pang-aasar nito sa kanya pero nag-iba ang pakikitungo nito sa kanya. Naging mabait ito sa kanya. Hindi na siya madalas na asarin nito at binubusog nito ang puso niya ng kilig. Yoej was all handsome and cool. Hindi niya napigilan ang kanyang sariling mahulog ang loob dito. Pero hindi pala siya dapat nagpadala na lang basta sa mapang-akit na tingin nito, magandang katawan, at masarap na mga labi. Dahil lahat pala ng ginawa nito para sa kanya ay pulos kalokohan lang. He was on her for revenge. Paano na ngayon ang puso niyang tumitibok para dito?
like
bc
Twisted Tales Book 1: Going Past The Limits
Updated at Sep 3, 2019, 20:24
Seff was Sugar's best male friend ever. Ito ang laging kasama niya sa lahat ng lakad niya. Ito ang naging bodyguard-cum-business partner niya. Ngunit nang magtapat si Seff ng totoong nararamdaman nito sa kanya ay tinanggihan niya ito. Mas pinili niya ang pagkakaibigan nila kaysa sa pagmamahal nito na walang kasiguruhan kung hanggang kailan magtatagal. Alam niya sa sariling mahal niya si Seff bilang kaibigan. Or so she thought. Nanatili silang magkaibigan ni Seff sa kabila ng pagtanggi niya rito. Ngunit nararamdaman niyang lumalayo ito sa kanya. Nang pormahan nito ang isa sa mga kaibigan niya, nalito siya sa kanyang nadama. Dahil sa halip na matuwa siya dahil sa wakas ay napansin din ni Seff ang kaibigan niya ay pagkainis ang nararamdaman niya tuwing nakikitang magkasama ang dalawa. Nang ma-realize ni Sugar na hindi na pagtinging-kaibigan ang nararamdaman niya kay Seff ay sinabi agad niya ang nararamdaman niya rito. Ngunit hindi siya naging handa sa naging tugon nito...
like