bc

Angel in Disguise (Tagalog)

book_age0+
34.3K
FOLLOW
276.6K
READ
goodgirl
band
drama
tragedy
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

She has been a fighter all her life. She passed through many struggles yet those things didn't change her. She became stronger as she make people around her wonder, what is an angel doing here on Earth?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Note! Please read! I wrote this story wayback in 2015, so the plot might not be that unique and the content might not be well delivered. Please bare with it though, I don't want to edit the story anymore because I might ruin the originality. Also, some details might not match accordingly but I'm trying to find them so I can fix it. If may details po kayong napansin na hindi nagmamatch pls don't hesitate to send me a msg, it will be a big help since I don't have much time to re-read all of the stories. And pls remember, you are free to judge the story but in a respectful way, that's the only kind of criticism I can accept. Also, if you want to read my recent stories, you can follow me on my w*****d account. My username is Priceless_smiles. Minsan mahirap siyang isearch so try to search for #xian and it will lead you to some of my stories. That's all, thank you so much! Ayesha's POV "Miss president!" Halos malaglag ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang nakababasag eardrums na boses ng secretary namin.At mukhang pati siya ay nagulat din sa reaksyon ko.Sinamaan ko tuloy siya ng tingin bago ko pinahaba ang nguso ko. "Argg! Ellyse, kelan ba hihina yang boses mo?" Singhal sa kaniya ni Prince,ang surgent at arms ng student council. Inirapan lang siya ni Ellyse at nagdiretso na palapit sa table ko.She smiled at me bago tumingin sa bintana sa likuran ko.Napataas ang kilay ko at napatingin din. "Napapansin ko lang na madalas kang nakamasid diyan." Bumalik ang tingin niya sakin. "May crush ka sa varsity ano?" She waggled her eyebrows. Ang nasa labas kasi ng bintana sa likuran ko ay yung mismong basketball court kung saan laging nagpapractice ang varsity team ng university. I smiled before I snatched the folders she's holding. "Saan galing ang mga 'to?" Umupo siya sa swivel chair sa harap ng table ko at ngumiti na parang tanga. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili kong matawa. "Ano ba Ellyse! I'm asking you." "Eh tinatanong din kasi kita, so sino nga? Sinong crush mo sa varsity?" She looks so much interested at alam ko namang hind rin ako makakatakas sa kaniya.But still, ayoko talagang sabihin. Normal lang naman kasing magkagusto sa isang katulad niya, sikat siya at isa siyang mabuting tao. "Wala." "I don't believe you. Matagal na tayong magkaka-kilala dito, tayo pa bang maglolokohan? Dali na kasi." "Tigilan mo nga yang si miss president sa kakulitan mo." Biglang singit ni Prince habang nireretype yung mga attendance sheets namin for this month. Iniutos ko yan sa kaniya last week pero ngayon palang pala niya ginagawa. Nilingon siya ni Ellyse at tinaasan ng kilay. "You know what Prince? I don't need your opinion here. Bakit hindi mo nalang tapusin yang ginagawa mo? Last week pa yan iniutos ni Ayesha sa'yo pero ngayon mo lang ginagawa, wala ka talagang kwenta." And she even rolled her eyes. Natawa nalang ako. This two always argue over petty things, para silang aso't pusa. Kaya madalas silang tinutukso ng adviser namin eh. Madalas talaga nilang pag-awayan yung pagiging late sa pag-respond ni Prince sa mga utos ko. Si Ellyse kasi, wala pang twenty four hours may output na, si Prince naman bibilang ka pa ng linggo bago magsubmit kaya lagi silang nagbabangayan. Lumingon ulit sakin si Ellyse at nabigla naman ako nang hawakan niya ang dalawang kamay ko na nakapatong sa table. "Come on Ayesha, who's the guy?" I can't help but be entertained dahil sa nakikita kong kislap sa mga mata niya. Ganitong ganito siya kapag desidido siyang malaman o gawin ang isang bagay. Gusto ko tuloy matawa dahil halatang halata ang curiosity niyang malaman kung sino ang crush ko. Am I really that obvious? She pouted bago niya binitiwan ang kamay ko. I smiled, akala ko kasi ay sumuko na siya pero nagulat ako nang tumayo siya at pumunta sa bintana sa likuran ko. Binuksan niya yun at mas ikinagulat ko ang sunod niyang ginawa. "Hi guys!" Bati niya sa mga tao sa labas. Hinila niya ako kaya napatayo ako sa tabi niya at hindi pa rin ako makapaniwala sa ginagawa niya. "Say hi to our student council president, ang ganda niya hindi ba?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nagtawanan naman ang mga varsity players sa ibaba. Ellyse is known for her sense of humor kaya sikat siya sa school. Masaya kasi siyang kasama at napaka-vulgar niya at straight to the point. Kinakabahan tuloy ako, baka kung anong sabihin niya. "Hoy Ehl! Ano nanamang kabaliwan yan?" I recognized Earl nang sumigaw din ito. Oo nga pala, our vice president is also a part of our varsity team. I shrugged when his gaze shifted to me, nginitian ko nalang siya. "Earl! Pakilala mo naman kami sa teammates mo!" "Ellyse--" Nilingon niya ako at nginitian. "Getting to know each other stage miss pres." And she even winked at me. Ugh, really Ellyse. Nagthumbs-up si Earl bago hinila ang dalawang lalaking pinakamalapit sa kaniya. "Ralph." He named the guy on his left. "Kevin." The guy on his right. Binitiwan niya yung dalawa at lumapit naman siya sa tatlo pang lalaki na nakaupo sa bench. "Francis,Christian .." My heartbeat almost stopped when he turned to Ken. Gusto kong patigilin si Earl at sabihing kilala ko na siya. But I think something blocked my power of speech. "Kenneth." Nagulat ako nang kumaway ito sa akin, parang may kung anong pumitik sa dibdib ko kaya napahawak ako rito. Pero pakiramdam ko ay nawalan na talaga ako ng hininga nang ngumiti ito at magsalita. "I know her, I met her last week." Yeah, last week, when I got hit by him.Tinamaan ako ng bolang hawak niya nung magkasama kami ni Naomi and I still remember how goodlooking he is. And I believe, nung tinamaan ako ng bola, Cupid hit me too. Love at first sight is real. "Kenneth Yu pala ha." Nabalik ako sa katinuan nang bumulong si Ellyse malapit sa tenga ko. Napatingin ako ulit sa mga players sa ibaba at nagsisimula na sila ulit magpractice. I decided to go back to my seat pero sumalubong sakin ang malapad na ngiti sa mukha ni Ellyse. "Finally, akala ko talaga abnormal ka dahil wala kang lalaking nagugustuhan. Yun pala.." Kusa itong tumigil, nagtaas-baba ang kilay nito habang nakatingin ng makahulugan sa akin. Pinamulahan naman ako ng pisngi. Nakakainis talaga si Ellyse, nalaman niya agad na may gusto ako kay Ken dahil lang sa naging reaksyon ko. Pero tama siya, akala ko din kasi ay abnormal na ako dahil wala ako masyadong napapansing lalaki. Kung meron man, panandaliang paghanga lang. "Oh saka kana magdaydream,you need to sign these." And now she's back being our secretary, pagkatapos niya akong usisain balik trabaho nanaman siya. Tinanguan ko nalang din siya kaya nagpaalam na siya at kailangan niya na daw umuwi. Pinayagan ko na din since natapos na naman niya lahat ng pinagagawa ko. Si Prince nalang at ako ang naiwan dito sa SC Office. I took the folders para matignan ang laman ng mga yun and I found out na mga proposals pala yun para sa nalalapit na Foundation week ng university. Proposals ito ng mga suggestions ng bawat minor organizations sa buong school para sa mga activities. Una kong nabasa ay yung sa Association of Psychologists.Yung suggestion nila ay yung pinaka-common na Marriage booth. I was about to skip reading it nang mabasa ko yung word na with a twist. Kumunot agad ang noo ko and I decided na basahin yung buong proposal. The usual, kikidnap sila ng mga ipapakasal pero based daw sa pagkaka-view nila sa tao. Nung una hindi ko maintindihan kung paano nila gagawin 'yon pero dahil nga Psychologists sila, they will study the person at kung sino yung may parehong level of being, yun yung ipe-pair nila. And the two should stay together until the end of the foundation week celebration to pretend na parang sila nga. I laughed silently at my seat kasi naman parang Valentine's day yung ise-celebrate. Bakit may ganoong effect pa? Dahil tuloy natuwa ako ay in-approve ko yung proposal nila. I suddenly thought of Kenneth. Sana ..sana kahit sa last day lang pareho kami ng state of being. Wala namang masama right?Minsan lang ako mag-wish ng ganun. Wala naman kasi akong ibang alam sa ganiyan, NBSB kasi ako, no boyfriend since birth. Hindi ko rin alam kung bakit, may mga nanliligaw sa akin pero wala akong time i-entertain sila dahil busy akong i-entertain yung expectations ng family ko. I sighed. Hindi ito ang unang beses na nagkagusto ako sa isang lalaki, pero ito ang unang beses na talagang gustong gusto ko siya. Dati naman okay na ako sa pasulyap sulyap dahil panandalian lang naman ang admiration ko sa tao but Ken is really different na hindi ko na siya makalimutan simula nung matamaan niya ako ng bola. Kilala ko naman siya, who wouldn't know him kung isa siyang sikat na varsity player at vocalist pa ng isang sikat na banda. Pero hindi ko kasi ugaling magkagusto sa mga taong halos gusto rin ng lahat. I mean, halos buong school ang kaagaw ko sa kaniya. Napaka-common na kasi na dahil gwapo siya at talented kaya magugustuhan ko siya. Iba kasi ang dahilan kung bakit ko siya gusto, mabait kasi siyang tao. Kung yung ibang aroganteng players ang nakatama sa akin noon ng bola, sigurado ako na hindi man lang nila ako tutulungan o aalukin na dalhin sa clinic. Hindi lang naman iyon, ang dami kong nalaman sa kaniya dahil sa mga nakalipas na araw na inii-stalk ko siya. Aaminin ko namang stalker nga niya ako but atleast I have a nice reason, gusto ko lang siyang makilala pa. And everytime na may mabubuting bagay akong nakikita sa kaniya, lalo akong nahuhulog sa kaniya. I didn't know na posible pala iyon, yung kahit hindi naman talaga kayo close ay aabot ka sa puntong gustong-gusto mo siya dahil sa ugali niya. I know this is not love, alam ko kasi wala namang dapat dahilan para magmahal ka ng tao. You'll love a person without knowing why. Napasandal ako bago ko pinaikot ang swivel chair paharap sa bintana. I stared at the sunset as I sighed. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko pero wala namang masama kung susubukan ko hindi ba?Gusto ko kasi siya eh,gustung-gusto. **

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Innocent Wife

read
3.4M
bc

Stained (Boy Next Door 3)

read
4.9M
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.4K
bc

His Property

read
946.0K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.8K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
186.8K
bc

My Nerd Ex-Wife(Tagalog)

read
9.6M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook