bc

The Revenge of Marco Demicillo

book_age16+
7.4K
FOLLOW
104.2K
READ
revenge
second chance
self-improved
confident
heir/heiress
twisted
sweet
bxg
city
first love
like
intro-logo
Blurb

BOOK 1&2 COMPLETED

Bully. Liberated. Self centered. That was Vrenda Dela Vega. Ginagamit niya ang ganda, impluwensiya ng mayamang pamilya at kasikatan sa buong campus para lang makuha ang gusto. Ngunit ano ang gagawin ng Miss perfect na kagaya niya, kung pagkatapos ng ilang taon ay muling mag-krus ang landas nila ng isang taong pinagkakautangan niya ng malaki? Madadaan niya kayang muli ang lalaking ito sa ganda niya kagaya noon? O kakainin niyang lahat ang sinabi niya na naglagay sa lalaking ito sa malaking kahihiyan?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
    ISANG ordinaryong araw para sa magkakaibigang Vrenda, Sheryl, Thea at Dina ang araw na 'yon ng Martes. Tamang pasok sa first and second classes and the rest ay hindi na papasukan. Tatambay sa secret canteen at after lunch na ulit ang balik para naman sa pang-tanghaling klase, everyday routine na nila 'yon. Markado na nga sila ng guidance councilor. At siguradong lahat sila'y puro palakol na naman ang report cards. Katwiran nila'y basta nakakapasa. Kung sabagay, kayang-kaya namang gawan ng paraan ng mga magulang nila ang bagay na 'yon kaya hindi sila nag-aalala. Isang airconditioner, brand new table or latest school projector lang naman ang katapat ng line of 8 sa mga cards nila.  "I think this is your long time wish, Vren! Ano pa'ng hinihintay mo? Lapitan mo na!" sabi ng kaibigan niyang si Thea na bahagya pang pinagbangga ang mga balikat nila. Nasa canteen silang apat para sana mag-lunch nang mamataang nasa isang sulok at nag-iisa si Marco, ang ultimate crush niya.  "Just wait and see, girls. Watch me." Sinuklay niya ng mga daliri palikod ang bangs na tumatakip na halos sa mga mata niya, pagkatapos ay hinubad ang bag at ibinigay kay Sheryl. Sigurado ang lakad at walang kahit kaunting kaba na tinungo niya ang table nito at walang pakialam sa mga kapwa estudyanteng nakatingin sa kanya. Inggit siguro dahil obvious naman na kanina pa nagpapapansin ang mga ito kay Marco, at siya, siya ang may K na lumapit dito. "Hi! Can I join you here?" sinadya niyang patamisin ang ngiti at nilakipan ng landi ang tinig.         But to her dismay, sandali lang nitong iniangat ang mukha at dagli ring ibinalik ang atensyon sa pagkain, ni hindi man lang nagsalita. Nainsulto siya dahil doon. Pakiramdam niya ay nag-akyatan ang lahat ng dugo niya sa ulo dahil sa ginawa nito. Hiyang-hiya siya lalo't mangilan ngilan rin ang narinig niyang naghagikgikan sa paligid. Sa isip niya'y ang kapal ng mukha nito para ganunin siya.     "Hey, I'm asking you!" pinilit niyang pakalmahin ang sarili. "Miss, maraming bakanteng lamesa. Doon ka na lang, ayoko ng istorbo sa pagkain ko." supladong sabi nito na hindi natinag sa pagkain, sunud sunod pa nga ang subo nito. "Are you saying na ayaw mo kong kasabay??" nanggigigil na bulalas niya. Pinaka-timpi ang sarili na huwag maibuhos dito ang laman ng kanyang tray. "Just go away!" pagtataboy nito na tuluyang nagpalabas ng galit niya. "Fine! You will regret this!" nagpupuyos sa galit na sabi niya bago tuluyang lumayas sa gilid nito. Sa tanang buhay niya kasi'y ngayon lamang siya napahiya ng ganito sa harap ng maraming tao at isang lalaki pa ang dahilan. Kadalasan kasi'y sinasamba siya ng mga kalahi ni Adan. Ano't ang isang ito'y pinagtatabuyan siya? Dahil sa sobrang galit, isinumpa niya na ito na ang una't huling beses na magbibigay siya ng salita para rito.     Mula noon ay iniwasan na niya si Marco at hindi na pinanonood ang mga practice ng team nito. Desidido siyang ipakita ritong persona non grata na ito sa kanya. Oo nga at crush niya ito pero di hamak namang mas maraming gwapo sa mga manliligaw niya na magkakandarapang sundin ano man ang gusto niya. Sinabi niya sa sariling marami lang itong magandang katangian kaya niya napagtuunan ng pansin.      Team Captain kasi ng volleyball team sa school nila si Marco. Tulad niya ay popular ito sa campus. Matalino, guwapo, matangkad, maganda ang tindig at katawan nito. Higit sa lahat, halimaw sa sports na volleyball. Kung siya ay pangarap ng mga boys sa school nila, ito naman ang hangad ng lahat ng naka-palda.  Subalit ayon sa naririnig niya, si Marco ay galing sa karaniwang estado ng pamilya. Ang ama nito ay katiwala sa isang hacienda na pag-aari ng isang mayamang haciendero sa bayan nila.     Second year high school sila pareho ng makuha nito ang atensiyon niya. Sa lahat ng practice                                 ni Marco ay nanunuod siya kahit sa oval o sa gym pa. 'Yun nga lang, hindi siya nagtititili katulad ng schoolmates niya, feeling niya kasi ka-cheapan 'yon at nakakawala ng poise. "GOD! WHERE is Vrenda na ba, Sheryl? Sabi ni sir Francis kapag hindi pa siya dumating in fifteen minutes sa ibang bus na siya sasakay!" naiinip na sabi ni Dina kasabay ng isang mahabang pag-hikab. Biyernes noon at field trip nila pero nananatiling wala pa si Vrenda. "Hindi ko alam, kanina ko pa siya tinatawagan pero naka-off ang cp niya. Parating na rin siguro 'yon." "Wala pa rin ba si Vrenda??" nagkatinginan ang magkakaibigan dahil salubong na ang kilay ng adviser nila.  "Wala pa po, sir." sabay sabay na sagot ng halos lahat. "Hindi ba't alam naman niya na may oras ng alis ang bawat bus?? Isa pa, sinabi ko sa inyo na hindi kayo ang hihintayin! Five minutes na lang at aalis na tayo. At kapag wala pa siya ay sa ibang section na siya masasabay!" "T-tatawagan ko na lang po ulit, sir." "Yes, please, Sheryl." Ngunit kahit anong dial ang gawin niya ay wala pa ring sagot mula sa kabilang linya. At nang umusad na ang bus ay nawalan na siya ng pag-asang sasagot pa si Vrenda. Kung sakaling darating ito ay siguradong sa ibang seksyon na masasabay. "s**t! NAIWAN na nila ko!" gigil na sabi ni  Vrenda ng makitang bus number nineteen na ang nakatakdang umalis samantalang bus number eighteen sila. Hindi niya maiwasang manggalaiti sa kasambahay nila na nakalimutan siyang gisingin, sa isip ay gusto niya itong tirisin. Dali-dali niyang inakyat ang naturang bus. "Excuse me, Ma'am Charito..." "Vrenda! What happened? Nakaalis na ang bus ninyo, anak. 'Di bale, ibinilin ka ni Francis sa akin. Umakyat ka na at sa amin ka na sumabay." nakangiting sabi nito. Si Mrs. Charito Yambot ay adviser ng IV-Juan Luna section eight. Siya ay section five. "T-thank you, Ma'am." aniya na nag-aalangan kung sasabay nga ba sa mga ito o hindi pero naisip na wala naman siyang pagpipilian. Sayang naman ang ibinayad niya kung uuwi na lamang siya. "Sige na, hija, umakyat ka na. May vacant seat pa."     Halos wala sa sariling inakyat niya ang bus. Hindi niya alam kung gaano karami ang narinig niyang napa-wow habang ang iba ay napa-sipol pag-akyat niya. Nagpalinga-linga siya para maghanap ng mauupuan pero mukhang nagkakamali yata si Mrs Yambot ng sabihin nitong may bakante pa. "Sa tabi na lang ni Marco ang bakante, Vrenda. Ayun sa pangalawa sa dulo." narinig niyang sabi ng isa. Bahagya siyang napangiwi ng marinig ang pangalan ni Marco. Nakalimutan niyang section eight nga pala ito. Awtomatiko siyang napahinto at tinimbang sa sarili kung tatabi rito o hindi.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Innocent Wife

read
3.4M
bc

Broken Angel

read
3.9K
bc

Be Mine Again

read
98.8K
bc

Unwanted

read
510.5K
bc

My Nerd Ex-Wife(Tagalog)

read
9.6M
bc

DELTA MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
3.6M
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook