bc

Oh It's you Again

book_age16+
348
FOLLOW
1.0K
READ
love-triangle
brave
confident
comedy
twisted
sweet
childhood crush
coming of age
enimies to lovers
intersex
like
intro-logo
Blurb

Isabella holding a promise, isang promise na ginawa nila nang kanyang kaibigan noong bata pa.

Walang katiyakan kung kailan babalik ang kaibigan nya. And she hold his promise hindi lang dahil sa kaibigan nya ito but she has a crush on him "First Crush" kaya lang ng umamin siya na crush niya ito ay aalis na pala ito nag promise ang lalaki na magkikita ulit sila kapag lumaki na sila at saka siya nito sasagutin.

Hanggang sa lumaki na si Isabella ay hawak pa din niya ang promise na iyon. Si Isabella ay isang makulit , masayahin , pasaway na bata at may pagka-clumsy dahil sa ugali nya na iyon nag cross ang landas nila ng isang lalaking ubod ng yabang , playboy , antipatiko, sikat sya at higit sa lahat Playboy.

Ang bangan nilang dalawa ay mauwi kaya sa pagmamahalan?

Can she fall for this guy? Or she can wait for her first crush?

First crush or first love?

chap-preview
Free preview
Prologo
Isabella Point of View   “Isa, dalawa, tatlo, apat, lima” sabi ng mga batang umiikot-ikot kay Isa na masamang nakatingin sa mga kalarong bata. Palagi kasi siyang niloloko ng mga ito.   ‘”Isang pangit! Habulin mo na kami!” sabi ng isa sa mga kalaro nila.   “Ang daya-daya n’yo palagi na lang ako ang taya kahit na nahuli ko na isa sa inyo,” pagmamaktol ni Isa sa mga kalaro niya.   “E ano naman ngayon? Kasi nga Isang pangit ka!” sabi ng isang batang lalaki na kalaro din niya.   “Akala naman ninyo hindi kayo pangit, kita n’yo nga ang dudumi at ang babaho n’yo pa,” sabi ni Insang sabay ayos ng kanyang buhok na ipinusod pa talaga ng ama niya kahit na tabingi.   “Maganda ako sabi ng tatay ko! Kayo ang mga pangit!” sigaw pa ulit ni Isa.   “Akala mo ba matatakot mo kami? E mag-isa ka lamang at kami ay tatlo,” sabi pa ng matabang bata.   Msamang tingin ang ipinukol ni Isa sa tatlong kalaro. Susugurin na sana niya ito ng dumating ang isang batang lalaki na humarang kay Isa. Akala ni Isa ay isa din itong mambu-bully sa kanya pero nagulat na lamang siya sa ginawa ng bata.   Iniharang ng batang lalaki ang kanyang mga kamay at saka tiningnan ng masama ang tatlong mga bata. “Hindi siya nag-iisa, dalawa kami at bago n’yo siya mahawakan ay ako muna ang makakaharap ninyo!” sabi ng batang lalaki.   “Kilala mo iyang pinagtatanggol n’yo? Si Isang pangit iyan at putok sa buho dahil wala siyang mga magulang,” sabi ng babaeng mataba.   “Meron akong mga magulang!” palaban na sabi ni Isa. “Nasaan? Wala ka nga maipakita e yung sinasabi mong Nanay at Tatay mo ay inampon ka lamang.   Lumungkot ang mukha ni Isabella sa sinabi ng tatlo dahil tama ang mga sinasabi nila. Tiningnan ng batang lalaki ang batang si Isa na malungkot na ngayon.   “Hindi siya putok sa buho, marahil wala nga siyang mga magulang dito pero meron naming nag-aalaga sa kanya!” pagtatanggol ng batang lalaki. Umakto siyang susuntok kaya naman nagsitakbuhan ang mga bata.   “Kayo ang mga pangit! Duwag din pala kayo!” sigaw ng batang lalaki. Nang masiguradong wala ng ang mga bata ay pinuntahan niya ang batang si Isa.   “Ayos ka lang ba?” tanong niya.   “Oo ayos lang ako maraming salamat ha!” pagpapasalamat ni isa.   “Wala iyon, sa susunod ay huwag ka ng makikipaglaro sa mga iyon kung palagi ka lamang nilang aasarin,” sabi ng batang lalaki.   “Wala kasi akong ibang makalaro,” malungkot na sabi ni Isa.   “E di tayo na lang dalawa ang parating maglalaro,” masayang sabi ni Isa.   “Talaga?” lumiwanag ang mukha ni Isa sa narinig sa bata.   “Oo,” simpleng sagot naman nito.   “Ako nga pala si Isa, ikaw?” pakilala ni isa. Ang bata naman ay saglit na tumigil at nag-isip.   “Iking, ako si Iking,” pakilala ng batang lalaki. Simula noon ay madalas na silang maglaro. May oras nga na tinuturuan mag-bike ni Iking si Isa at masayang natatapos pagdating ng hapon. At gaya nga ng sinabi ni Iking ay hindi na nakipaglaro si Isa sa dati niyang mga kalaro. At ang mga ito ay panay na lamang ang tingin sa kanila sa tuwing makikitang masayang naglalaro. Dumating ang araw na kailangan na ni Iking umalis dahil ang mga magulang niya at siya ay aalis, nagbakasyon lamang pala ang mga ito at hindi talaga dito titira. Malungkot na pumunta si Iking sa lugar ng pinagkikitaan niya. Malayo pa lamang ay tanaw na ni Iking ang batang si Isa na masaya ng makita siya nito.   “Iking bakit ka malungkot? Ayaw mo na ba akong kalaro?” tanong ni Isa kay Iking.   “Hindi s ganu’n Isa. Masya akong makalaro ka ang problema lang kasi ay baka ito na ang huli nating pagkikita,” malungkot na sabi ni Iking.   “Ay bakit naman?” lumungkot ang boses ni Isa.   “Aalis na kasi kami dito, hindi ko alam kung kailangan kami babalik o hindi na,” umiiyak na si Isa.   “Huwag kang umiyak ipakita mo sa kanila na matapang ka para hindi ka nila apihin,” sabi ni Iking.   “Hindi na ba talaga tayo magkikita?” tanong ni isa.   “Oo” sagot ni Iking.   “Kailangan ang alis n’yo?” tanong ulit ni Isa.   “Mamayang gabi ay aalis na kami, hindi ko nga alam kung saan kami pupunta,” paliwanag ni Iking   “Iking, may gusto sana akong sabihin sa’yo kaya lang ay nahihiya ako,” sabi ni Isa.   “Ano iyon?” tanong ni Iking. “Crush kasi kita Iking,” nakatungong sabi ni Isa. Tumawa naman si Iking kaya mas lalong nalungkot si Isa. “Alam kong hindi mo ako magugustuhan kasi ang pangit-pangit ko,” malungkot na sabi ni Isa. “Hindi ka pangit Isa, maganda ka at masaya lang ako dahil sa sinabi mo. Hayaan mo kapag lumaki na tayo ay magkikita tayong muli dito sa may punong ito at saka kita sasagutin,” lumiwanag naman ang mukha ni Isa.   “Promise?” sabi ni isa.   “Oo promise ko iyan sa’yo,” sabi ni Iking. At saka sila nagyakapan dalawa.   Inilabas naman ni Isa ang bracelet na ginawa niya na may pangalan ni Iking at may puso sa dulo. At sinulit nilang dalawa ang araw ng huli nilang paglalaro. Excited naman si Isa na lumaki na at makita ulit si Iking ng sa ganu’n ay sagutin na siya nito.    

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unexpected Romance

read
38.3K
bc

I Sold My Virginity To A Billionaire. RATED SPG/ R-18

read
2.3M
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
454.0K
bc

One Night with the Bachelor

read
7.1M
bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
329.0K
bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.5K
bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
272.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook