bc

Marrying a Tyrant Billionaire

book_age18+
34.2K
FOLLOW
187.2K
READ
billionaire
possessive
contract marriage
family
love after marriage
bxg
brilliant
city
multiple personality
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

❗R-18 | MATURE CONTENT❗

Samantha Velasco, isang babae na ipinambayad utang ng mga umampon sa kanya.

Labag man sa kalooban niya, napilitan siyang pakasalan ang anak na panganay ng pinakamayamang pamilya sa lungsod kahit pa hindi niya ito mahal.

Isa lang naman ang rason kung bakit siya pumayag. Iyon ay upang matustusan ang pagpapagamot sa kanyang kapatid na may sakit.

Pero may nalaman siyang kanyang ikinagulat.

Ang buong akala niya, ikinasal siya sa mas matandang anak ng Hender family, ngunit hindi niya alam na ang lalaking kanyang pinakasalan pala ay pangalawang anak na si Gabriel Hender.

Gabriel Hender, ang totoong tagapagmana ng pinakamayamang pamilya. He's the king of commerce, the ruthless workplace tyrant, and her sister's dreaming husband.

Paano malalaman ni Samatha na iba pala ang taong pinakasalan niya?

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
"S-sorry, Sir, hindi ko po sinasadya," nanginginig na wika ni Samantha. Nadumihan niya ang polo na dapat ay susuutin ng boss niya. "Ito na ang pangalawang beses na pagkakamali mo sa araw na ito!" bulyaw nito sa kanya. Pangalawang araw pa lang ni Samantha sa trabaho bilang stylist nito ngunit puro kapalpakan na siya. "Alam mo pa ba ang ginagawa mo, Miss? Bakit wala ka ata sa sarili mo habang nagtatrabaho?" "Pasensya na po, Sir. Hindi na po mauulit," nakayukong wika ni Samantha. Alam niya na katapusan na niya sa araw na iyon. Mawawalan na siya ng trabaho dahil sa kapalpakan niya. Tumayo ito at lumapit sa kanya. Biglang kinabahan si Samantha. "Ano ba ang gusto mo mangyari? Gusto mo bang manatili na lang ako rito?" nakangising wika nito. Napaatras si Samantha, hindi niya alam kung ano ang gagawin. Hinawakan nito ang baba niya at pilit hinuhuli ang mga titig niya. Dahil sa ginawa nito ay hindi magawang huminga nang malakas ni Samantha, kumibot nang kaunti ang labi, bumilis ang pintig ng puso at naging blangko ang isip. Looking at Samantha gradually reddening face, Gabriel laughed softly and said, "one more chance." Ang magandang boses na iyon ay tumunog, na naging sanhi upang siya ay halos hindi makapaniwala na nakatakas talaga siya sa kalamidad na ito. Akala niya, katapusan na niya. Akala niya, hindi na siya bibigyan ng pagkakataon ng isang tinaguriang: The king of commerce. A ruthless workplace tyrant. The legendary President of He's Consortium. The diamond king that a million women would love to see? He had too many titles. Ngunit isa lang ang tumatak sa isipan niya. Ang sinumang magkakamali sa harap niya ay huwag ng umasang makakabalik pa. Dalawang pagkakamali ang nagawa niya ngayon, ngunit hindi siya nito hinayaang mawala. Mabilis na umalis ang matangkad at malaking nitong pigura sa harapan niya. Bumalik ito sa harap ng salamin, umupo at sinabi, "Lady, I have only fifteen minutes." Nagbalik sa katinuan si Samantha at nagmadali upang matapos ang natitirang gawain. Matapos ang kanyang trabaho, nag-aalalang nagtanong si Samantha, "ang kabayaran para sa dalawang pirasong damit? Magkano po?" Gabriel looked at her with interest, "seeing that you have voluntarily admitted your wrongs, we will only charge you the price, five hundred thousand per piece." "Ano? Isang milyon para sa dalawang set ng damit?" gulat na gulat na tanong ni Samantha. "Why? Hindi mo kayang bayaran? Kung hindi... may iba ka pa bang paraan para mabayaran ang utang mo? Alam mo? Kung hindi sana palpak ang trabaho mo edi sana wala kang babayarang utang." Pagkatapos sabihin iyon ay napatingin naman si Gabriel sa kanyang bagong ayos. Satisfied siya dahil mas lalong gumuwapo siya sa naging ayos niya ngayon. He then glaired at Samantha in the mirror and stood up and left. Samantha was so angry that she couldn't even speak. Habang nagpupuyos siya sa galit ay siya ring tunog ng kanyang cell phone. Tiningnan ni Samantha kung sino ang tumatawag at kaagad na kinabahan ng makita na ina ng kanyang nobyo ang tumatawag. Pero kaagad din niyang kinalma sa sarili at inisip na good news ang ibabalita nito. Huminga muna siya nang malalim bago ito sinagot. "Hello, Auntie. Mayroon na bang balita kay Anthony?" Hindi kaagad nakasagot ang nasa kabilang dulo ng telepono kaya nagsimula na namang kabahan si Sam. Halos isang minuto lumipas bago ito nagsalita. “Sam, wala pa ring balita kay Anthony. Dalawalang araw na ang lumilipas pero wala pa rin balita mula sa mga taong nag-rescue sa kanya. Natatakot na ako at nawawalan na ng pag-asa na may makaligtas pa." Kaagad naging blangko ang isip ni Sam nang marinig ang sinabi ng ina ni Anthony. Nanginig ang katawan niya at nanlambot ang mga tuhod dahil sa kaba. Dahil sa panlalambot ng tuhod ay pasalampak siyang naupo sa upuan at napahawak sa kanyang sintido. "Hindi kaya p-patay na si Anthony?" bulong ni Sam. Bakit ka mamamatay ng gano’n na lang! Hindi ba sinabi mo na magsasama tayo habang buhay? Hindi ba't sabi mo na magpapakasal pa tayo sa iyong pagbalik? Sinungaling ka, Anthony, napaka sinungaling mo. Puno ng hinanakit na aniya sa kanyang isipan. Dahil sa hinanakit na nararamdaman ay hindi na namalayan ni Samantha kung paano siya lumabas sa pintuan. Nang makabalik siya sa kanyang kamalayan, natagpuan na lang niya ang sarili na naglalakad sa daan at basang-basa ang kanyang buong katawan. Pinunasan rin niya ang basang mukha, hindi alam kung nabasa ba iyon ng ulan o ng kanyang mga luha. Halos nanlalabo rin ang kanyang paningin. Nais niyang umiyak at ilabas ang lahat ng kanyang galit at sama ng loob ngunit tila walang lumabas na boses sa kanyang lalamunan. Parang sasabog na siya sa sakit na nararamdaman. At kasabay ng pagbuhos nang malakas na ulan ay tila nawalan na rin siya ng pag-asa sa buhay. ****** Habang sakay ng sasakyan ay naagaw ang pansin ni Gabriel ng isang pigura na naglalakad sa gilid ng kalsada. Napakunot noo siya dahil nakilala niya kung sino iyon. Hindi siya nagkakamali, ang babae na naglalakad ay ang stylist na nag-ayos sa kanya kanina. "Ryan, itigil mo ang sasakyan," utos ni Grabriel sa driver niya. Kaagad naman tumigil ang magarang itim na sasakyan. At habang ibinababa ni Gabriel ang bintana ng sasaskyan ay naging tila nagmukhang Dyosa sa paningin niya ang babaeng naglalakad sa gilid ng kalsada. Patuloy lang ito sa paglalakad at tila hindi man lang siya napansin. Kaagad na napaismid siya. Sa tanang buhay niya ay walang sinuman ang hindi nakakapansin sa kanya. "Get in," he spoke with a light tone of anger. Was this woman a fool? Such a heavy rain and she didn't know how to use an umbrella? He said in his mind. Nang marinig ni Samantha ang tinig na nagmumula sa likuran niya ay awtomatikong tumigil at napalingon siya. Nang makita niya ang malamig at walang pakialam na guwapong mukha ng lalaki, sa hindi alam na dahilan, ang mga luha na kanina pa niya pinipigilan ay agad na nag-unahang bumagsak. Samantha's lips trembled as tears rolled down her cheeks. Even though she knew he was just a stranger to her. Wala ng pakialam pa si Samantha kahit pa hindi niya kilala ang lalaki. Gusto lang niya na makahanap ng isang tao na ibubuhos lahat ang kanyang sama ng loob dahil sa mga oras na iyon, wala siyang kahit isang kilalang tao na maaaring paglabasan ng lahat ng kanyang hinanakit at sama ng loob. "P-Patay na siya, at hindi na makakabalik. Wala na. . .hindi na makakabalik pa. Iniwan na niya ako," humihikbing sambit niya. Napatingin naman si Gabriel sa babae, bigla siyang nanghina nang marinig ang mga sinabi nito. Sa ilang kadahilanan, ang kaunting galit niya ay nawala sa isang iglap. Ramdam niyang may pinagdadaan ang stylist kaya personal na niyang binuksan ang pintuan ng sasakyan para sa babae. "Common, get inside,” aniya sa malambot na tinig. Hindi na nag-atubili si Samantha agad na siyang pumasok sa sasakyan. Pagkapasok, yumuko siya at nagpatuloy na umiyak na parang isang bata. Takot siya. Takot siyang mag-isang muli at mawawalan na naman ng kakampi. Pagkapasok ng babae ay kaagad na ring pumasok si Gabriel sa sasakyan. Saglit na napatingin rito saka ibinaling ang tingin sa driver at sinabi, “to Hender's villa." Sandaling natigilan ang driver, ngunit hindi na naglakas loob na magtanong. Kaagad na binuhay nag makina ng sasakyan at minaneho na ito patungo sa villa ng amo niya. ***** Nang magising naman si Samantha, namalayan na lang niya na nakahiga na siya sa isang magandang kama. Nakatulog pala siya sa kakaiyak. At sa pagmulat ng mga mata ay inilibot niya ang tingin sa paligid. Looking at the exquisite and simple Western European style room around her, Samantha realized that she had gotten into a strange man’s car and went to his home. Biglang napatayo si samantha, mabilis na kinuha ang bag, aalis siya na hindi na magpapaalam. Sa kung sino man ang may-ari ng bahay na iyon. "Saan ka pupunta? May utang ka pa sa akin tapos tatakasan mo lang ako ng gano'n na lang?" Sa gulat ay napalingon si Sam sa may-ari ng boses na iyon. At sa paglingon niya ay nakilala niya kung sino ito. Napatakip siya ng bibig dahil ang may-ari ng boses na iyon ay walang iba kun’di ang boss niyang si Gabriel Hender. Naglakad ito palapit sa kanya habang ang mga mata ay nakatuon sa kanya. Nakasuot lang ito ng kulay gray na short at napansin rin niya na ang maikling itim na buhok nito ay basa at magulo pa na mukhang katatapos lamang maligo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.6K
bc

Spending Night With The Millionaire (TAGALOG-18+)

read
398.2K
bc

The CEO's First Romance | Completed

read
1.4M
bc

Fight for my son's right

read
146.9K
bc

His Precious Property

read
614.6K
bc

Broken Angel

read
3.9K
bc

Wildly and Desperately (TAGALOG/SPGR18+)

read
632.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook