bc

Twisted Tales Book 3: Sweet Crazy Love

book_age0+
241
FOLLOW
1.3K
READ
love-triangle
possessive
second chance
arranged marriage
tomboy
CEO
sweet
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

[When your past came back to haunt you...]

Wala nang mahihiling pa si Lemon-masaya na siya sa lahat ng nangyayari sa buhay niya. Hanggang sa ipakilala sa kanya ng kaibigan niyang si Pepper ang lalaking pakakasalan nito: si Joey Montinola. Si Joey ang lalaking ayaw na niyang makita. Ngunit hindi na siya makakaiwas dahil siya ang napili ni Pepper na mag-organize ng engagement party nito. Kahit hindi niya gusto ang ideya ng pagpapakasal ng dalawa, ginawa pa rin niya ang kanyang trabaho.

She thought everything was going to be perfect, but something went wrong. Tumakas si Pepper; and worse, sumama ito sa kuya niya. Sinabi ni Joey sa kanya na kailangan niyang malusutan ang problemang iyon. At hindi niya inasahan ang sumunod na ginawa nito. Joey suddenly kissed her.

The moment Lemon felt his lips on hers, she knew he had captured her heart. Again.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
IGINALA ni Lemon ang kanyang paningin sa paligid. Napangiti siya nang makontento siya sa nakitang ayos ng paligid. Siniguro niyang magiging maganda ang ayos ng garden ng bahay ng mga Montinola para sa matalik niyang kaibigan na si Pepper. Minsan lang itong mae-engage at kailangang memorable iyon para dito, lalo pa at sa katulad ni Joey ito magpapakasal. She smiled to herself. Wala sa hinagap niyang magpapakasal si Joey dahil sa negosyo lang naka-focus ang isip nito. Ngunit kung gagawin nito iyon dahil sa negosyo ay maiintindihan niya ito. Wala itong ibang iniisip kundi ang negosyo ng mga ito at kung paano palalaguin iyon. Maraming sangay ang negosyo ng Montinola Group of Companies at alam niyang pagdating sa production industry ay talagang magkakasundo ito at ang kompanya nina Pepper. Iyon lang ang nakikita niyang dahilan kung bakit pumayag sina Pepper at Joey na magpakasal sa isa't isa. For Pepper, it was definitely because of her family and their tradition. As for Joey, it was obviously because of business and a much greater influence. Love? Hindi uso sa dalawa ang pag-ibig. Pareho ng personalidad sina Pepper at Joey. Walang iniintindi ang mga ito kundi trabaho. Kung hindi pa siguro sa kanila nina Sugar at Ginger ay hindi maiisip ni Pepper ang salitang "fun." Sinabi na rin mismo sa kanya ng kaibigan na hindi nito—at ni Joey—kailangan ng pag-ibig para magpakasal. Both of them were too engrossed with the idea of becoming more powerful. And you're smiling because? kastigo niya sa sarili. Napapangiti siya dahil nakakatuwang isipin na magpapakasal ang dalawa. Ano kaya ang magiging buhay ng mga ito? Probably dull, sabi niya sa sarili. Nagkibit-balikat na lang siya. Hindi ka malulungkot na ikakasal na ang first love mo? kastigo niya sa sarili. Pinili niyang hindi iyon sagutin para hindi na niya maalala pa ang nakaraan. Matagal na niya iyong ibinaon sa limot at hindi na niya dapat pang maalala kung anuman ang nangyari noon. Bakit umiiwas ka pa rin sa kanya? kastigo pa rin niya sa sarili. Hindi niya alam kung bakit kung kailan engaged na si Joey ay saka doon pa lumabas ang mga ganoong tanong sa isip niya. She had overcome her feelings for Joey a long time ago. Hindi na siya kinakabahan tuwing napapalapit dito o naiilang tuwing tumitingin ito sa kanya kapag nagkikita sila. She was definitely over him! Kung may dapat siyang ikalungkot ngayon na dapat din niyang ikasiya ay dahil sa pagiging mag-on nina Seff at Sugar. Nahirapan din siya sa drama ng dalawang iyon kaya dapat lang na magkatuluyan ang mga ito. Inaamin niyang matindi ang pagkagusto niya kay Seff. Ito ang perfect picture ng Prince Charming na palagi niyang inaasam na makilala. Pero may sabit na ito. Alam niyang noong una pa lang ay mahal na nito ang kaibigan niyang si Sugar pero dahil sa pagtanggi nito ay itinanggi na rin niya sa sarili ang totoo. Sinubukan niyang mapalapit dito. Pero nang malaman niyang nagtapat na ito kay Sugar at binasted ito ng huli ay nakaramdam siya ng simpatya para dito. Gusto niya itong aluin hindi lang dahil gusto niyang mapalapit dito kundi dahil kaibigan niya ito. Tinulungan niya itong ipaglaban ang pag-ibig nito kay Sugar at ngayon nga ay nagtagumpay sila. Masaya siya para sa dalawa niyang kaibigan, lalo na at malapit na ring ikasal ang mga ito katulad nina Joey at Pepper. Si Ginger naman ay siguradong magiging maayos na ang love life ngayong magkaibigan na ito at si Yoej. Isa-isa nang nagpapakasal ang mga kaibigan niya. May kapareha na ang mga ito sa buhay. Kailan kaya siya magkakaroon ng sarili niyang Prince Charming? "Ma'am Lemon, tapos na po tayo," pagbibigay-alam ng tauhan niyang si Carrie sa kanya. Tumikhim siya at inayos ang sarili. Kilala siya ng mga tao sa paligid niya bilang isang seryoso at istriktong amo. Ang dating malambing na Lemon noon ay parang maton na kung kumilos ngayon. " "Sige, pack-up na tayo. Then, balik tayo rito ng four PM, okay?" utos niya sa mga ito. Sabay-sabay namang sumang-ayon sa kanya ang team niya. Masaya siya dahil efficient ang mga ito kaya hindi umiinit ang ulo niya. Kasundo niya ang lahat ng nasa team niya kaya mahusay ang trabaho nila. Anim na taon na siyang tumutulong sa mama niya sa pamamahala ng City Paradise na ito mismo ang nagtaguyod at nagpalago. Alam niyang ilang taon na lang ang lilipas at iiwan na rin sa kanya ng mama niya ang buong pamamahala niyon at ayos lang iyon sa kanya dahil marami na siyang alam sa pagpapatakbo ng restaurant. Kampante siyang magiging maayos ang takbo ng restaurant sa kanyang mga kamay. "Not bad," komento ng isang tinig na nagmula sa kanyang likuran. She knew that voice. Hindi niya iyon maaaring maipagkamali sa kahit na sino dahil nag-iisa lang ang tinig na iyon na ganoon ang epekto sa kanya. Gusto niyang murahin ang sarili dahil kanina lang ay itinanggi na niya sa sariling nakalimutan na niya ang lahat pero hayun siya at kilalang-kilala pa rin niya ang boses ng lalaking una niyang minahal—si Joey Randolf Montinola. "Pinaghirapan namin 'yan, ah," sabi niya rito na ang tinutukoy ay ang pag-ayos nila sa paligid. She was proud of herself for not stammering like she used to whenever he was near. Iyon ang unang pagkakataon na silang dalawa lang ang naiwan sa isang lugar matapos ang walong taon. "Marami na akong nakitang mas maganda pang vintage-inspired themes kaysa rito," walang emosyong sabi nito. Same old Joey. Iningusan niya ito. Gusto na niyang tanggalin ang lahat ng inilagay niyang disenyo sa lugar dahil naiinis siya kay Joey pero ikinonsidera niyang hindi lang siya ang gumawa niyon. Masasayang ang hirap at pagod ng mga tauhan niya kung basta na lang niya ipapa-pullout ang ginawa nila. Tapos na sila at nagandahan siya sa nakitang resulta. Hindi siya dapat magpaapekto sa sinabi nito. Maganda ang ginawa nila sa lugar at alam niyang magugustuhan din iyon ng ibang tao. KJ lang talaga si Joey. Isang linggo pa lang ang nakararaan mula nang muli silang magkita nito. Masaya siya para sa kanyang sarili dahil hindi na siya ang dating Lemon na naghahabol dito. Naalala pa niya ang unang pagkikita nila ni Joey pagkalipas ng walong taon... "Lemon, Joey. Joey, Lemon," simpleng pagpapakilala ni Pepper sa kanilang dalawa ni Joey nang sadyain siya ng mga ito sa kanilang restaurant. Kasama ng mga ito ang mga ina ng mga ito. Wala itong malaking ipinagbago. Matagal na niyang alam na guwapo ito pero sampung doble ang pagkaguwapo nito ngayon. Nakasuot ito ng two-piece business suit. Negosyanteng-negosyante ang dating. At katulad pa rin ng dati, mababakas ang kapangyarihan at awtoridad sa hitsura nito. Dati pa naman ay mukha na itong makapangyarihan. Mas tumangkad ito ngayon. Alam niya dahil— Zap the thought, Lemon! Past is past, paalala niya sa sarili. Kinapa niya ang kanyang sarili. Pinakiramdaman niya kung masasaktan pa rin siya ngayong nakita uli niya si Joey pagkalipas ng walong taon—kung saan kinailangan pa niyang umiwas sa mga okasyong alam niyang pupuntahan din nito. Mukhang umiiwas din naman si Joey na magkita silang dalawa dahil ganoon din ang ginagawa nito. Alam niyang kapitbahay ito ng kaibigan niyang si Ginger kaya hanggang maaari ay hindi siya pumupunta roon. Kung pumupunta man siya kina Ginger ay hindi rin siya nagtatagal. Mabuti na lang at sa Australia nakabase si Ginger kaya hindi ito madalas umuwi. Kina Sugar talaga siya madalas tumatambay. Hindi kasi niya naging ugaling tumambay kina Pepper dahil masyadong pormal ang atmosphere sa bahay ng mga ito. Nang malaman niyang kay Pepper ito mae-engage ay ipinagkibit-balikat lang niya iyon. Ang alam kasi ng mga kaibigan niya ay hindi niya kilala si Joey at tanging si Yoej—na kakambal nito—lang ang kilala niya dahil madalas niya itong makita. Ngunit nang sabihin sa kanya ni Pepper na ang restaurant nila ang isinuhestiyon nito sa mga magulang ng mga ito para maging caterer ng engagement party nito at ni Joey ay inihanda niya ang kanyang sarili para sa muling paghaharap nila ng binata. Alam na niya kung ano ang dapat niyang sabihin kay Joey ngayon. Alam na niya kung ano ang mga kilos na dapat niyang ipakita rito. Hindi na siya nasasaktan dahil dito. Naka-move on na siya nang wala ito sa buhay niya at iyon ang dapat niyang ipakita rito. "Oh, hi! Finally, nakilala rin kita," sabi niya rito, saka ito binigyan ng isang matipid na ngiti. May nabanaag siyang pagkagulat sa mga mata nito pero agad din iyong nawala kaya hindi niya sigurado kung namalikmata lang siya. "Hindi ko alam na kailangan mo pala akong makilala," sabi sa kanya ni Joey na deretsong nakatingin sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang gusto nitong ipahiwatig sa paraan ng pagtitig nito sa kanya dahil hindi siya marunong bumasa ng isip ng isang tao. "Siyempre, kailangan kitang makilala dahil ikaw ang pakakasalan ng isa sa best friends ko. Gusto kong makasigurong maayos ang mapapangasawa ni Pepper," paliwanag niya rito. Nakipaglabanan siya ng titigan dito. Kung iyon ang gusto nitong gawin ay gagawin niya. "Well, do I meet your qualifications, then?" sarkastikong tanong nito sa kanya. Tumikhim si Pepper. "Tough to tough 'to, ah," komento ni Pepper. "Nandito tayo para mag-usap sa magiging theme at ayos ng engagement party n'yo kaya ang mabuti pa'y simulan na natin dahil marami pa tayong kailangang gawin. Okay?" sabi ng mommy ni Pepper. Doon lang siya nagbawi ng tingin kay Joey at hinarap ang tatlong babae. "Good luck na lang sa inyo ni Pepper. 'Wag mong sasaktan ang kaibigan ko, ha? Kundi, ako ang kakalbo sa'yo," pagbabanta niya kay Joey. Kumunot ang noo nito. "Sa tingin mo papayag si Pepper na saktan ko siya?" ganting-tanong nito sa kanya. Hindi niya inaasahan iyon pero nasapol siya sa sinabi nito. Ipinahihiwatig ba nito sa kanyang kasalanan niya kung bakit siya nasaktan dati? Tumikhim siya. Pakiramdam kasi niya ay may biglang bumara sa kanyang lalamunan kaya wala siyang maapuhap na sasabihin dito. "I'm not talking about physical pain, Joey." "It's not your business anymore, Lemon. So don't nag me about that. You're not Pepper," sabi sa kanya ni Joey. Naikuyom niya ang kanyang mga kamay dahil sa sinabi nito. Ang lakas ng loob nitong pagsalitaan siya nang ganoon. Kung sino ang may karapatang magalit sa kanilang dalawa ngayon ay siya iyon. Breathe in, breathe out, utos niya sa sarili. Hindi ang isang taong katulad ni Joey ang makakasira ng magandang araw niya. Mahaba pa ang araw at hindi niya iyon dapat hayaang masira dahil lang sa isang lalaking walang puso. Tinalikuran niya ito. "Minsan sana iniisip mo na nakakasakit ka ng ibang tao sa mga sinasabi mo. Palibhasa, ang importante lang kasi sa 'yo ay ang sarili mo," sabi niya rito, saka siya naglakad palayo rito. Ngunit napatigil siya dahil sa sunod na sinabi nito. "So, you still haven't changed, Lemon Glaize Martinez. Mali pala ang mga nalaman ko tungkol sa 'yo. Tough? I guess not. You're still the same, sweetheart," sabi ni Joey sa kanya. Nalaman? Tungkol sa 'kin? Muli niya itong hinarap. "I'm flattered. Pinag-aksayahan ng oras ng isang Joey Randolf Montinola ang maghanap ng impormasyon tungkol sa 'kin." She smirked at him. "I guess you're not that busy, huh? Maybe you're right. Maybe I'm tough. But you're also wrong because I'm not the same 'sweetheart' you used to know. Hindi na ako basta nagpapadala sa mga lalaking mahilig magpaasa," sabi niya rito, saka tuluyan itong iniwang mag-isa. Tuluyan na sana siyang makakalabas ng mansiyon ng mga ito kung wala lang humarang sa daraanan niya. Kung hindi siguro niya alam kung ano ang ipinagkaiba ni Joey at Yoej sa isa't isa ay tatakbo siya pabalik sa pinanggalingan niya kanina dahil basta na lang bumulaga sa kanya ang isa pang Joey. Malaki ang pagkakaiba ng kambal maliban sa magkamukha ang mga ito. Seryoso si Joey gayong maloko naman si Yoej. Mas matangkad si Joey kaysa kay Yoej. Mahilig sa catsup at mayonnaise si Yoej pero iyon ang pinakaayaw ni Joey. May maliit na pilat sa noo si Joey pero si Yoej ay wala. Aha! Nakalimutan na pala, ha, kastigo niya sa sarili. Napahiya naman siya sa kanyang sarili. Nakatatak na kasi sa isip niya ang mga iyon kaya hindi na mahirap sa kanyang alalahanin iyon. She had overcome her feelings for Joey a long time ago. Ni hindi na siya kinakabahan tuwing napapalapit dito o naiilang tuwing tumitingin ito sa kanya kapag nagkikita sila. She was definitely over him! Kumbinsihin mo pa ang sarili mo, Lemon. "Kumusta naman ang puso mo?" nakangising tanong sa kanya ni Yoej. Kunot-noong napatingin siya rito. "Ayos naman. Wala naman akong sakit sa puso, eh. Bakit?" nakamaang na tanong niya rito. Tumawa ito. "Ang galing n'yo ni Joey. Kung hindi ko lang alam kung ano ang totoong nangyari sa pagitan n'yo, isa na siguro ako sa mga taong nabola n'yo. It's a good thing I know the truth about you two," makahulugang sabi ni Yoej. "A-ano ba'ng sinasabi mo riyan?" "Princeville University, year two thousand and four. Napagkamalan mo pa ako noon na si Joey kaya nalaman ko tuloy ang mga hindi ko dapat malaman," dagdag pa nito. Alin do'n? "A-ano'ng..." Oh, my God! hiyaw ng isip niya. Ang alam niya ay silang dalawa lang ni Joey ang nakakaalam ng tungkol sa nangyari sa kanila. Kahit ang tatlong kaibigan niya maging ang mga naging kaklase niya noon, pati ang pamilya niya ay walang alam kung ano ang nangyari sa kanila ni Joey. Paano iyon nalaman ni Yoej? Sinabi ba rito ni Joey ang tungkol doon? Imposible! Joey wouldn't make a big deal out of it, sabi niya sa sarili. "You can't run from your past, Lemon. It will always be a part of you. Masarap kayang mag-reminisce," nang-aasar na sabi ni Yoej sa kanya. "Paano mo nalaman ang tungkol do'n?" tanong niya rito. "Matinding sekreto. Kahit si Joey, hindi 'yon alam," nakangising sabi nito sa kanya. Hindi na niya ito natanong pa tungkol sa mga sinasabi nito dahil agad siya nitong iniwang mag-isa. Habang iniisip niya kung paano nalaman ni Yoej ang tungkol sa nangyari noon pati na rin kung ano ang mga nasabi niya rito ay naglakad na siya palabas ng mansiyon ng mga Montinola at nagmaneho papunta sa City Paradise. Dahil kay Yoej at sa mga sinabi nito, hindi tuloy niya maiwasang alalahanin ang nakaraan...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Cold Husband(Tagalog)

read
853.1K
bc

Fight for my son's right

read
147.2K
bc

My Nerd Ex-Wife(Tagalog)

read
9.6M
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

The CEO's First Romance | Completed

read
1.4M
bc

MISTAKE (Tagalog)

read
3.0M
bc

The Billionaire's Maid [R18]

read
699.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook