bc

The Cheating Well

book_age16+
1.7K
FOLLOW
4.1K
READ
reincarnation/transmigration
age gap
second chance
brave
drama
comedy
bxg
humorous
self discover
rebirth/reborn
like
intro-logo
Blurb

“If you'll have the chance to live again after you die, would you take it?"

Hindi matanggap ni Letisha Mae Valderama ang malupit na sinapit niya. Namatay siya nang hindi manlang nakamit ang kaniyang mga pangarap, and worst, naiwan niya pa ang kaniyang kasintahan. Ngunit hindi siya sumuko. Sa purgatoryo mismo, tumakas siya upang maghanap ng paraan makabalik lamang sa kaniyang katawan. At isang pagkakataon ang sa kaniya’y lumapit nang matagpuan niya ang isang balon sa gitna ng gubat ng purgatoryo. Isang lalaki ang nag-alok sa kaniya ng isang kasunduan—ang muling ipanganak upang makamit ang kaniyang mga pangarap. Ngunit dahil sa kapangahasan, ni hindi siya nagtanong ng kapalit. Nagising na lamang siyang buhay na siyang muli ngunit hindi na siya si Letisha, kundi si Mikaela Reyes.

Sa kaniyang paghahanap ng sagot kung paano matatapos ang kaniyang misyon bilang Letisha, nakatagpo niya si Jhon Floyd Pamplona. Isang gaya niyang nakipagsapalaran sa cheating well. At sa kanilang paglalakbay, unti-unti nilang nakakamit ang misyong nais ng mga nakaraang buhay nila kasabay ng pagkahulog sa isa't isa. Ngunit habang palapit sila sa kanilang tagumpay, doon naman ipinahayag ang kapalit ng paggamit ng pandaraya. Isang kapalit na magpapaguho sa kanila.

chap-preview
Free preview
KABANATA 1:
KABANATA 1: Nakangiti akong naglalakad habang hawak ang cellphone ko. Ka-text ko kasi Rufert ngayon. Panay ang tunog ng keypad ng cellphone dahil sa pagmamadali kong magtext. Patawid na rin kasi ako sa kalsada. Excited na akong makita siya dahil halos isang linggo rin kaming hindi nagkita matapos ang paghahanda namin sa nalalapit na exam. From: Rufert. Miss na miss na kita. Nasasabik na akong makayakap ka ulit! Kaagad akong nagtipa ng isasagot. To: Rufert. Ako rin. Huwag kang mag-alala at susulitin natin ang bawat sandaling magkasama tayong dalawa. Mabilis din siyang nagreply. From: Rufert. Malapit na ako, sasalubungin kita. Nag-init ang magkabilang pisngi ko dahil sa kilig. Habang nakangiti na nakatingin sa aking cellphone, nag-umpisa na akong maglakad patawid sa kalsada nang magsilakad na rin ang kasabay kong tatawid. Ang hindi ko napansin ay nag-jaywalk lang pala iyong dalawang tumawid. Gulat na napahinto ako sa paglalakad nang nakasisilaw na liwanag ang bumalot sa mga mata ko. Isang nakabibinging tunog ng motorsiklo ang pumailanlang sa tenga ko kasabay ng pagsalpok nito sa akin. - "MISS LETISHA MAE VALDERAMA, ikinalulungkot kong ipaalam sa'yo na kailangan mo nang sumama sa akin." Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata nang marinig ko ang isang baritonong boses. No'ng una'y blurry pa ang paningin ko at medyo nagtataka pa ako kung sino ba 'yong nagsalita ngunit nang idilat ko nang husto ang mga mata ko, unti-unti kong nasilayan ang isang lalaking nakasuot ng itim na damit. "S-sino ka?" Kaagad na napalinga ako sa paligid dahil naguguluhan ako. Nasa kalsada pa rin ako pero kami lang ng lalaking kaharap ko ang nandito. "Ako ang naatasang sumundo sa'yo," sagot niya. Nangunot ang noo ko. Oo at medyo angat kami sa buhay pero hindi pa naman kailanman naghire ng taga-sundo si daddy at mommy. Isa pa, 21 na ako, ba't ngayon pa nila naisipang ipasundo ako? "Nasaan si daddy? Bakit hindi siya ang susundo sa akin? Si Rufert nasaan?" tanong ko ulit. Hindi niya ako sinagot, sa halip ay tinitigan niya ako sa mga mata. Kasabay no'n ay ang unti-unting pagdaloy sa memorya ko ng mga nangyari sa akin kani-kanina lang. Nasagasaan ako ng motor habang abala ako sa pagtetext. Magkikita kasi kami ni Rufert. Isang linggo rin kaming hindi nagkita kaya sabik ako sa kaniya. Nanginig ang labi ko dahil sa alalahaning iyon. Wala sa sariling napatayo ako. Doon ko lang nakita ang mga nagkakagulong tao sa paligid ko. Napakarami ng nakikiusyo sa kung ano ang nangyari. Napakurap ako at luminga sa paligid, nanginginig ang buo kong katawan. "Tulungan nyo siya! Letisha, please wake up!" Mas lalong nanginig ang katawan ko nang marinig ang boses ni Rufert habang sumisigaw at humihingi ng tulong. Nilingon ko ang direksyon niya at agad na napatakip ako sa bibig nang makita ang duguan kong sarili habang yakap ng boyfriend ko. Napahagulgol ako, nanginginig ang buong katawan ko dahil hindi ko matanggap. Hindi katanggap-tanggap na namatay ako nang ganito! Hindi dapat ganito ang nangyari sa akin! Simpleng motorsiklo lang 'yon, e. Bakit kailangan mamatay ako agad-agad? "Miss Letisha, kailangan nyo na pong sumama sa akin." Nilingon ko iyong lalaking sundo ko raw, "Hindi! Buhay pa ako, mabubuhay pa ako! Hindi pwedeng mamatay na lang ako nang basta-basta!" sigaw ko habang humahagulgol pa rin. "Hanggang dito na lang po ang buhay mo, may talaan kami ng mga taong mamamatay sa araw na ito at kasama ka roon." Hinawakan niya ang kamay ko pero kaagad ko 'yong binawi, "Hindi ako makapapayag na mamamatay ako nang ganito lang! Marami pa akong pangarap sa buhay!" puno ng hinanakit na sabi ko. "Hindi nyo ba pinipili kung sino ang mga dapat maunang mamatay? Dapat piliin ninyo ay 'yong mga tapos na sa misyon nila sa buhay!" Hindi sumagot ang lalaki, inangat niya ang kamay niya at pumitik. Imbes na makapagsalita pa ako, unti-unting nanlabo ang mga mata ko. Kasabay no'n ay ang pagtulo ng luha at ang pagkawala ng malay ko. Nagising ako sa isang maaliwalas na kwarto. Napakalinis ng itsura ng kwartong ito dahil sa puting dingding pati na rin ang mga gamit. Para bang pinapakalma ako nito at pinapayapa ang kaisipan ko. . . pero hindi, hindi nito mababago ang kagustuhan kong mabuhay pa. Hindi pwedeng mamatay na lang ako nang ganito lalo na at may naghihintay sa akin. Lalo na at gusto ko pang makatapos ng kolehiyo, makasama si Rufert nang mas matagal at maikasal sa kaniya. Kaagad na bumangon ako mula sa malambot na kamang may puting bed sheet. Kailangang makaalis ako rito at makahanap ng paraan para makabalik sa katawan ko. Nagmadali akong naglakad papunta sa pinto ngunit pagkabukas ko no'n, na-disappoint ako dahil nakita kong may nagbabantay na lalaki. Nakasuot siya ng puting tuxedo, kung may men in black, siya naman ay men in white. Hindi ko alam kung nasa langit na ba ako pero parang oo dahil puro puti ang nakikita ko paligid. "Nasaan si San Pedro? O kaya si Papa God? Kailangan ko silang makausap para makabalik ako sa lupa!" kaagad na sabi ko. Hindi ako pinansin ng lalaking tagapagbantay kaya aalis na sana ako pero kaagad siyang humarang sa daraanan ko. Para bang may super powers siya na mabilis nakarating sa harapan ko. "Sige na kuya! Kailangan ko nang bumalik sa lupa! Kailangan ko pang mabuhay dahil marami pa akong gustong gawin!" Hinawakan ko ang lalaki sa magkabilang-balikat at niyugyog siya na kaagad niyang ikinagulat. "Kuya! Parang awa mo na po, kailangan ko nang makabalik sa lupa kasi baka nailibing na nila ako!" Pero hindi pa rin siya nagsasalita. Nanatili siyang tahimik habang inaalog-alog ko siya. Hanggang sa sumuko na lang ako na alugin siya at pakiusapan. Napukaw ng pansin ko ang isang kwadradong golden plate sa tabi ng pinto kung saan nakasulat ang pangalan ko roon. Letisha Mae Valderama Special Case Kaagad ko 'yong itinuro, "Special case ako! So baka ibig sabihin ibabalik nila ako sa lupa in a miraculous way?" ani ko at saka muling nilingon ang lalaking nagbabantay sa akin. Marahan siyang umiling na ikinalungkot ko. Tutal hindi naman marunong magsalita ang lalaking 'to, baka pwedeng. . . Kaagad na tumakbo ako, binilisan ko ang pagtakbo para sana hindi niya ako maabutan pero hindi iyon nangyari. Kasi kahit ano pala ang bilis ko, may superpowers siyang damputin ako at ibalik papasok sa loob ng kwarto. Narinig ko na lamang ang pag-lock ng pinto. Napakagat ako sa labi dahil sa labis na pagkadismaya. Hanggang dito na lang ba talaga ako? Hindi na ba talaga ako pwedeng bumalik sa lupa? Hindi ko na ba talaga magagawa ang unfinished missions ko? Hanggang dito na lang ba talaga ang buhay ko? Paano sila mama at papa? Sure ako na umiiyak na sila ngayon dahil ang bata ko pa namatay na kaagad ako. Marami pa silang pangarap para sa akin. Ni hindi ko pa nga natatapos ang pag-aaral ko tapos ganito lang? Bakit ang unfair naman? Bakit 'yong iba halos mala-demonyo na ang ugali at inabot na lang ng ilang taon hindi pa rin namamatay? Bakit ako na maraming pangarap at mabait na tao, namatay na lang bigla sa hindi inaasahang pagkakataon? Bakit ako pa? Napaupo na lang ako sa sahig at saka isinubsob ang mukha ko sa aking mga tuhod. Gusto ko na ulit na makita ang mga magulang ko. . . Si Rufert. . . sigurado akong umiiyak siya ngayon dahil sa nangyari sa akin. Nangako ako na pakakasalan ko siya pero paano na ngayong wala na ako?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
329.0K
bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.5K
bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
454.0K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
275.8K
bc

OSCAR

read
226.4K
bc

A Husband's Regret (Tagalog)

read
542.8K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook