bc

Marrying The Prince Of Maharlika (Tagalog)

book_age16+
1.8K
FOLLOW
5.4K
READ
adventure
reincarnation/transmigration
arranged marriage
powerful
comedy
twisted
bxg
mystery
superpower
kingdom building
like
intro-logo
Blurb

Sa di inaasahang pangyayari ay napunta si Alyana sa Kaharian ng Maharlika, ang kabilang daigdig ng Pilipinas.

Lahat ng wala sa kaniya sa realidad ay nakuha na niya sa mundo ng pantasya. Ngunit sa kabila ng mala-fairytale na buhay ni Alyana ay kailangan niyang makuha ang loob ni Prinsipe Isagani at pakasalan ito sa loob lamang ng anim na buwan upang makabalik siya sa mundo niya. Ngunit sa isang kondisyon, hindi niya maaaring mahalin ito.

Paano kung nahulog ang loob niya sa prinsipe?

Mas pipiliin ba niyang isakripisyo ang buhay para sa pag-ibig?

2020 © Ziellanes. All rights reserved.

chap-preview
Free preview
Prologue
ALYANA’S POV UNTI-UNTI nang nabura sa puso't isipan ang istorya ng ating ninuno simula nong nasakop tayo ng mga dayuhan. Maraming tinago at maraming hindi kinuwento sa atin kung paano tayo nagsimula at kung paano nabuo ang isang dugong maharlika na ngayon ay binansagang Pilipino. Maiksi lang ang sinulat sa libro ng kasaysayan patungkol sa lahi natin hanggang sa binilog tayo ng mga istoryador na nadiskubre lang daw ang ating bansa ng isang dayuhan at pinangalan itong Pilipinas? At iyon ang hindi maunawaan ng mga mamamayan na umiiral na ang lahi natin bago pa tayo madiskubre. Alam niyo ba kung bakit tayo pinag-interesan? Dahil mayaman ang bansa natin! Sagana tayo sa kayamanan kaya pilit na sinakop tayo ng mga mananalakay para akuin ang yaman na mayro'n sa atin. Bakit naman nila sasakupin ang bansa kung walang bagay na mahalaga ro'n? Paano kung nabawi ng ating mga ninuno ang dapat sa atin matapos ang ilang taong pananakop ng mga dayuhan? Wala na sigurong manlilimos sa panahong ito? Wala na sigurong OFW na aalis upang may makain lang ang pamilya bagkus maraming dayuhan ang makikipagsapalaran makakuha lang ng trabaho sa bansa natin? Hindi na siguro tayo gaano mahihirapan sa panahon ng kagipitan? Hindi na siguro natin mararanasan ang diskriminasyon dahil mas angat tayo kaysa sa kanila? Hindi na siguro natin mararanasan ang trapiko sa kalsada dahil mas malago na ang kaalaman natin tungkol sa teknolohiya? Wala na sigurong mahihirap na pipila sa mga ospital dahil may mga pampublikong ospital na nakalaan para sa kanila upang magbigay serbisyo ng libre na sagot mismo ng ating pamahalaan? At may mas bibilis pa siguro sa 911 pag tatawag tayo ng ambulansya? May naiwan mang bakas ang mga mananakop sa bansa natin (simula sa salita, kultura at gawa) paano kung hindi nagpatalo ang ating mga ninuno na ibandera ang dugong maharlika? Ito ang bansang Maharlika, ang kabilang daigdig ng Pilipinas. Sinara ko ang kuwaderno matapos kong isulat ang unang bahagi ng ginawa kong kuwento tungkol sa Kaharian ng Maharlika. Humikab ako sabay unat ng aking katawan dahil dinaloy na ako ng antok. Umupo ako sa kama, at bago ko pa ibagsak ang aking katawan ay bigla kong naisip si Lola Sepring. Tumayo ako at nilisan ang silid upang bisitahin ang kuwarto ng lola. “Lola Sepring?” aniko habang kinakatok ang pinto. “Pasok apo.” Binuksan ko ang pinto at nakita ko ang aking lelang sa kama. Pumasok ako saka umupo sa gilid ng kama niya. Binalot na ng katandaan si Lola Sepring dahil sa kulay abo niyang buhok, panghihina ng katawan, panlalabo ng mga mata at ang kulubot niyang balat. “Good night, lola,” malambing na wika ko saka ko siya hinagkan. Humiwalay ako sa yakap. Napansin ko ang malungkot na mukha niya. Siguro dahil presko pa sa ala-ala ni Lola Sepring ang pagkamatay ng kaniyang asawa. Isang taon pa lang ang nakalipas n’ong namatay si Lolo Jose dahil sa stroke. “Hindi ka pa ba inaantok?” tanong niya sakin. Nginitian ko lang siya dahil hindi ko alam kung paano ko paluluwagin ang loob ni lola. Minsan ko lang siya nakitang masaya simula n’ong pumanaw si Lolo at kasunod nito ang hindi maipintang mukha. Tumayo ako. “Matutulog na po ako, Lola.” Hahakbang pa lang ako pero bigla niyang hinawakan ang pulso ko kaya ako natigilan. “Sandali, apo.” Dama ko ang panginginig ng kaniyang boses at karaka ang pag-ubo niya ng malakas. Mabilis akong lumapit sa kaniya. Hinaplos ng aking palad ang dibdib ni lola upang pakalmahin ang ubo niya. Nataranta na ako dahil walang tigil ito, ni hindi na siya makahinga ng maayos. “Parang awa mo na lola, tama na.” Naiiyak na ako dahil pinangunahan na ako ng takot. Paano kung ito na ang katapusan niya? Umiling ako dahil sa masama kong isip. Hindi na napigilan ng mata ko ang mapaluha. Ilang sandali pa ay tumigil na rin siya sa pag-ubo. Huminga siya nang malalim at dahan-dahang nilabas ang hangin. Hinawakan niya ang aking kamay. “Hindi na ako magtatagal sa mundong ito, Alyana,” malungkot niyang sabi sa akin. “Magkikita tayo sa hinaharap…” Hinawakan niya ang pisngi ko. “…basta isulat mo kung gaano kaganda ang Kaharian ng Maharlika.” Ngumiti siya sa akin habang pinahid ng kaniyang hinlalaki ang luha ko. “Hindi ko po kayo maintindihan.” Ang huling ngiti niya ang siyang binaon sa akin bago niya nilisan ang mundong ito. Unting lumuwag ang pagkahawak niya sa aking pisngi saka bumagsak ang kaniyang kamay. Hindi ko maigalaw ang katawan ko sa nangyari dahil hindi ako makapaniwala na ito na ang huli naming pagkikita. “LOLA SEPRING!” Malakas na hiyaw ko pagkuwan ay niyakap ang bangkay niya. Pumatak ang mga luha ko na may kaakibat na hikbi. N’ong dumating na ang mga magulang ko ay nilayo nila ako kay lola. Hanggang sa kinuha na ang katawan ni lola para daw i-balsamo. “Tahan na, Alyana. Mabuti na ang kalagayan ng Lola Sepring mo,” pang-aaliw ni mama sa akin. Limang araw lang ang burol ni lola ay nilibing na siya. Pagkatapos no’n ay bumalik ako sa pagsusulat hanggang sa naubos ko ang kalahati ng kuwaderno ko. Sampung taong gulang pa lamang ako ay malawak na ang isip ko pagdating sa kasaysayan ng Pilipinas. Palagi kasi kinukuwento sa akin ni Lola Sepring ang mga nalaman niya tungkol sa ninuno natin kaya ginawan ko ang kuwento ng Kaharian ng Maharlika. “Grabe ang kuwento mo, Alyana! Sobrang nabitin ako…ni hindi ko man lang nalaman kung ano ang kasunod na nangyari nong umamin ang prinsesa sa nararamdaman niya para sa prinsipe,” wika ng matalik kong kaibigan na si Danica. “Itutuloy ko na lang pagkatapos natin gawin ang takdang aralin.” Simula nong pumanaw si Lola Sepring ay binenta nina mama ang bahay na iyon at saka lumipat kami sa bagong bahay na binili ni papa. Daan na rin upang makalimutan ang ang nangyari kay lola, para maka-move on ako. Lumipat na rin ako ng paaralan kaya nakilala ko si Danica. Doon ko tinapos ang grade school ko at matagumpay na naging valedictorian. “Congratulations, anak! Proud na proud kami ng mama mo,” masayang pagbati ni papa sa akin. May inabot siyang regalo, binuksan ko ito at nakita ko ang naka-frame na litrato namin ni lola. Binisita ko ang puntod ni lola. Pinakita ko sa kaniya ang gintong medalyang nakuha kong parangal sa graduation. Kinuha ko sa bag ang kuwaderno at malakas kong binasa ang laman nito. “Hindi ko pa po natapos ang kuwentong ito, pero sigurado ako na magugustuhan mo ang sistema ng Kaharian ng Maharlika dito.” Pinatong ko ang kuwaderno at ang gintong medalya sa putod niya. Siguradong masaya siya para sa akin. “Lumalakas na ang hangin, Alyana. Mukhang parating na ang ulan!” sabi ni mama. Napatingala ako sa langit. Ang maitim na ulap ang siyang nagpaalala sa masakit na nakaraan. Ang ala-alang bumalot sa akin kung bakit naisulat ko ang kuwentong ito. Naramdaman ko ang pag-iyak ng langit sa mukha ko. Masakit ang mga patak nito. “Halikana, mababasa ka." Hinila ako ni mama papuntang sasakyan. Nakaalis na ang sasakyan nang maalala kong naiwan ko pala ang kuwaderno. Nanghihinayang ako dahil binasa na ng ulan iyon. Kinabukasan ay bumalik ako ngunit wala na akong matantuan. Hindi ko alam kung may kumuha.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.2K
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
598.3K
bc

A night with Mr. CEO

read
175.3K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.8K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.5K
bc

Contract - Tagalog

read
753.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook