Story By Her Wildrose
author-avatar

Her Wildrose

ABOUTquote
Ako si Her Wildrose, isang manunulat na mahilig gumawa ng mga kuwentong puno ng romansa, drama, at mga karakter na may natatanging personalidad. Layuning kong mpahatid ng mga kuwentong magbibigay ng kilig, inspirasyon, at aral sa bawat mambabasa. Naniniwala akong baawat pag - ibig ay may sariling kwento na karapat - dapat marinig.
bc
The Accidental Bride
Updated at Jun 23, 2026, 14:21
Dahil sa kagustuhang makita siyang mag - asawa bago sumailalim sa gamutan, pinilit ng lola ni Aiden Clay Monteverde - isang bilyonaryo at Ceo na maghanap ng mapapangasawa sa lalong madaling panahon. Dahil ayaw niyang pumasok sa isang tunay na relasyon, pumayag siyang kumuha ng isang " bride or hire. "Samantala, si Jewel Paris Rodriguez ay isang matapang at masipag na dalagang handang gawin ang lahat para sa kanyang bulag na kapatid. Nang mawalan siya ng trabaho at mangailangan ng malaking halaga para sa operasyon ng kanyang kapatid, isang kakaibang oportunidad ang kumatok sa kanyang buhay. Dalawang taong magkaibang - magkaiba ang mundo. Isang kontratang kasal. Isang kasunduang bawal ma - inlove. Ngunit paano kung habang tumatagal ay unti - unti mabasag ang mga patakarang sila mismo ang gumawa?
like
bc
Mr. Suplado Meets Naughty Girl
Updated at Jun 23, 2026, 21:07
Masayahin, madaldal, at palaban ni Nicole Ramirez, isang simpleng tindera ng maruya at banana que na handang gawin ang lahat para matulungan ang kanyang pamilya. Sa kanila ng kahirapan, hindi nawawala ang positibo sa buhay. Samantala, si Adrian Villamor ay isang matagumpay na abogado at negosyante na kakabalik lamang sa kanilang bayan matapos ang maraming taon. Gwapo, mayaman, at matalino - ngunit kilala rin bilang isang suplado at malamig na lalaki na tila walang pakialam sa nararamdaman ng iba. Nagsimula ang kanilang muling pagtatagpo sa isang hindi inaasahang insidente nang masabuyan ng maruming tubig si Nicole ng sasakyan ni Adrian. Mula noon sunod - sunod na ang kanilang bangayan, asaran, at hindi pagkakaunawaan. Ngunit paano kung sa likod ng kanilang mga pagtatalo ay unti - unting mabuksan ang mga pusong matagal nang naghihintay na muling magmahal? Makakaya kayang tunawin ng isang makulit na dalaga ang malamig na puso ng isang Mr. Suplado? O mananatili lamang silang magkaaway habang - buhayIsang nakakalig, nakakatawa at puno ng emosyon na kuwento ng pag - ibig, pagkakaibigan, at ikalawang pagkakataon ang naghihintay sa inyo sa Mr. Suplado Meets Naughty Girl.
like
bc
Muling Hagkang Ang Kahapon
Updated at Jun 23, 2026, 14:41
Mula pagkata, si Tryon Garcia ay lihim nang umiibig sa kanyang matalik na kaibigan si Miesha Ramos - ang anak ng katiwala ng kanilang Hacienda sa Gabaldon, Nueva Ecija. Sa ilalim ng kubo sa puno ng mangga, sabay nilang binuo ang kanilang mga pangarap at pinangarap ang isang masayang kinabukasan. Ngunit hindi lahat ng unang pag - ibig ay nagkaroon ng masayang wakas. Dahil sa mga maling akala, lihim at mapait na pangyayari, napilitang magkalayo ang kanilang mga landas. Lumipas ang maraming taon na kapwa nila sinubukang kalimutan ang karaan at magpatuloy ng tadhana? Sa kanilang muling pagkikita, babalik ang mga alaalang pilit nilang kinalimutan at mga damdaming hindi kailanman nawala. Sa gitna ng mga sugat ng nakaraan at mga pagsubok ng kasalukuyan, handa pa ba silang bigyan ng ikalawang pagkakataon ng pag - ibig? O mananatili na lamang itong isang magandang alaala na minsang nabuo sa ilalim ng kubo sa puno ng mangga? Sa pagbalik ng kahapon, muling matutuklasan nina Tyron at Miesha kung sapat ba ang pagmamahal upang paghilumin ang lahat ng sugat ng nakaraan.
like
bc
Rebound Love
Updated at Jun 23, 2026, 14:29
Mula nang mamatay ang kanyang ama, si Liena Ramirez ay namuhay nang simple kasama ang kanyang ina. Bilang isang masipag na empleyado, wala siyang ibang hangarin kundi mabigyan ng maayos na buhay ang kanyang pamilya. Ngunit sa likod kanyang simpleng pamumuhay ay isang lihim matagal na niyang minamahal ang kanyang ka opisina na si Matt, isang mabait at responsableng lalaki na mayroon nang kasintahan. Alam ni Leina na wala siyang karapatang umasa, ngunit hindi niya mapigilan ang kanyang puso. Nang biglang masira ang relasyon nina Matt at Ria, naging mas malapit sila sa isa't isa. Akala ni Liena ay ito na ang pagkakataong matupad ang kanyang magatal nang pangarap. Ngunit paano kung malaman niyang siya ay naging panakip - butas lamang sa pusong sugatan ni Matt? Handa ba siyang ipaglaban ang pag - ibig o pipilin niyang palayain ang sarili mula sa sakit ng isang rebound love?
like
bc
The CEO's Substitute Bride
Updated at Jun 21, 2026, 05:55
Sa Araw na dapat sana'y pinakamasayang araw kanyang buhay, napilitan si Amari Ace Mortel na maging kapalit na nobya ng kanyang sariling kapatid upang pakasalan ang makapangyarihan at malamig na CEO na si Liam Ezekiel Hansen. Alam niyang hindi siyang ang babaeng mahal nito. Alam niyang ang puso ni Liam ay matagal nang bihag ang puso ng nakaraan. Ngunit sa kabila ng lahat, tinanggap niya ang kasal at ang apelyido Hansen, umaasang balang araw ay matutunan din siyang mahalin ng lalaking kanyang pinapangarap. Ngunit sa loob ng kanilang pagsasama, bawat araw ay tila isang laban. Habang ibinubuhos niya ang lahat ng kanyang pagmamahal, tanging malamig na pagtrato at masakit na katotohanan lamang ang kanyang natatanggap. Hanggang kaila niya kakayanin mahalin ang isang lalaking hindi siya kayang piliin? At kapag dumating ang araw na tuluyan na siyang mapagod, maglaho, at piliing lumayo ano ang gagawin ni Liam kapag napagtanto niyang ang babaeng lagi niyang binabalewala ang siya palang hindi niya kayang mawala? Isang kuwento ng pag - ibig, sakripisyo, at ikalawang pagkakataon. Dahil minsan, ang kapalit na nobya ang tunay na nakatadhana para sa puso ng CEO.
like
bc
His Rebellious Wife
Updated at Jun 21, 2026, 05:29
Akala ni Kye Valdez, ang pagpapakasal Kay Rhandall Montez ang simula ng kanyang pangarap na pag ibig. Naniniwala siyang sa paglipas ng panahon, matutunaw din niya ang malamig na puso ng lalaking kanyang minamahal. Ngunit ang kasal nila ay hindi puno ng pagmamahalan - kundi puro pagtanggi, tampuhan, at sakit. Para kay Rhandall, si Myebay isang responsibilidad lamang. Isang asawa sa papel, ngunit hindi kailanman magiging bahagi ng kanyang puso.Hanggang sa dumating ang araw na nawala sa kanya ang babaeng laging nandiyan para sa kanya. Sa pagkawala ni Kye, doon niya napagtanto na ang babaeng tinutulak ni palayo ang siya palang taong hindi niya kayang sinaktan? Dahil minsan, ang pinakamahirap na laban ay hindi ang mukha ang isang tao.... kundi ang muling makuha ang pagmamahal na minsan nang nawala.
like
bc
Rebound Love II : Second Chance
Updated at Jun 18, 2026, 15:42
Pagkatapos ng mahabang panahon ng katahimikan, muling nagkrus ang landas nina Sarah at Aldrin sa kasal ng kanilang mga kaibigan. Akala nila tapos na ang lahat—na isa na lamang itong alaala ng nakaraan. Ngunit sa isang iglap, muling nagising ang damdaming matagal nilang pilit itinago. Si Sarah, takot nang umasa matapos masaktan noon, ay piniling umiwas. Ngunit sa bawat tingin at bawat salita ni Aldrin, unti-unting gumuho ang pader na matagal niyang itinayo sa kanyang puso. Si Aldrin naman, na matagal nang may pagsisisi, ay determinado ngayong ayusin ang lahat at bawiin ang babaeng hindi niya kailanman nakalimutan. Sa gitna ng mga ngiti, pilit na pag-iwas, at hindi nasabi noong nakaraan, kaya pa bang muling itama ang isang pag-ibig na minsang nawala? O mananatili na lamang silang “what if” sa isa’t isa?
like
bc
Back In My Arms Again
Updated at Jun 17, 2026, 05:03
Tatlong taon nang minamahal ni Miguel Santiago si Bianca, ang babaeng akala niya ay makakasama niya habang buhay. Bilang isang engineer na abala sa pagbuo ng kanyang pangaral, handa siyang humakbang tungo sa kasal - hanggang sa isang pangako mula sa nakaraan ang biglang sumira sa kanyang mga plano. Dahil sa kagustuhan ng kanyang lolo, napilitan si Miguel na pakasalan si Pia Ramirez, ang babaeng minsan niyang kalaro noong bata pa siya ngunit halos hindi na niya maalala. Para kay Pia, ang kasal ay isang pagkakait sa kanyang kalayaan. Para kay Miguel, ito ay isang responsibilidad lamang. Ngunit habang lumilipas ang panahon, matutuklasan nilang ang puso ay may sariling kagustuhan. Sa pagitan ng mga lihim, selos at isang pag - ibig na hindi nila inaasahan... Makakaya kaya nilang mahalin ang isa't isa? O ang nakaraan ang muling maghihiwalay sa kanila? Back in my arms again - isang kwento ng pag - ibig na nagsimula sa pangako, ngunit natagpuan sa puso.
like
bc
If You Asked Me To
Updated at Jun 16, 2026, 16:54
Sa loob ng dalawang taon, walang palya si Elise Reyes sa pagbibigay ng sandwich kay Jefferson Cruz - ang lalaking matagal nang may hawak ng kanyang puso. Kahit alam niyang hindi pa siya kayang mahalin ng binata, hindi siya sumusuko. Para kay Elise, sapat na muna ang makita ang ngiti nito Araw - Araw. ngunit paano kung ang lalaking minamahal niya ay naramdaman, alaala ng kanyang unang pag - ibig? Habang patuloy na lumalaban si Elise par sa kanyang nararamdaman, unti - unti rin niyang natututnang hindi sapat ang pagmamahal kung siya lang ang handang sumugal. Sa pagitan ng pag - asa at pagtanggap, kailangan niyang pumili - ipagpatuloy ba niya ang hihintay o tuluyan nang bibitaw? At kapag dumating ang araw na siya na mismo ang sumuko, handa na kaya si Jefferson na habulin ang babaeng matagal nang nag mamahal sa kanya? Isang nakakakilig at nakakaantig na kwento ng first love, paghihintay, at pagmamahal nag simula sa isang simpleng sandwich.
like
bc
No Way For You To Treat A Heart
Updated at Jun 16, 2026, 16:28
Isang simpleng pagkakamali ang nagdikit sa landas nina Mica Santos at Andrie Reyes. Si Mica ay isang mahirap na dalagang handa gawin ang lahat para mabuhay ang kanyang nakababatang kapatid. Dahil sa pamimilit ng kanyang mapang - abusong tiyuhin, napilitan siyang magnakaw ng cellphone mula sa isang estranghero sa mall. Ngunit hindi niya inaasahang ang lalaking kanyang nadukutan ay si Andrie Reyes - isang makapangyarihan, mayamang CEO na walang puwang ang awa para sa mga taong nagsisinungaling at nagnanakaw. Galit na galit si Andrie sa babaeng nagtangkang nakawin ang kanyang cellphone. Ngunit habang paulit - ulit silang pinagtatagpo ng tadhana, unti - unti niyang natutuklasan ang mapait na katotohanan sa likod ng buhay ni Mica ang kahirapan, pang - aabuso, at mga sakripisyong ginawa nito para sa kanyang kapatid. Sa gitna ng lumalalim nilang damdamin isang madilim na lihim ang maglalagay sa buhay ni Mica sa panganib. At sa pagkakataong iyon, kakailanganing piliin ni Andrie kung mananatili siyang bilang isang malamig na bilyonaryo o ipaglaban ang babaeng minsan niyang itinuring na magnanakaw. Paano kung ang babaeng minsang dumukot sa kanyang ang siyang ring magnakaw ng kanyang puso?
like
bc
Akin Ka Na Lang II : No Other Woman
Updated at Jun 12, 2026, 06:01
Matapos ang lahat ng pagsubok na pinagdaan nina Aldo Monteclaro at Cassandra, akala nila ay wala nang makakasira sa masayang pamilyang unti - unti nilang binuo. Habang sabay nilang inaabangan ang pagdating ng kanilang Ngunit hindi lahat ay masaya sa kanilang kaligayahan. Muling nagbalik si Natalie, isang babaeng matagal nang naghahangad na maagaw si Aldo mula kay cassi. Handa siyang gawin ang lahat upang sirain ang kanilang pagsasama at wasakin ang pamilyang pinaghirapan nilang buuin. Sa gitna ng kasinungalingan, selos, at mga lihim ng nakaraan, masusubok ang tiwala at pagmamahalan nina Aldo at Cassie. Magiging sapat kaya ang kanilang pagmamahalan upang malampasan ang lahat ng pagsubok? O tuluyan nang mawawasak ang kanilang pangalawang pagkakataon sa pag - ibig? Kapag ang puso ay minsan nang nasaktan, handa ka pa bang maniwala sa isang pangalawang pangako ng pagmamahal?
like
bc
Akin Ka Na Lang
Updated at Jun 12, 2026, 05:41
Matagal nang lihim na minamahal ni Cassie si Randy, ang mabait at guwapong katrabaho na mayroon nang kasintahan. Kahit alam niyang walang pag - asa ang kanyang nararamdaman, patuloy niyang ipinapakita ang pagmamahal dito sa simpleng paraan. Ngunit isang araw, biglang nagbago ang lahat nang mawala si Randy sa kanyang pang - araw araw na buhay. Sa paglipas ng panahon, matutuklasan ni Cassie na ang pag - ibig ay hindi lamang tungkol sa paghihintay, kundi tungkol din sa tamang pagkakataon, mga lihim ng nakaraan, at mga damdaming matagal nang itinago. Kapag ang taong mahal mo ay hindi para sa iyo, hanggang kailan ka kalaban para sa pag - ibig?
like
bc
The Bodyguard Secret Affair
Updated at Jun 12, 2026, 05:14
Isang masipag na sales agent na handang gawin ang lahat para sa kanyang may sakit na ina. Isang tapat na bodyguard na nakatalaga sa pagprotekta sa isang makapangyarihang gobernador. Nang pagtapuin sila ng isang mapanganib na operasyon at isang lihim na nagbabanta sa kanila buhay, unti - unting mabubuo ang damdaming hindi nila inaasahan. Ngunit paano kung ang pag - ibig na kanilang natagpuan ay maging dahilan ng kanilang kapahamakan? Hanggang saan nila kayang ipaglaban ang isa't isa kng mismong buhay nila ang nakataya?
like