Hi, I am Author Sweety Elle
LOVE CONQUERS ALL!!!
Welcome po sa aking mundo. Mangyari lang pong mag-iwan ng komento o suhestiyon sa mga nobelang aking isinusulat. Salamat.
Please follow my fbPAGE:
Author SweetyElle
fbprof: Dreame Sweety Elle
Sa araw mismo ng kasal ni Serenity ay kinidnap siya. Punong-puno ng kagalakan at pag-asa ang kanyang puso at isipan na sa wakas ay mapapasakanya na ang lalakeng una at totoo niyang minamahal na si Franz Devon Dela Vega na stepbrother ni Felicity na kaibigan niya sa Magic 10. Naglaho ang kasayahan na iyon ng isinira na ang pinto ng simbahan para sa kanyang bridal walk ay may bigla na lang humila sa kanyang mga armadong kalalakihan at pilit siyang pinasakay sa sasakyan at pinaamoy ng nakakahilong likido at nawalan siya ng malay.Natunghayan niya na lang ang kanyang sariling nakagapos at nakapiring habang puwersahang inaangkin ng lalake.Nasusuklam siya sa lalakeng lumapastangan at bumaboy sa kanyang pagkakababae ng walang sawa at paulit-ulit. Hindi niya nakilala ang lalakeng bumihag sa kanya at makalipas nga ng dalawang buwan ay basta basta na lang siya ibinalik sa kanyang pamilya.Nang malaman ng pamilya niya na buntis siya at hindi niya alam kung sino ang nakabuntis sa kanya ay itinakwil siya ng kanyang pamilya dahil isa daw siyang malaking kahihiyan. Dulot ng matinding pighati at awa sa sarili sa nangyari sa kanyang buhay; nakidnap, naggahasa at ipinagpalit ng kanyang fiancee sa kanyang kaibigan ay nagpasya siyang magpakalayo-layo sa ibang bansa.Makalipas ng tatlong taon ay bumalik siya sa Pilipinas na kasama ang tatlong taong gulang na anak na lalake na may balak na makapaghigante sa mga taong nanakit sa kanya. At sisimulan niya ito sa pagsira ng kumpanya ng kanyang dating fiancee at kaibigan. Napag-alaman niyang may kakumpetensiya itong kumpanya kung kaya't doon siya nagpasyang magtrabaho at inalok ang sariling katawan na maging bed warmer ng isang womanizer at monster billionaire na si Steven Santander upang maisaggawa ang paghihigante at matunton ang lalakeng sumira ng kanyang pagkatao.Ngunit unti-unti niyang napansin ang mga pagkakahawig ng hitsura at ugali nito sa kanyang anak at pati mga haplos nito sa kanya ay tila kilala ng puso't isipan niya.Paano kung matuklasan niya na ang lalakeng kumidnap at gumahasa sa kanya ay walang iba kung hindi si Steven a.ka. Teban na dati niyang masugid na manliligaw sa probinsiya na inayawan niya? Bakit hindi niya nakilala ang baduy at pangit na si Teban sa bagong katauhan ni Steven na perpekto at tila inukit ang malamodelo nitong kagwapuhan? Huli na nga ba upang masuklam siya dito kung natutunan niya na itong ibigin sa mga tulong na naibigay at naidulot nito sa kanilang mag-ina?Matutunan kaya niyang mapatawad ang ama ng kanyang anak na sumira sa kanyang dangal?Kaya ba ng isang Steven Santander paghilumin ang sugat ng nakaraan niya kung lahat pala ng nangyayari sa buhay niya ay parte lang ng paghihigante nito sa panlalait niya sa binata sa noon?Paano kung isang laro ng pag-ibig lang pala ang lahat ng ginawa ni Steven dahil sa natuklasang maitim na pagkatao ni Serenity na gusto niyang patunayan na hindi na siya tulad ng dati na kaya niya ng paibigin si Serenity sa paraan na gusto nito?How will he ever win the heart and mind of Serenity kung umiibig pa rin ito sa dati nitong fiance? He will move heaven and earth just to have Serenity, kahit pa maging masama siya muli sa mga taong hahadlang sa kanila ng dalaga, naggawa niya na dati lalo na ngayon na nagbunga pala ang ginawa niya sa dalaga. Maari bang magkaroon sila ng happily ever after kung pareho silang masilimoot ang naging napagdaanan sa isa't isa? Kaya ba ng mahika ng pag-ibig paghilumin ang lahat sa pagitan nilang dalawa?
Isang krimen at trahedya ang nagpawasak sa malaprinsesang buhay ni Eliza. Musmos pa lamang siya nang walang-awang pinatay ang kanyang mga magulang sa loob pa mismo ng kanilang bagong biling lupain na niregalo ng kanyang ama sa kanya sa kanyang kaarawan. Ang mas masakit pa ay nasaksihan niya mismo ang pagpaslang sa mga ito at ang salarin ay walang iba kundi ang ama ng kanyang kababata at minamahal ng kanyang pusong paslit na si Enzo Aragon. Dahil sa takot at pangamba sa kanyang buhay naggawang magtago ni Eliza at mamuhay ng malayo sa kanyang nakasanayan. Sa paglipas ng panahon, nabuo sa kanyang puso't isipan ang galit at pagkapoot sa pamilyang sumira sa kanyang magandang kinabukasan. Isa na riyan ang paghihigante kay Enzo dahil wala man lang siya hinanap netu. Paano pagtatagpuin ng tadhana ang dalawang puso kung ang isa ay may masamang binabalak? Matatagumpayan kaya ni Enzo ang ibalik ang tiwala sa kanya ni Eliza kung ang kanyang puso ay puno ng hinagpis at mantsa ng nakaraan?
PAG-IBIG NA NABUO SA MALING UMPISA AT PAGKAKATAON. Pinilit ipakasal si Bernadette sa isang lalake na sa tanang buhay niya ay hindi niya pa nakikita at ang masaklap pa ay pangit at may taning na ang buhay ng tatlong buwan. Siya ang ipinalit na bride ng mga magulang niya nang basta- basta na lang lumayas ang nakakabata niyang kapatid na may isang taong agwat sa kanya na parang kakambal niya na rin. Baon at nalugi na sa utang ang negosyo nilang mag-anak kung kaya’t upang maisalba ito ay kailangan niyang magsakripisyo at magpakasal sa estranghero. Paano na lang kung sa araw mismo ng kasal niya ay masilayan niya ang pinakaperpekto at makisig na lalake na walang iba kung hindi ang kanyang groom na isa pa lang multi-billionaire at eligible bachelor sa buong bansa at higit sa lahat ay hindi pa mamamatay at tinatago lang ang totoong katauhan nito.
Mahuhulog kaya siya kay Benedict Fuentebella na sobrang lambing at mabait pala.? Paano kung magbabalik si Bianca at iladlad siyang nagbabalat-kayo lamang sa katauhan ng kanyang kapatid kung kailan natutunan niya ng ibigin ang kanyang asawa, magbabago kaya ang pagtingin sa kanya ng asawa sa kabila ng kanyang kasinungalingan? Pipiliin kaya siya ni Benedict na isa lamang siyang impostora o si Bianca na siyang una at tunay nitong fiancee?
Nabibilang si Eunice Estrella sa kilalang pamilya sa bansa dahil ang ama nito ay isang tanyag na businessman.Pag-aari ng pamilya nila ang ang sikat na bakeshop na halos may isang daang branches na sa bansa.Kaya't lumaki siyang mariwasa ang buhay.Ganunpaman, para sa kanya ay may kakulangan pa rin sa kanyang buhay dahil maaga siyang naulila sa ina.Dahil naging abala si Don Ricardo, ang kanyang ama sa pagpapalago ng kanilang negosyo ay naiwan siya sa pangangalaga ng mga katulong.She is rich but poor in love.She dream of finding her destiny someday at ipinangako niya sa sarili na magpapakasal lang siya sa taong iniibig niya.Ngunit, nagulo ang inaasam niyang pangarap ng itinakda siya ng ama na ipakasal sa anak ng matalik na kaibigan nito.Dahil sa paghihimagsik ng kanyang puso ay naggawa niyang tumakas sa pagmamanipula ng kanyang ama.Nakarating siya sa Isla Del Azul kung saan niya nakilala si Ethan Sebastian.Malakas ang karisma nito sa mga babae at isa siya sa nahumaling agad sa unang pagkikita pa lang nila.Agad may namuong spark sa kanilang dalawa at natitiyak niya sa kanyang sarili na nahanap niya na ang kanyang destiny.Paano kaya kung mahulog ang loob niya sa isang womanizer na tulad ni Ethan na walang balak magseryoso sa mga babae?Paano na lang kung malaman niyang tinakbuhan nito ang sariling kasal dahil hindi pa ito handa sa pag-aasawa?Ano ang kaya niyang gawin upang mapaniwala si Ethan sa destined love kung hindi ito naniniwala sa pag-ibig?Ano kaya ang gagawin ni Ethan kapag nalaman niyang si Eunice pala ang babaeng gusto ng amang ipakasal sa kanya? Magiging huli na ba si Ethan upang ipaglaban ang napagtanto niyang pagtingin pala kay Eunice kung naggawa niya itong saktan at iwanan nalang ng basta basta pagkatapos niya itong pagsawaan sa Isla Del Azul?
Mula pagkabata ay namulat na sa kahirapan si Anya at sa kasamaaan ng kanyang inang si Gigi. Isang bayarang babae ang kanyang ina at kung sino - sinong lalake ang sinasamahan nito upang mabuhay lamang silang mag-inq. Tanggap niya na ang kanyang tadhana na maging isang dukha pero hindi niya matanggap ang pang-aapi ng nag-iisang pamilya na mayroon siya, ang kanyang mama Gigi. Mabuti na lang ay may isa siyang kakampi na umaalay sa kanya, ang kanyang tiyo Greg na kapatid ng kanyang ina. Palagi niya itong takbuhan sa tuwing inaabuso at sinasaktan siya ng kanyang mama Gigi. Ngunit ang akala niyang tagapagligtas ay siya rin palang magtatangka ng masama sa kanyang iniingatang puri. Mabuti na lang ay naitakas siya ng kanyang mama Gigi at hindi naituloy ang panggagasaha sa kanya. Pero ang akala niyang ligtas na siya sa panganib ay impeyerno pala ang kababagsakan niya nang ibenta siya ng kanyang ina sa isang casa. Sa gabi ng kanyang kapariwaan ay natagpuqn na lang niya ang kanyang sarili sa isang kamay ng isang lalakeng estranghero. Handa na siyang tanggapin ang kanyang pagkawasak sa kamay nito ngunit tila isa itong anghel sa kanyang mga paningin nang hindi man lang siya inangkin nito bagkus ay kinamuhian pa ang isang katulad niya na marumi at masamang tao.Nakakita siya ng pag-asa sa nag-aalab nitong mga titig sa kanya. Naglakas loob siyang makipagsabwatan dito na maitakas siya sa casa na ang kapalit ay maging alipin nito at lahat ay gagawin niya ang nanaisin sa kanya ng estranghero basta hindi lamang siya tuluyang pagpasapasahan ng kung sino sinong lalake. Magiging ligtas siya sa kamay ng estranghero? Mababago kaya nito ang kanyang kapalaran o tuluyan na siyang mapapariwara sa kamay nito? Paano kung ito ang magiging susi sa pagtuklas niya sa totoo niyang pagkatao? Paano kung mahulog ang kanyang loob sa estranghero ngunit hindi pala sila puwede?
Sa una pa lang na masilayan ng mga mata ng dalagitang si Felicity si Franz ay may kakaibang pitik na sa kanyang puso ang binatilyo ngunit pilit niyang iwinawaksi dahil hindi pupuwede.Sa paglipas ng panahon, ang akala niya'y paghanga lang ang kanyang nararamdaman kay Franz ngunit nagkakamali siya.Hindi lamang simpleng pagkagusto ang sumibol sa kanyang puso't isipan para kay Franz na lumaking ubod ng gwapo at kisig, dahil sobra niya itong mahal. Kung kaya't hahamakin niya ang lahat masunod lamang ang bawal na pag-ibig niya para sa kanyang step-brother.Pareho kaya sila ng nararamdaman para sa isa't isa?Will they fight for their forbidden love o mananaig kaya ang tama laban sa mali?
Loren Ann Perez
Lumaking puno ng pagmamahal si Loren ng kanyang mga magulang.Mahirap man sila ay naibibigay naman sa kanya ang kanyang mga pangangailangan at naigapang siya sa pag-aaral.Nakapagtapos siya ng kursong edukasyon at sa awa ng Maykapal ay naipasa niya ang board exam ng maluwalhati.Sa paghihintay niyang makapasok ng trabaho sa gobyerno bilang isang pampublikong guro ay napagpasyahan niyang magpartime bilang isang tutor ng isang 6 year-old na batang lalake na nirekomenda sa kanya ng kanyang propesora sa universidad kung saan siya nakapagtapos. Ang inaakala niyang simpleng bata lang ang kanyang tuturuan magbasa ay isa pa lang napakakumplikadong trabaho dahil sa tiyuhin nitong ubod ng strikto,dominante at walang puso kung umasta.Mukhang hindi lang ang bata ang kanyang magiging tutee pati na rin ang tiyuhin nito, paano niya kaya mapapalambot si Lance Del Mundo, na isang kilalang tycoon monster na walang puwang ang pag-ibig sa puso nito kung hindi poot at galit? Mahuhulog kaya sa kanya si Lance na sa unang pagkikita pa lang nila ay nagpakita na ito ng disgusto sa kanya?
Lance del Mundo
Isang kilalang eligible bachelor na business tycoon.Sa edad na 30 ay nanatili itong binata at walang planong mag-asawa dahil na rin sa responsibilidad na naiwan sa kanya ng kanyang yumaong bunsong kapatid, ang anak nitong si Timothy. Siya ang nagsisilbing legal guardian ng bata dahil ulila na rin siya sa magulang.Binuhos niya ang kanyang oras sa pagpapalago ng naiwang negosyo ng mga magulang na dahilan kung bakit madalas na hindi niya na nabibigyan ng oras ang pamangkin.Naghire siya ng tutor ng bata upang matuto itong magbasa ngunit hindi niya inakala na pati siya matuturuan matibag ang pusong matigas pa sa bato.Mapapaglabanan niya kaya ang namumuong pagtangi niya kay Loren o magpapatangay na lang kaya siya sa kakaibang alindog ni Loren sa kanya?
CAN LIFE EXISTS WITHOUT LOVE? Sa araw-araw na ginawa ng Diyos para siyang tuyong dahon na unti-unting namamatay.Yes, she is dying inside ngunit sa panglabas na anyo niya ay kabaligtaran. She is full of life and enthusiasm. She is undeniably perfect in all aspects of her physical and emotional strengths. Siya si Courage Margaret De La Vega, ang bunsong anak nila Artemio at Celine De La Vega. Ilang taon niya ng kinikimkim sa kanyang sarili ang hinanakit sa mga magulang dahil siya ang sinisisi ng mga ito sa pagkamatay ng kanyang kakambal na si Courteous Margaux.They were just 18 when the accident happened, they were having a grandiose party at their vacation house nang biglang sumiklab ang malaking apoy. Lingid sa kaalaman ng lahat na ang kakambal niya ay naiwan sa loob ng silid nito dahil sa labis na kalasingan.She survived in the fire habang ang kanyang kakambal ay natupok ng apoy. Masakit isipin na siya ang naging dahilan kung bakit nangyari iyon sa kapatid dahil pinilit niya itong uminom kahit mababa ang tolerance nito sa alak.Now, that she became successful in her chosen career ay dala-dala niya pa rin sa konsensiya niya ang trahedya ng kahapon. Feeling burn out of her work and stress in life ay napagpasyahan niyang magbakasyan sa Isla Del Azul upang hanapin ang sarili. Hindi niya akalain na muntik ng manganib ang buhay niya sa mga kamay ng hindi nakikilalang mga kalalakihan. Mabuti na lang ay dumating ang isang makisig na estranghero) na si Romano Dela Cerna na sumagip sa kanya at naging tagapagtanggol niya sa kapahamakan. Ngunit ang akala niyang makakawala na siya sa kapahamakan ay hindi pala dahil ginawa siyang bihag ni Romano at ikinulong sa isla at ginawang parausahan. Hindi niya alam kung ano ang kasalanan niya sa binata kung bakit dinanas niya ang kalupitan sa mga kamay nito. Walang katiyakan kung hanggang kailan siya papalayain ng binata.Muhing-muhi siya kay Romano.Buhay nga siya ngunit wasak na wasak na ang pagkatao niya.Marahil ay ito na ang kabayaran ng kanyang kasalanan sa kakambal na namatay ng dahil sa kanya. Tanggap niya na ang kapalaran sa kamay ng binata, puwede pa rin pa lang mabuhay sa araw-araw na walang pag-ibig.Ngunit ang pagkamuhi niya sa binata ay nauwi sa kakaibang pagtingin.Paano na lang kung saan pa na natutuhan niya ng mahalin si Romano ay may natuklasan siyang katotohanan mula sa binata na nagpagimbal sa kanyang nakaraan?Magagawa kaya niyang tanggapin ang kapalaran na si Romano ang may dahilan ng sunog na ikinasawi ng kakambal?Mas mananaig ba ang poot o pag-ibig at pagpapatawad?
WARNING: SUPER HOT STEAMY SCENES IN EVERY CHAPTER. BEWARE YOU MIGHT BE HOOKED WITH WILD AND STIRRING WETNESS!!!Regina Cruz isang single hot mommy na mag-isang itinaguyod ang limang taong gulang na anak na babae sa pagbebenta online. Wala siyang balak na mag-asawa dahil ang tingin niya sa lahat ng lalake ay manloloko lalo na ang mayayaman. Isinusumpa niya na hindi siya iibig sa may kaya at gwapo ngunit nagbago ang lahat ng makilala niya ang lalakeng magpapatibok sa kanyang pihikang puso. Samantala, si Rodge Winter, isang half- Australian bachelor at ready to mingle, tagapagmana ng W&H Shipping & Cargo Company magpapanggap sa katauhan ni Rogelio na isang delivery rider upang mapalapit sa babaeng natitipuhan. He finds Regina the woman he crave for; hot and oozing with sex experience. Mapapasakay niya kaya si Regina sa gusto niya lalo na mabunyag ang totoong katauhan niya? Paano na lang kung malaman din ni Rogelio ang sekreto niyang tinatago na may kinalaman sa totoong pagkatao ng kanyang anak at may koneksiyon doon si Rodge? May maganda kayang kahihinatnan ang dalawang pusong mapagpanggap?
WARNING : SUPER RATED SPG!!!How will you react when you discover that the stranger man you had slept with and lose your virginity was the man you had despised your father fixed you to marry? Joanna, 21 and a fresh graduate, only daughter of Don Armando, rich and famous restaurant owner was destined to marry the son of her father's best friend to expand their business without her consent.But Joanna don't agree with her father's decision. She would never marry a man whom she never know and love.In order to stop the coming marriage, she left their mansion and find her true love.Will she ever find her true love in the secluded island where she choose to stay? Or will love finds her with the billionaire guest in the island who happened to be the guy who she gave her virginity in that one fateful night in the bar where they first met ?The billionaire is no other than Jaimee. Will she give in to his charm and have an illicit affair with him when she already knew that he is bound to marry soon?Will she accept Jaimee, the pretender when she learns his true identity?Love leads the way and destiny plays fair in love.
WARNING: Masarap ang bawal na pag-ibig- nakakabaliw! nakakapanabik! nakakawala ng wisyo!
Naghihimagsik ang puso't isipan ni Aubrey ng malaman niyang nagpakasal ang kanyang ina sa batang-batang lalake na halos matanda lang sa kanya ng ilang taon ayon pa sa nabalitaan niya.Hindi niya na sana naisin pang umuwi ng Pilipinas kung hindi lang dahil sa nalaman. Kaya niyang tikisin ang ina kahit pa ilang taon at kahit sa huling araw nito sa mundo dahil sa matinding pagkasuklam niya rito.Namatay ang kanyang ama sa sama ng loob dahil sa pangangaliwa ng ina.Sa pagkamatay ng ama sabay niya ring kinalimutan ang ina at nagpakalayo-layo sa Amerika.Tahimik na sana ang buhay niya kung hindi lang dahil sa nalaman niyang masamang katotohanan na wala siyang mahihita ni isang kusing na kayaman kung hindi siya uuwi ng Pilipinas at makikisama at titira sa iisang bubong kasama ang ina at kanyang stepdaddy na isa pa lang kasalukuyang gobernador ng kanilang probinsiya. Paano niya mapaglalabanan at maiiwasan ang tukso ng mabagsik na karisma ng kanyang super hunk and sexy stepdaddy na si Alexis Montemayor, ang lalakeng matagal niya ng gusto buhat ng siya'y labingwalong taon pa lamang ngunit ang tingin nito sa kanya ay bata at hindi kaibig-ibig. Hindi man lang siya nito tinatapunan ng pansin kahit ipinagduldulan niya na ang sarili noong nasa nasa unang taon niya pa lang sa kolehiyo at nasa huling taon na sa university ng binata .Kasabay ng kanyang paglalayas ay sinundan at hinanap niya ito sa America ngunit nabigo siya. Sa kanyang pag-uwi, magkrukrus muli ang landas nila ng binata na ngayon ay kanyang stepdaddy. May mamumuo kayang kakaibang pagtingin sa kanilang dalawa? Paano kung hindi lang pala stepdaughter ang tingin sa kanya ni Alexis dahil sa unang tagpo pa lang ng kanilang pagkikita ay agad na nabighani ang binata sa kanyang alindog. Ipagpatuloy ba nila ang matinding pagnanasa sa isa't isa kahit alam nila na bawal ang kanilang pag-iibigan at masasaktan ang ina niyang malapit ng mawala sa mundo na ang tanging kahilingan ay mapatawad niya ito.Kakayanin kaya niyang saktan ang ina para sa bawal na pag-ibig o gagamitin niya lamang si Alexis upang makapaghiganti sa ina?
Dahil sa labis na kapusukan at padalos dalos na desisyon ay naggawang ipagkaloob ni Janelyn ang sarili sa kanyang kasintahan na si Jayden. Pareho silang nasa kolehiyo ng magkakilala at magkamabutihan.Graduating student na si Jayden samantalang si Janelyn ay nasa ikalawang taon pa lang sa kolehiyo.Dahil labis na pagmamahal niya kay Jayden ay walang pagdadalawang isip niyang tinanggap ang alok nitong kasal. Dahil ayon pa kay Jayden sa kanya ay hindi na nito kayang mawala siya sa buhay nito kung kaya't magpapatali na siya kay Janelyn. Lingid sa kaalaman ng mga magulang nila ay nagpakasal sila sa huwes dahil pareho naman sila sa wastong edad ay naging legal ang naganap na kasalan.Buong magdamag nilang pinagsaluhan ang init ng pag-iisa ng kanilang nag-aalab na mga katawan.Ngunit matapos ang isang gabing walang sawang pagniniig ay ipinadala si Jayden ng mga magulang nito sa Barcelona,Spain upang pangatawanan ang mga naiwang negosyo ng mga magulang.Nangako si Jayden na babalikan niya si Janelyn ngunit lumipas na lang ang ilang linggo ay wala na siyang balita sa kanyang asawang si Jayden.Lumipas ang dalawang buwan ay napag-alaman niyang nagdadalawang-tao siya. Dahil sa takot na malaman ng kanyang mga magulang ang sinapit niya dahil sa kanyang karuwagan ay ikinubli niya ang kanyang sitwasyon. Nagbaka sakali siyang magkaroon ng balita tungkol kay Jayden sa mga magulang ngunit pati ang mga ito ay nagmigrate na rin sa Espanya.Napilitan siyang huminto ng pag-aaral at magpakalayo-layo at napadpad siya sa Isla Del Azul kung saan niya isinilang ang kanyang anak na si Nicole.Mapalad siya at tinulungan siya ng may ari ng isla at binigyan siya ng trabaho bilang resort crew.Sa paglipas ng panahon ay unti-unti niya ng nakalimutan ang ama ng kanyang anak. Malaki ang hinanakit niya dito dahil nakalimutan at tinikis siya nito.Paano kung magkukrus muli ang landas nila ni Jayden sa isla at hindi na siya nito nakilala?Maalala pa kaya siya ng pusong nakalimot ni Jayden lalo na ng makita nito si Nicole na madaling nakagaan ng loob nito? Paano kaya niya maibabalik ang pag-ibig sa kanya ni Jayden kung may iba na itong minamahal?
Si Margo, 22 anyos at nakapagtapos ng secretarial course ,iginapang ang sariling pag-aaral. Nag-iisang siyang anak sa pagkadalaga ng kanyang inang anak mahirap din. Ipinapangako niya sa sarili na itataguyod niya ang mga nakakabatang kapatid sa hirap at pag-aaralin ang mga ito. Kung saan pa nakapagtapos na siya ng pag-aaral ay ipinagkanulo siya ng sariling ina. Ibininta siya nito sa isang mayamang lalake upang matubos ang malaking pagkakautang nila dahil sa pagkalulong ng ina at amain niya sa sugal. Dahil sa poot at galit sa ina ay naggawa niyang magpakalunod sa alak sa bar at natagpuan niya na lang ang sarili isang umaga sa isang hotel room na hubo't hubad at naipagkaloob niya na ang sarili sa estrangherong lalake dahil sa kalasingan. She escaped from that stranger man who took her virginity at dahil nga wala na ang iniingatang puri ay nakiayon na rin siya sa ina na maging pambayad utang. Sa gabing makakaharap niya na ang mayamang lalake ay napag-alaman niya na ang estrangherong lalake na nakaangkin sa kanya ay walang iba kung hindi si Marco Sullivan, ang mayamang lalake na pinagkakautangan ng kanyang ina at amain.Paano na lang kung higit pa sa isang gabing pambayad utang ang gusto ni Marco sa kanya? Gagawin siya nitong sekretarya sa kumpanya nito.Nawala na ang pangamba niya ng akala niya'y trabaho lang ang kabayaran ng pagkakautang ng pamilya niya.Higit pa pala dahil gagawin siya nitong alipin ng araw-araw nitong libog at pagnanasa.Matatakasan niya kaya ang isang Marco Sullivan na isa pa lang monster sex addict o tuluyan na siyang mapapasailalim sa makamunduhang pagnanasa nito? Paano na lang kung ang tingin pala sa kanya ni Marco ay isa lamang laruan at pampalipas oras.Mababago pa kaya ang kapalaran ni Margo kung ang pag-ibig sa puso niya ang pakikinggan niya lalo ng malaman niyang nagbunga ang maraming beses na nangyari sa kanila ni Marco? Paano kung malaman niyang may fiancee na pala ito? Handa kaya siyang ipaglaban ang karapatan ng magiging anak nila ni Marco kung sa umpisa pa lang ay alam niya na ang lugar niya sa buhay ni Marco?