bc

Ayla and the Art of Death (COMPLETED)

book_age12+
583
FOLLOW
1.5K
READ
murder
love-triangle
family
second chance
powerful
drama
twisted
scary
small town
like
intro-logo
Blurb

Siya ang bunga ng pag-ibig nina Zyl at Ayla. Bunga ng BAWAL na pag-ibig. Sa bawat pagningning ng buwan, kasunod ay kadiliman. Siya ang itinakda. Kumakatawan sa pulang buwan. Simbolo ng kamatayan. Mapipigilan kaya ni Zyl ang nakatakdang panganib?

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
NANDITO ako sa verandah ng bahay sa ikalawang palapag at nakatingin ako sa malawak na lupain na sakop ng pag-aari ko habang binabantayan ang anak kong si Zea na mag-isang naglalaro sa damuhan. Sumandal ako sa railings patalikod mula sa kinaroroonan ni Zea. Ilang taon na rin ang lumipas simula nang iwan kami ni Ayla. Nakakalungkot. Nakakamiss, but I can't do anything about it. Wala akong kakayahang buhayin siya. Napatingala ako sa langit. Wishing Ayla would just appear in front of me. Hindi ko sukat akalain na mawawala siya ng ganoon nalang but years have passed and I should move on, right?Pero paano? Paano ako makakapag- move kung sa puso ko, umaasa pa rin akong babalik siya? I heaved a deep sigh and I shook my head. Kung sana may ganoong kapangyarihan si Ayla 'di sana ay matagal na siyang bumalik sa akin. Sa amin ng anak niya. Five long years and I still yearn for her. "Pa!" Napalingon ako sa gawi ni Zea nang marinig ko ang boses niya. She's waving at me at malapad ang ngiti niya. "What?" tanong ko at humarap sa gawi niya. "Wala po akong kasama maglaro, Papa. Can you join me?" Zea asked. "Can't join you. Ikaw na lang ang maglaro. Do whatever you want," saad ko at tumalikod uli mula sa direksyon niya kaya hindi ko na nakita ang reaksyon niya. "Thank you, Pa. I'll do whatever I want," narinig kong sagot ni Zea na may himig ng pagtatampo ngunit agad ko iyong pinalis sa isip ko. Wala na akong narinig na kahit ano mula kay Zea. Nang lingunin ko siya ay tumatakbo siya palabas ng bahay na marahil ay galing siya sa loob at may dalang sketch pad. Regalo sa kanya iyon ng Ninong Karl niya since she's preparing for grade school next year. Naupo siya sa ilalim ng punong mangga at tumingin-tingin sa paligid. Zea caught my interest. Inilagay niya sa mga hita niya ang sketchpad at sumandal sa katawan ng punong mangga. Pinapanood ko siya habang marahang gumagalaw ang mga daliring may hawak na lapis. Nakikita ko sa paggalaw ng hawak niyang lapis ang kasiguraduhan sa ginagawa niya. Kung titingnan ang ritmo ng pagguhit niya ay para siyang isang eksperto! Pero ngayon ko lang siya nakitang gumuhit! Sumulyap siya sa gawi ko at nakangiting nagtanong. "Papa, gusto mo po bang iguhit kita?" Sumikdo ang dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan. Isa iyong imbitasyon mula sa anak ko ngunit tumututol ang isip ko. Nang marinig ko ang sinabi ni Zea ay parang...ibinulong sa akin ang kamatayan ko. "No," matigas na sagot ko na nagpalungkot sa mukha niya, "some other time, Zea," dagdag ko. Ayoko namang nakikitang palaging nalulungkot o nadi-disappoint sa akin ang anak ko. "Okay po." She answered and continue on what she's doing. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya habang patuloy siya sa pagguhit. Ngunit napansin kong parang bumilis ang galaw ng kamay niya. Nakita kong biglang dumiin ang pagkakahawak niya sa lapis at hindi ko maintindihan ang sarili ko. I wanted to call her and stop her pero bakit? Gumuguhit lang siya at wala namang masama doon. Pinagsawalang bahala ko na lamang iyon at binigyan ng huling sulyap si Zea bago umalis sa verandah. "Zyl.." Napalingon ako sa may-ari ng kamay na nakapatong sa balikat ko. Nandito ako ngayon sa farm at tinitingnan ang dalawang baka na namatay. Nakarating sa kaalaman ko kaninang hapon na nakitang pinatay ang dalawang baka sa hindi malamang dahilan. "Kuya Eddie. Ano'ng nangyari?" "Hindi ko alam kung ano ang dahilan nito Zyl pero sadyang pinatay ang dalawang hayop. Nakita kong marami ang saksak nito sa katawan!" balita ni Kuya Eddie. "Sinaksak? Ano'ng kasalanan ng baka para saksakin nang ganyan? Tsk!" "Iyon ang nakapagtataka. Parang galit na galit ang may gawa nito. O, di kaya ay napagtripan lang ng adik." "May nakita ka bang pumasok dito kanina? Mataas pa ang araw. Kung may nakapasok man na adik o ano, makikita mo." "Iyon nga. Walang ibang nakapasok dito. Hindi ko talaga alam, Zyl. Nakapagtataka kung paanong nakapuslit ang may gawa nito gayong iisa lang naman ang daan papasok dito." "Unless, inakyat niya ang mga wires na bakod nitong farm." The old man laugh. "Nagpapatawa ka Zyl. Walang sinumang tanga ang aakyat sa bakod mo. Edi, tostado sila 'pag inakyat nila 'yan. Kahit adik hindi magkakamali. Live wire ba naman." "Huwag kang pakasiguro, Kuya Eddie. Paano kung hindi baka ang nakita niya? Paano kung si Zea?" "Hindi mangyayari iyan, Zyl. Asahan mo, maghihigpit ako rito. Susuriin ko rin ang mga bakod. Baka may nasira," ani Kuya Eddie. "Maraming salamat. Palalampasin ko ang nangyari sa dalawang hayop pero kapag may masamang mangyari sa anak ko, makakapatay ako ng tao." Bahagyang nagulat si Kuya Eddie sa sinabi ko ngunit agad din iyon napalitan ng pang-unawang ngiti. "Naiintindihan ko, Zyl. Huwag kang mag-alala." Tumango ako kay Kuya Eddie at sinulyapan ang dalawang baka na walang awang pinagsasaksak sa katawan at tumalikod na pabalik ng bahay. Napalatak ako at napailing. Mukhang adik nga ang may gawa nito. Dapat hindi na siya magkakaroon ng tsansang makapasok pa uli rito. Mag-isa lang na gumagala si Zea sa loob ng lupain. Kahit na may tiwala akong hindi masasaktan ninuman ang anak ko habang nandito ako, hindi pa rin ako nakakasigurong kahit na nandito siya sa loob ng bahay ay walang magtatangka sa kanya ng masama. Hindi ko alam kung sino ang maaaring magiging kalaban ko. Pagdating ko ng bahay ay sinalubong ako ni Zea sa pinto. "Papa, saan ka po galing?" tanong niya habang matamang nakatitig sa akin. Mukhang kagagaling lang niya sa pag-iyak dahil namumula ang mata at ilong niya. "Kinausap ko lang ang Tiyo Eddie mo. Did you cry?" tanong ko habang paupo sa sofa. "No, Pa," mabilis niyang sagot at ngumiti, "gusto mo po ng masahe?" "No." I answered shortly. "Coffee po?" "Zea, go back to your room and do whatever you want." "Yes, Papa," sagot niya at patakbong tinungo ang kwarto. Napahilot ako ng sentido ko nang biglang pumitik iyon. Hell! What Am I doing? Sinundan ko si Zea sa kwarto niya at sinilip siya sa loob. I saw her with her sketchpad again. Nakaupo siya sa mataas niyang arm chair at nakadungaw sa nakabukas na bintana. I'm sure she's gonna draw again. Marahan kung hinila pasara ang pinto at hinayaan na lang siya sa ginagawa. ALAS CINCO pa lamang ng umaga ay naririnig ko na ang boses ni Kuya Eddie na nasa tapat ng bintana ng kwarto ko. Halos nakapikit pa ang mga mata ko nang dungawin ko siya sa bintana. "Bakit?" tanong ko sa medyo paos pang boses. "Zyl, sumama ka sa akin at may ipapakita ako sa iyong importante," sabi ni Kuya Eddie na halata ang pagkabalisa. "May problema na naman ba?" "Kailangan mong sumama sa akin para makita mo," saad niya. "Sige. Give me five minutes. Hintayin mo 'ko sa labas ng pintuan," sagot ko at tinungo na ang banyo para maghilamos. Bago umalis ng bahay ay sinilip ko muna si Zea sa kwarto niya. She's still sleeping at dalawang oras pa bago ang oras ng gising niya. Tamang-tama lang mamaya pagbalik ko ay gising na siya. Lumabas ako ng bahay at naabutan ko si Kuya Eddie na naghihintay nga sa akin. "Ano pong problema?" takang tanong ko. Hindi mangigising si Kuya Eddie nang ganito ka aga kung walang problema. "Zyl, may bago na namang namatay na hayop!" "What? How come?" gulat kong tanong. "Hindi ko alam. Sinigurado kong sarado ang malaking tarangkahan bago ako natulog kagabi." Shit! Kahapon lang ay dalawang baka ang namatay ngayon ay mayroon na naman! "Samahan mo ako sa koral, Kuya Eddie. Hindi ko na palalampasin ang ginawa ng kung sino mang iyon ngayon! Sinusubukan niya ang pasensya ko!" "Alamin muna natin kung sino ang may gawa nito. Nagtataka lang ako na wala akong narinig na ano mang ingay kagabi. Alam mong tulog manok ako." "I believe you, Kuya Eddie. Pero sino naman ang pwedeng gumawa nito? Paano kung wala ng hayop dito na papaslangin? Huwag siyang magkakamaling saktan ang anak ko!" "Alam kong hindi mo papayagang mangyari iyon, Zyl," sagot ni Kuya Eddie habang kasabay ko siya sa paglalakad. Pagdating namin sa koral ng mga baka ay napalatak ako nang makitang nakabulagta ang dalawa pang baka sa lupa. Apat na baka na ang namatay. "Siya nga pala, Zyl. 'Yong puno ng niyog dyan sa gilid ng kulungan ng mga manok bigla na ring namatay. Nakapagtataka," saad ni Kuya Eddie kaya marahas akong napalingon sa gawi niya. "Ano? Ano'ng namatay bigla? What do you mean?" Sumunod ako kay Kuya Eddie habang papalapit siya sa poultry. Sinundan ko ng tingin ang itinuro niya at napamura uli ako nang makitang natuyo lahat ng dahon ng niyog. Parang kahapon lang ay may bunga pa ito at berdeng-berde pa ang mga dahon tapos ngayon ay natuyo na? What the hell is happening? "Hindi kaya peste ang dahilan nito, Zyl?" ani Kuya Eddie na napatingala din sa puno ng niyog. "Ano’ng klaseng peste?" tanong ko, "this is so weird," bulong ko sa sarili. Napailing si Kuya Eddie na marahil ay wala ring maisagot. "Nakapagtataka ang mga nangyayari nitong nakalipas na araw, Zyl." "Alam ko, Kuya Eddie. Aalamin ko ang dahilan kung bakit ganito ang nangyayari. Tatawagan ko si Karl para magpadala ng vet dito. Ikaw na ang bahala sa patay na hayop. Kailangan ko munang umuwi sa bahay. Mag-isa lang si Zea doon." "Sige. Ililibing ko muna ang mga iyon. Ikamusta mo na lang ako sa anak mo, Zyl," bilin ni Kuya Eddie. "Sige. Salamat. Mauna na ako," sagot ko at mabilis ang mga hakbang na bumalik sa bahay. Pagdating ko sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ni Zea para silipin siya. Nakita ko siyang mahimbing na natutulog pa rin sa kama niya. Akma ko na sanang isasara ang pinto nang mahagip ng mata ko ang sketch pad niya na nasa sahig sa ibaba lang ng kama niya. Marahan akong pumasok at dinampot iyon para ipatong sa ibabaw ng kama niya ngunit napakunot noo ako nang makita ang iginuhit ni Zea. What the hell? Kinusot ko ang mga mata para siguraduhing hindi ako namamalikmata lang! But I'm not mistaken! Nakatitig ako sa iginuhit niya at hindi ako makapaniwala! Para iyong buhay na buhay! Para siya propesyonal na artist gayong limang taong gulang pa lamang siya! Nang ilipat ko sa ibang pahina ng sketch pad niya ay para akong biglang nawalan ng kulay! Pakiramdan ko natuyo ang lalamunan ko at unti-unting sumibol ang kaba ko sa dibdib! Ang mga iginuhit ni Zea ay ang eksaktong eksena ng mga hayop na nakita ko sa koral! Nakikita ko sa sketch pad niya ngayon! Is it possible that.. Oh, s**t! Binuklat ko pa ang ilang pahina ng sketpad niya at nakita ko ang kalahating mukha ni JM na naiguhit doon. Malamang ay hindi niya ito natapos! I suddenly had the urge to call JM this very moment. Bigla akong kinabahan. Biglang bumalik sa alaala ko ang mga sinabi ni Ayla dati habang pinagbubuntis niya si Zea! Naalala kong naikwento niya sa akin na madalas siyang nananaginip tungkol sa batang babae na gumuguhit at nagliliyab sa apoy! Oh, s**t! Don't tell me si Zea talaga ang nakikita niya dati? Hell, no! Nagmadali akong bumalik sa kwarto ko at hinanap ang cellphone ko. Nang makita ko ay agad kung idinayal ang number ni JM. Pagkatapos ng dalawang ring ay sinagot nito ang tawag. "Kuya Zyl," bungad ni JM. "What happened to you?", kinakabahang tanong ko nang marinig kong may kakaiba sa boses niya. "Namamaga ang kaliwang part ng mukha ko, Kuya Zyl. Pasensya na, hindi muna ako makakadalaw kay Zea. Nangako pa naman ako sa kanya na itutuloy niya ang pagguhit sa akin. Hindi niya kasi natapos nong isang araw." Fuck! No! "Hindi na pwedeng gumuhit si Zea," mariing sagot ko. "Kuya Zyl?" tanong ni JM na may halong pagtataka ang boses. "Hayaan mo at gagaling din ang pamamaga ng mukha mo. Huwag ka munang pumunta ng doktor," bilin ko. "Pero halos tatlong araw na ito, Kuya. Mas namamaga pa lalo at nag-aalala na si Mama." "Trust me, JM. Ako ang bahala sa 'yo," sagot ko. "Okay." Pagkatapos ng tawag ko kay JM ay bumalik ako sa kwarto ni Zea at kinuha uli ang sketchpad niya. Saktong pupunitin ko na sana iyon ng bumangon si Zea at naalimpungatang tumingin sa direksyon ko. "Papa, huwag po!" sigaw niya. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay may kung ano’ng pumipigil sa kamay ko sa kung ano man ang gusto kong gawin! No! Hindi magiging totoo ang sinabi ni Ayla dati! Hindi totoo ang babala ni Alvadon! Hindi ko hahayaang magkatotoo ang nakatakda sa propesiya ng Orsiana!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
534.5K
bc

Stubborn Love

read
98.8K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
186.8K
bc

One Night with the Bachelor

read
7.1M
bc

Dirty Little Secret (R18 Tagalog)

read
408.0K
bc

Just Another Bitch in Love

read
27.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook